buhay-buhay
'Tol! Walang sisihan!
Kanina lang mayroong ikinuwento ang nanay ko sa 'kin. Mayroon daw nagpakamatay na estudyante sa malapit sa bayan namin. Sa katulad kong nakatira sa isang liblib na lugar, isang malaking balita 'yan. Kahit naman saan, isang malaking balita ang pagpapakamatay.Ang balita, nagbigti daw ang bata dahil napagalitan ng magulang. Unwanted child daw kasi. Naglayas na daw dati 'yung batang iyon. Naging repeater na sa school. Nag-adik. Napabarkada. Nag-aral ng mabuti.. ng bisyo. Naging laman ng kalye. Kakalungkot. Pero marami ding nangyayari na ganyan na ginagawa para makaganti sa magulang. Dalawa lang naman ang choices mo e. Una, tadtarin mo ng hikaw ang tenga mo, ilong, dila at pusod pagkatapos ay magpatattoo ka ng buong katawan mo. Kulayan mo ang buhok mo o kung gusto mo magpakalbo ka pa. Mag-adik ka. Magnakaw. Magbasag ulo. Magpatubo ka ng bigote kahit babae ka. Mag-drop out. Wag kang maligo ng tatlong taon. Kumain ka ng buhay na manok at kung anu-ano pang kabulastugan sa sarili hanggang maramdaman mo na sawa ka na at maisipan mong tapusin ang pesteng buhay mo sa pamamagitan ng pagkain ng dalawampung kilo ng pako upang kapag tumalon ka sa ilog ay di ka na makakalutang hanggang sa malunod ka na ng tuluyan. At umasa ka na lang namakokonsensya sila sa pagsira mo sa buhay mo. O pangalawa, magsikap na mag-aral, magtrabaho, maging huwaran, bumuo ng pamilya at pangarapin na darating din ang araw na masasabi mo sa iyong sarili na: "O ano kayo ngayon?! E di gustong gusto nyong tawagin akong "anak ko yan" ngayong successful na ako!" Malay mo, maayos din ang pamilyang inaasam-asam mong ayusin dahil sa pagsisikap mo.Alin ba mas masakit? Pareho lang siguro. Masakit sa parte mo, ang kumain ng pako, magpatatoo at magpahikaw kung saan saan. At masakit naman sa parte ng magulang na hindi ka nila maipagmalaki dahil minsan ka na nilang inayawan.Parehong motivated ng paghihiganti? Oo.. pero magkaiba ng result. Ang paghihiganti or galit ay para ding apoy. Kaaway kung gagamitin mong pangsunog ng bahay nyo pero kaibigan kapag ginamit mong pangsunog sa kapitbahay.. heheheh! joke! Kaibigan ang apoy kung gagamitin mo sa pagluluto ng pagkain na ihahain mo sa mahal mo sa buhay. Eto ang tama.Basta ang alam ko, hindi mo pwedeng isisi ang mga pangyayari ng buhay mo sa mga taong nakapalibot sayo. Hindi mo pwedeng ikatwiran na kaya mo ginawa iyon ay dahil nya o nino pa man. Dahil una sa lahat, ginawa mo 'yon dahil iyon ang pinili mo. Kung ano pa man ang pinili mo, ikaw ang aani sa huli.Kaya kung ako lang ang nasa ganoong sitwasyon, alam nyo na kung anong pipiliin ko? Takot ako sa karayom.Sana kayo din.
Kape at Pag-ibig
Dahil kanina pa akong walang ginagawa dito sa office at grabeng lakas ng ulan dito sa Batangas, nainggit ako sa mga kaopisina ko na nagkakape. Nakikape na din ako kahit di naman talaga ako nagkakape. Instant coffee lang naman. Pampalipas ng oras.
Masarap din palang magkape. Read my lips, 'yung magkape ang masarap, hindi ang kape.
Baket ba ako nasasarapan magkape? Ihahalintulad ko na lang sa pag-ibig 'yan para maraming makarelate. Naks! Masarap magkape katulad ng sarap umibig.
Unang-una katulad ng pag-ibig, mahalaga din sa'yo ang tasa na paglalagyan ng kape mo. Ibig sabihin, alam mo din naman kung ano ang pagkakaiba ng tasa at tabo. At syempre, masarap magkape sa tasa. Kung maari nga lang sa pinakamagandang tasa ang gusto mong inuman e kahit pa nga pare-pareho din naman ang timpla ng instant coffee. Syempre, iba pa din ung presentable naman. Kung hindi man napakagwapong tasa, aba e sana naman mukhang tasa at hindi mukhang tabo. Ikaw kaya ang uminom sa tabo, di mo kaya maisip na kahilera din 'yun ng inyodoro sa banyo?
Pangalawa katulad ng pag-ibig, nakakarelax at nakakanerbiyos ang pagkakape. 'Yung mga nag-iisip na pampanerbiyos lang ang kape, mali 'yun! Pamparelax din 'yun kaya nga inoofferan natin ng kape ang bisita natin e. 'Wag nyong sabihin na gusto nyo silang nerbyosin. Saka di ba nakakapag-exercise ka din ng breathe in breathe out sa pagkakape. Ganon din ang pag-ibig. Kaya nga nagtetext ka kapag pagod ka na sa work e. 'Yung tipong "Ney, pagod na bebeh mo. Masahe naman 'jan... lav u!" Ewww! Korni! Pero ganon talaga e. Korni talaga ang ma-inlove at minsan kakornihan na din lag ang magkape tulad ng ginagawa ko ngaun kasi gusto ko lag maging "in" sa pagkakape kahit di naman nga ako nagkakape. At sabi ko nga nakakanerbyos din ang pag-ibig. 'Yung tipong di lang makapagtext sa'yo ng umaga maiisip mo na agad na baka kinidnap na ng mga alien ang boyfriend mo. O kaya hinuli sya ng mga scientists dahil napagkamalan syang "missing link" para mapatunayan ang Darwin's evolution.
Pangatlo, tulad ng kape nakakaadik din ang pag-ibig. 'Yung tipong feeling mo, ikamamatay mo kapag wala kang lovelife. O kaya ung feeling na gusto mong maya't maya ka magkape. Meron nga akong katrabaho e, hindi makapagtrabaho ng walang kape sa tabi e. Pero tulad ng pagkaadik, masama din ang masobrahan ng kape Minsan nagkakanervous breakdown o kaya nagiging dependent sa kape. Parang pag-ibig din. Distractive din kapag nasobrahan.
Pang-apat tulad ng pag-ibig, may kanya-kanya tayong panlasa sa sarap ng kape. 'Ung masarap sa kin, pwedeng kakasuka para sa'yo. 'Ung masarap naman sa'yo, ang di ko naman matake. Iba-iba tayo pero iisa lang ang layunin. Ang magkape dahil wala lang. Masarap lang talaga magkape e.
Pero kung may pagkakapareho din ang kape at pag-ibig, meron din naman pagkakaiba. Love is blind daw. Ang kape naman may mata. Kaya nga may "Ice cofee" e. Kung di mo nagets, magkape ka. Baka tulog pa ang braincells mo. Lolz!

Bawal na gamot
Masakit ang ulo ko ngayon kaya humingi ako ng advil sa admin namin. Sya nga pala, Anabelle ang pangalan ng may hawak ng supply namin ng gamot. Nabanggit ko lang kasi si Annabelle Rama ang model ng advil e.
'Yun nga, humingi ako ng advil. Kaya lang medyo matagal din nyang naibigay kasi ang gulo ng lalagyan nya at halos pare-pareho ang korte ng gamot. O mainipin lang ako talaga. Kasi nga masakit ang ulo ko. Di ba nga sinabi ko ng masakit ang ulo ko!!!! Nakakaintindi ba kyo?!?!? Joke lang.. kerid away lang ng konti.
Naisip ko tuloy, baket ba pare-pareho ang korte ng gamot. Sana magkaroon ng innovations sa shapes ng gamot. Ibig kong sabihin, sana korteng mukha ng tao ung gamot para sa sakit sa ulo. Tapos korteng tiyan ng tao 'yung gamot sa tyan. Tapos korteng ilong 'yung para sa sipon. Korteng puso 'yung para sa puso. Korteng mata ang para sa mata. Tenga ang para sa tenga. 'Yung midol at viagra ay korteng....... napkin at kama. Kala nyo kung anong korte ano? Wholesome ang blog ko! At kung paano iinumin ang korteng kama, abah wapakels na ako sa inyo! Di ko na problema 'yun! Wag nyong pasakitin ang ulo ko!
Ang advantage nyan bukod sa madaling hanapin ay di mo na kailangang malaman kung anong pangalan ng gamot na bibilhin mo. Instead, pwede mong sabihin sa botica na pabili ng korteng ulong gamot. Wala ng mga genegeneric at name ng gamot na kailangang tandaan. Ang hirap din tandaan ng pangalan ng gamot ha.
Second, mababawasan 'ung mga insidente ng pagbibigay ng maling gamot. Naalala ko, minsan nagkamali ng bigay ng gamot sa 'kin ang ospital. Buti na lang nagbabasa ako. Kung uso na ang iba't ibang korte ng gamot e di sana ganito ang pagrereklamo ko "Baket korteng ilong itong pinapainom mo sa 'kin e di ba dapat korteng arinola??!!"
Third, kahit mga bulag ay pwedeng kumuha ng gamot nila. Kakapain lang nila at voila! Alam na nila kung anong gamot ang para sa kanila.
Fourth, wala ng malalason tulad nung sa tv na unti-unting pinapatay ang mayamang matanda para kamkamin ang lupa at kayamanan ng traidor na kasama sa bahay. Syempre naman. Di na sya maloloko. Kasi magkaiba ng ang korte di ba? Ipinopropose ko din na gawing korteng daga ang lason sa daga, lamok ang lason sa lamok, langaw ang para sa langaw, etc. etc. Mababawasan ang drama sa tv.
Haay.. sumasakit ang puso ko sa mga naiisip ko. Sana mayroon ding maimbento na tablet para sa CPR para iinom na lang ako ngayon kung sakaling hihimatayin ako. At alam nyo kung anong korte.... syempre korteng lips to lips. lol!
It hurts! it hurts! u know!
Mighty Ducks
Coach Carter
Rocky
Million Dollar Baby
The Longest Yard
Ice Princess Oh c'mon.. tama ka! puro tungkol sa sports ang mga yan. Ilan lang yan sa mga gusto kong movies na ganon ang genre. Wala lang.. siguro, kabilang ako don sa mga tao na would
always want an underdog to triumph. Siguro kasi I believe in
the power of training and learning from criticisms. Saka syempre sa
ability ng tao to learn. Natutunan ko sa movies na yan, na
learning comes with pain - physical, verbal, emotional and mental. (wak na isama ang sexual pain) bwahahahahha!. Not only do they have to endure hardships; they have to withstand the monotony and boredom of practicing over and over again. To let it sink in to your system. Un siguro ang pinakamahirap. Ung i-withdraw mo ung sarili mo sa comfort zone mo and
take the criticism from a nobody who is a total pain-in-the-butt! Pero
if you are sincere on what you are doing, you will not accept any excuses.. only result. if you don't learn, you tend to get hurt more. Kaya minsan me nagku-quit sa training pa lang. And sometimes, one will stare in the mirror and ask himself why he's learning the thing in the first place. Anyway,
the few that endure the hardships are the ones who will become successful. Those who quits, wala lang... at the end of the movie, they are the ones na madaling kalimutan.
Kaya the next time you want to learn something, expect pain. And the next time you quit, remember din na you are not quiting pain. You are quiting learning as well.
The story of Pedro
Actually, kwento 'to sa church sa isang preaching. Dinagdagan na lang ng mga

Tumatak na lang talaga sa isip ko.
(oh c'mon.. sumisimba din ako.. wag kayong magtaka! nyahahaha!) enjoy reading!
Pedro is a typical production worker who earns a minimum salary. He lost his wife in an accident two years ago. But still, Pedro looks at life positively. He was left with his 2 beautiful kids whom he loves so much and gives him inspiration to live everyday. Talk about looking at the glass half full rather than half empty.
With every intention to give them education, he accepted a job which is 8 miles away from his home. Traveling everyday is unbearable for some but not for Pedro. He walks 10 kilometers up to the lakeshore, rides a boat for 1 hour, crosses a forest by foot before he reach the bus station in the city, and finally takes a bus for a 1 hour ride. He also does not mind the risk of traveling. There is a spreading rumor that a tribe of cannibals live in the forest- awaiting for preys.
Last June 6, 2006, Pedro was doing his usual work in the packaging section when suddenly he caught his little finger in the steel roller. He was rushed to their company doctor and was advised that the damage was severe that they need to amputate his little finger.
Pedro told himself:
“The heck! I am still lucky! It didn’t catch my arm!” So the operation was done the same day and Pedro was advised to take a 5-day leave. And since he is a contractual worker, a 5 day leave means 5 days no pay.
Pedro told himself:
“The heck! I will have 5 days to play with my kids. I am lucky!” So without regrets, he packed his things and gets himself ready to go home. He took the his usual itinerary. He rode the bus until he reaches the forest. He started to walk across the forest. Walk, walk, walk, and… stop.
It seems that someone is following him. He looked at his back.
Check..
None.
So he continued walking. When suddenly a trap caught him!

He found himself hanging upside down like an animal hunted as food. The tribe cannibals sprung out from the large trunks of the trees and eagerly carried him to their tribe.
When they reached the tribe, he saw a big casserole. He is sure; he’ll be the specialty for dinner.

His tears began to fall as he remembers his two kids.
“How can they survive on their own?” he said.
“God, why did you let this happen to me? I never complain on anything. I have been good to everyone and to you, Lord. Is this my reward? I never complained when my wife died. I never complained when I lost my finger? Or have to suffer the consequence of a 5 day force leave? But why do You let bad things happen to me?” He complained and dared God. He lost his faith. This is too much for him. Poor Pedro.
The cannibals started to undress Pedro. All bare, a cannibal (seems to be the tribe’s doctor) checked him. His heartbeat, his ears, his nose, everything.. just like taking a physical examination.
When Alas! The doctor shook his head and shouted;
“Not good! Not good for food! Little finger missing! Not good for food!” It was music to Pedro’s ears.

The cannibals let him get away as they do not have any use of him.
So, Pedro enjoyed the 5 day vacation.
And about his little finger? Well, it was all God’s plan. it was a blessing in disguise! Thanks God!
“And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.” Romans 8:28 
SpongeBob SquarePants
Matagal-tagal ko na din naman kilala si SpongeBob sa katunayan me t-shirt pa ako na sya ang design. Pareho kami nung pamangkin kong 6 years old. Si Spongebob ay nakatira sa Bikini Bottom sa Pacific Ocean sa loob ng isang pineapple. Kasama nya sa bahay si Gary, ang alaga nyang snail na nakaka-meow na parang pusa. Patrick is his bestfriend na sobrang makakalimutin pero lagi namang handang tumulong sa kanya. Un nga lang, kalimitan palpak. Nyahahahah! Nagwowork si SpongeBob sa krusty Krab as a cook at ang boss nya e si Mr. Krabs. Si Mr. Krabs e may kakaibang phobia. (Or hindi naman ata kakaiba, marami din sa atin ang may kaparehong phobia.) Takot si Mr. Krabs na mahulugan ng kahit isang coin. Masyadong importante ang pera para sa kanya. Nag-iisang cook si Spongebob sa krusty Krab kaya noong minsan na maiisipan ni Mr. Krabs na mag-24 hour operations, e syempre nagstraight shift din si Spongebob. Pero enjoy naman sya. Feeling nya bagong experience ung mag prito ng patties pag gabi. Nyahahahah!
Di ko lang alam kung bayad ang overtime ni Spongebob. Kasama nya sa work si Squidward as a cashier. Na me inis sa kanila ni Patrick. Me isa pa silang kaibigan, si Sandy na isang squirrel na nakasuot ng diving suit at helmet para hindi malunod. Ang ultimate kontrabida nila si Plankton na gustong nakawin ang recipe ng Krusty Patty. Haaay.. hirap din ng buhay ni Spongebob. Unang una, salt water un at sa pineapple sya nakatira. Bakit di na lang sya ginawan ng maayos ng bahay ng cartoonist. Ung kompleto sa lahat. Wala na syang hahanapin pa. Tapos me alaga sya, snail naman. Kung sakaling manakawan si spongebob, paano hahabulin ng alaga nya ang kriminal. Ung bestfriend nya, palpak naman. Ung boss nya, mukhang pera. Ung co-worker nya, pang asar. At kung me isa pa syang kaibigan, hindi naman talaga taga-dagat nagpupumilit lang don. Anytime pwedeng umalis. Me kontrabida pang magnanakaw. Nyahahahah! Parang nakakareleyt na ako ke Spongebob a. Alisin nyo ako sa Pilipinas!
Pero saya pa din ni Spongebob. Pag nalulungkot sya, bubbles lang ok na. Siguro kasi mas nakikita nya ung magagandang bagay kay Gary, kay Patrick, kay Squidward, kay Mr. Krabs, kay Sandy, khit ke Plankton at sa Bikini Bottom. Gayahin ko na lang si SpongeBob. Tutal hindi ko naman makukuha lahat ng gusto ko. Kaya I will just make the best out of it. Live Life, Laugh Loud and Love Much!
X
Una kong nakilala ang "x" sa salitang "x-ray". Na hanggang ngaun e di ko pa din alam bakit "x" un. E anlayo naman ng electronic radiations sa letter "x". Pero sabagay, kelangan nilang "x"-ray ang itawag don para me maidrawing sila sa children's book na representative ng letter "x" bukod sa "xylophone" na naiisip ko din na mas tama sigurong ispell na lang na "sylophone" kasi ganon naman ang pronunciation niya kaya lang mawawalan na talaga ng representative ang letter "x" sa alphabet. Simula non, di na naging malaking impact sa buhay ko ang letter "x" at sa totoo lang, kung tatanungin nyo ako ngaun kung anong words ang alam kong nagsisimula sa letter "x", x-ray at xylophone pa din ang isasagot ko. Ganon ako kawalang amor sa letter "x". Ni
hindi ako nainteresado na dagdagan ang diksyonaryo ko ng mga salitang nagsisimula sa kanya.
Kapag nakakagat ko ang dila ko at nanghingi ako ng number sa'yo, wag na wag mong isasagot sa kin ang number 24! Talagang sasaktan kita!
Pahihirapan mo pa 'kong mag isip kung sinong nakaalala sa 'kin na letter "x" nagsisimula ang pangalan! E ang kilala ko lang na "x" e si Professor "X" ng x-men at 'ung asong si "xavier"! At sa kasalukuyan, di kami nagpapansinan ng mga yan!
"X" sa test papers ko! di na bago un pero tanda ko nung una akong nakatikim ng "x" sa exams! Pulang-pula at parang proud pa talagang ipagsigawan ang presence nya sa papel ko. at in fairness, hindi sya malungkot kasi hindi sya nag-iisa! As a matter of fact, andami nila! At nagmistulang decoration sila sa testpaper kong walang laman. 'Un nga lang,
ansama nyang dekorasyon! Una akong pinahirapan ng "x" na yan sa algebra. Ang

"x" na 'yan ang laging pinahuhulaan! Dati kasi, kelangan mong magbayad ng bente-singko kapag na zezero ka sa exams. Wag kayong magtaka kung bakit big deal sa 'kin 'yang bente-singko na 'yan! Nayntin porgaten pa ko naghi-skul kaya me halaga pa ang bente-singko non. At op kors! nakailang bente-singko din akong contribution sa pambili ng floorwax kabobokya ko sa lenshak na "x" na yan. Halos maubos ang baon ko! At hanggang ngaun, pinapahanap pa din kung
anong value ba talaga ng "x" na 'yan! Walang kamatayang "x" sa algebra!
Tapos eto pa ha, nagfit ako ng shirt kahapon at pag tingin ko sa tag, "
XL" ang nakalagay! Lenshak talaga 'yang "x" na yan!
Ayaw akong tantanan! Oo na! Antaba ko na! Di mo na kelangang iprint pa sa tag na extra large na ang size ko ngaun!
Kamalayan ko bang 'yang
x din na 'yan ang
magpapaiyak sa 'kin.
Susme! Kakawindang talaga ang layp lalo na ang lablayp! Nyahahahah!
Punong puno ng irony.
Ngayon, may pangalan na kong maiiassociate sa number 24 at sino pa e di 'ung "x" ko!
At biruin mo nga naman! Pati ako nadamay! Asensado na talaga 'yang "x" na yan, kasi kahit ako isang lihitimong "x" na din ngaun. Lenshak!
I'm an "x".
Pero kahit kelan, magiging
malaking misteryo sa 'kin 'yang "x" na 'yan. Hindi lang 'ung "x" sa algebra kundi pati na 'ung "x" ng buhay ko...
ang hirap isolve.
Pero sabi ng kaibigan ko; kapag daw natanggap mo na sa sarili mo na isa ka ng
"x", start na 'yon para
makamove on!
Kaya heto!
I'm an X.
"i don't want to be just another girl.
i don't want to be just another x!"
~jolens in i luv new york
Noon at Ngayon
Kung dati may game and watch at atarri , ngayon may gameboy at PS2.
Dati manikang gawa sa carton ng sigarilyo at mga damit na gawa sa papel, ngayon andami ng barbie at kung anu-anong klaseng manikang gawa sa synthetic rubber at plastic.
Dati may bahay-bahayan na gawa sa karton at mga unan na pinagpatong-patong, ngayon daming doll houses.
turumpo, merong beyblade ngayon
baril-barilang gawa sa kahoy, mga modelong baril naman na pwedeng gamiting pang-hold-up ang meron ngaun,
tirador na gawa sa sanga ng puno, meron din namang plastic nyan ngaun.
dati ang uso ay collection ng stationeries, mababangong kisses (na nanganganak daw at dumadami pag binalot mo sa cotton ), balat ng kendi at lollipop, ngaun bala ng PS2, cd, dvd ang kinokolekta.
kung dati patpat ang espada mo, ngaun mga magagarang espada na umiilaw pa.
kung dati kelangan mong kumain ng maraming-maraming "baltik" para makafree ka ng rubber band na pwedeng gawing jumping rope, ngaun me mga jumping rope na tulad ng sa mga boksingero.
Kung dati "pendong-kalbo" lang ang pwede mong paglibangan kapag bumabyahe, ngaun me selfone na slash video game slash camera slash mp3 pa.
Hay naku! lahat na nga ng "noon" ay may katumbas na "ngayon".
Isa na lang ang hindi napapalitan, ung KALARO.
Dati kasi parang hindi ka pwedeng maglaro ng walang kasama. Kung wala kang kalaro, pano ka maglalaro ng patintero, tumbang-preso, teleber-telebers, habulan, habulang-lakad, taguan, langit-lupa, bending (ung sa tsinelas at balian ng buto), chinese garter, espada-espadahan, saksak-puso, lislisan (hahahah! nauso talaga 'to sa skul namin promise!), at habulang-gahasa? (ay hindi na nauso 'yan! joke lang yan!)
Dapat syempre anjan si bestfriend para me aawayin ka. Di masaya pag walang umiiyak pagtapos na maglaro... kapag wala kang aasarin at kakantahan ng "nyenyenyenyenye! may balat ka naman sa pwet!" .
Pero ngaun, ok lang kahit walang kalaro, ang mahalaga may laruan.
Anjan naman ang ever reliable mong computer. Nakakapag-isip din. At malimit, natatalo ka pa nga sa laro. Un nga lang, di ka mag-aamoy araw, di ka magagalusan, walang iiyak kapag natatalo, o nagiging putot, at walang away-bata.
Napapaisip tuloy ako, ano kayang ikukwento ng pamangkin ko sa magiging apo nya pagdating ng araw? Na natalo nya si son-goku sa level 5 ng dragon-ball z? O na-unlock nya ung ibang kotse sa Need 4 Speed Underground? O mas tama atang itanong ko kung, paano ba sya magkukwento sa apo nya? Baka by email na lang or halogram (wow! parang ke superman), o baka mas hi-tech pa jan.
Ewan ko din lang kung magiging mas masayang pakinggan un kaysa sa kwentong nahulog ako sa puno ng atis, o nagnakaw kami ng sisiw ng kapitbahay, o hinabol ako ng nanay ng pamalo kasi inubos ko ang pera ko pambili ng timbura (cornbits)?
Haaaaay! Tumatanda na talaga ako. Di na ko makahabol sa "technological innovations".
Pano kaya sa susunod? Makaimbento na rin kaya ng computer na pwede kang samahan pag gusto mo mag-unwind? 'Ung tipong, sasamahan kang mag-inom pag heartbroken ka at gusto mong makalimot, o nagpapalakas ka ng loob para ligawan ang isang babae, o pag gusto mong umiyak at maglabas ng sama ng loob, o pag gusto mong magkwento tungkol sa trabaho?
Kakatawa pero hindi malayong mangyari.
Pero sana lang, wag naman... Ayaw ko pa ding abusuhin ang technology or abusuhin ako ng technology. Tama na sa akin 'ung ginagawang convenient ang buhay ko pero 'ung ireplace ang mahal ko sa buhay (nang di ko namamalayan), haaay... mas pipiliin ko pang maging makaluma.
Mas gusto ko pa din si bestfriend kaysa sa laruan.
Teka nga, text ko na lang 'ung lukaret na 'yon. Makapag-unwind muna kami mamaya.
Don't it always seem to go
That you don't know what you got 'til it's gone
They paved paradise and put up a parking lot
- Big yellow taxi by Counting Crows
Peryahan
Ang main event: Pagtawid ni Bakekang sa alambre. Announcer: Mga taong bayan! Konting katahimikan lang. Kailangan ng konsentrasyon sa susunod na stunt. Panoorin natin si Bakekang na tumawid sa alambre sakay ng bisekleta!
At dahan-dahan ngang tumulay ang babaeng sirkera. Maingat na maingat. Pero halatang praktisado ang ginagawa. Tahimik ang lahat. Nag-aabang. At ang iba'y tumutulo ang laway .... sa pagkamangha.
At sa wakas! Nakatawid si Bakekang!
Palakpakan ang lahat!



More! More! More!
At pinagbigyan naman ng babae! Tumawid sya muli sa alambre pero ngaun naka-pikit ang mata nya! At ang galing! Nagawa niya!


At isang beses pa, pero ngaun ay kaangkas na nya ang isa pang sirkero. At nagawa uli nya!
Ilang beses pang inulit ng babae ang stunt na 'un! Chicken lang sa kanya! Walang kahirap-hirap!
"Mga taong bayan! Naniniwala ba kayo na kya ko muling tumawid sa alambre habang sakay sa bisekleta?!?!?", sigaw ni Bakekang. Taong bayan: Oo! Oo!
"Naniniwala ba kayong kayang kaya ko ang ginagawa ko at hindi ako magkakamali!?", sigaw uli ni Bakekang. Taong bayan: Oo! Go! Bakekang!
"Puwes! Kung naniniwala kayo, sinong gustong umangkas sa bisekleta ko?!?!?!?!" At 'yon, natahimik ang lahat. Walang nagtaas ng kamay. Nyahahahaha!
Kasi walang may gustong ipagkatiwala ang buhay nya kay Bakekang.
Ganyan ang difference ng "A person who believes" and "A person of faith".
Tandaan mo, kahit si Satanas ay naniniwala na me Diyos.
Ikaw ba? Aangkas ka bah?
Usapang Kahayupan!
Isang araw sa gitna ng kagubatan ay nagtipon-tipon ang mga iba't-ibang klase ng hayop sa kanilang buwanang pagpupulong.
Attendees: Asosana Roces, Rudy "baboy" Fernandez, Smokey Manokloto, Monkeyris Aquino, at Buwaya Torres
(kung bakit buwaya torres e di ko din alam. basta yan ang naisip ko. nyahahahh!) Monkeyris Aquino : Mga kapwa ko animals. We are here today to make discuss the kumakalat ng news and tsismis na Human are kinda comparing their sarili to us na mga hayup. I want to make kinig your opinions and I want to make salita also what I feel.
Asosana Roces: Nakarating nga din 'yang balitang 'yan sa kin. Ang kinasasama ko ng loob, bakit bitches ang tawag nila sa mga kauri nilang tao na malalandi at puta? Di naman kami ganong mga aso. Sa totoo lang, may season kami ng paghahanap ng kaulayaw. Sumusunod lang kami sa nature. Kung hindi panahon, kahit iharap nyo pa sa aming mga bitches ang pinakagwapo at simpatikong aso, walang mangyayari! Samantalang sila, kahit kelan, kahit saan, kahit patago, nakikipagsex! Napaka-unfair naman na icompare nila ang ugali nilang 'un sa amin. Baw! Wawaw!
Nyahahah! Rudy "baboy" Fernandez: Buti nga sa'yo ganyan lang weh. Samantalang kami, lahat ng matatakaw at matataba ang kino-compare nila sa amin. 3 times lang kaya kaming kumakain! Hindi tulad nila, maya't maya! Busog na pero sige pa rin ang nguya! Oh c'mon.. unfair naman un! At isa pa, lahat ng madumi ang pagkakagawa o masamang ugali e iniaasociate sa amin. Sa mga rapist, sasabihin nila mga baboy! Pag pangit ang pagkakagawa ng isang bagay, sasabihin binaboy! Lagi na lang baboy! Baboy! Patayin na lang nila ako kaysa tapakan nila dignidad ko! Oink!
Smokey Manokloto: Ako din! Pero hindi naman kasing laki ng sa inyo ang paratang nila sa akin. 'Ung sulat nila, pag pangit sasabihin kinaykay ng manok. E ako pa nga ang secretary ng group na ito di ba? At maayos akong magkaykay! May count un.. 1...2...3... tapos saka tutuka. Organized kumbaga. Tapos sasabihin nila, isang kahig, isang tuka. Di kami ganyan kainipin. Kaming manok mga kahit 6 na kahig na at wala pang natutuka, cge pa din kami! At 'ung duwag, bakit chicken ang tawag nila! 'Ung mga inahin nga nmin e, pag ninakawan mo ng sisiw, nagiging panabong! Bukbukbukak!
Buwaya Torres: Kayo lang ba? Kami nga e, makailang beses ng kinutya ng mga taong yan! 'Ung pulis na malaki ang tyan, buwaya daw! 'Ung politikong kurakot, buwaya din. 'Ung taga customs, buwaya pa din. Pati ba naman 'ung basketball player na madaya, buwaya pa din! E sa totoo lang, di kami masiba no! Hindi manyapa't malaki ang bibig namin e, di na kami marunong mabusog. Pagbusog na kami, tama na un! Di kami gahaman! Aaargg!
(Di ko alam ang tunog ng buwaya! Nyahahah!) Monkeyris Aquino: Ok payn! I heard na your complaints. Kaya lang wala pa ring tatalo sa super pag-aalipusta ng mga tao sa uri namin. You know, they have this business named "monkey business" and it's all make loko their kapwa. And also, when people make gago other people, they call it "ungguyan". And you know ang worst, they keep on proving na galing daw sila sa angkan naming mga unggoy! It's a lie! That is too much for us! Kaming mga unggoy, we make alaga our young and even make sacrifice our lives for them. Pero sila, wala lang.. they make tapon their babies sa trashcan. And often, they make paabort pa! Gross di ba?
ong.. ga! ong..ga! We are kawawa di ba? And lahat ng kawalanghiyan nila is kahayupan ang tawag nila! Ambad nila! Buti na lang hayup tayo!
Humabol si
Islaw Kalabaw: Honnnngaaaaa.....!
At jan nagtatapos ang pagpupulong!
Kaya ikaw? Kundi mo kayang magpakatao, magpakahayop ka man lang. di bah?
Mid 80's late 90's
Dahil sa feel na feel ko pa din na birthday ko ngayon ay naisipan kong sumulat uli ng blog. At syempre, kita nyo naman sa title pa lang kung anong makikita nyo dito. Mga bagay sa henerasyon ko - mga kinalakihan ko. Me mga emails kasing nakakarating sa akin pero dekada 80 naman un. Di din ako makarelate sa lahat. Buhay na ako nyan, pero di pa ako ganon natatandaan ang mga pangyayari. Kaya gusto kong gumawa ng sarili kong listahan ng mga bagay na natatandaan ko pa. 1. Usong uso ang rainbow bight, pandemonia, carebears, smurfs at smurfets. Sikat ka sa school kapag me isang libro ka ng sticker ng mga nasabing cartoons. In na in din ang relo na pwedeng gawing game 'n watch. Kalimitan stickman lang ang bida at either tennis o volleyball lang ang laro.
2. Me koleksyon ka ng Gospel at Funny komiks. Nakikipag-agawan ka sa libreng magazine ni "Lito at Lita" tungkol sa tamang pagsasabon ng kamay at paliligo.
3. Nauso din ang pocket size na piano na me kasamang tularan ng twinkle-twinkle, london bridge, etc. na nakasulat sa number. Na nung kalaunan ay ini-incorporate sa pencil case ng mga girls. Kaya kapag kasing laki ng maleta nag pencil case mo, sikat ka. Ibig sabihin non, pencil case slash piano slash sharpener slash mirror na merong isang daang bukasan ang pencil case mo at dalawang daang pindutan. Kulang na lang magtransform na robot.4. Uso ang cleaners sa school. Di ko alam kung uso pa ngaun un. Pero nung panahon ko, merong group cleaners na naka-assign everyday. Naglalaro kayo ng hilahang basahan kung san ang babae ay nakaupo sa basahan at hihilahin ang kamay nya ng lalake. Kapag huminto bigla ang lalake sa paghila samantalang me buwelo pa, sa pwet nya ang tama ng mukha mo.5. Kapag malapit ng lumabas nag honor roll, naglalaro kayo ng spirit of the ballpen ng mga kaklase mo. Kung san pinagdudugtong nyo ang ballpens nyo at kapag lumiko ito, ibig sabihin non hindi ka honor.6. Uso ang secret crush. Kung ngaun nakakahiya kapag wala kang nasabing crush mo, dati naman nakakahiya kapag me crush ka kasi lolokohin ka ng buong klase. Asahan mong may magnonominate sa'yong muse at 'ung crush mo naman ang inonominate ng escort. Sabay sabay ang klaseng magsasabi ng "Ayiiiiiiiiii!!!!" na parang me nagcocompass sa kanila.At dahil nga uso ang secret crushes, may mga ways din para malaman mo kung sinu-sino ang crush nila. Pwedeng ang slambook technique. Bibili ka lang ng notebook or slambook at papafill up-pan sa mga kaibigan mo. Andon na lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa isang tao. Kalimitang sagot sa phone number ang "phonetahan mo na lang" kasi wala pang gaanong me telepono non. Sa most embarassing moment ang "when i was born (kasi daw hubo sya nung pinanganak). Sa crush ang 8-11 (napagisipan mo kung number of letters ba sa name ng crush nya o kung pang ilang letter sa alphabeth ang initial nya.). At talagang iaanalyze mo kung sino ba nga ang tinutukoy nyang crush na parang isang malaking discovery na malaman mo un. Sa dedication naman kalimitang nilalagay ang "keep this as a simple remembrance from me to you" o kaya "stay as sweet as you are. if you will change, change for the better." o kaya "remember "m", remember "e" put them together... remember "me"" Ang jologs! lol!7. Una mong nakilala si Atom at China sa 5 and Up. At kala mo sila ang magkakatuluyan. Umiyak ka pa nung grumaduate na sila sa show.
8. "Sweet violet", "Touch the color", "Jerbase", "Get the number", "Red white and Blue", "Chinese garter", "Jack 'n stone" at "10-20" na parang walang kapaguran.9. Kung taga-lipa ka, ang pinakasikat ng burger dati 'jan ay "burger joint" na natitikman mo lang kapag christmas party. Rainbow ang kaisa-isahang sinehan. "Mama bears" ang puntahan nyo para mag-icecream.10. Kapag naiinis ka na sa kakulitan ng pagkontra ng kalaro mo, uunahan mo na lang syang magsabi ng "Period! No erase!" na sasagutin naman ng kalaro mo ng "Akin padlock! Akin susi!" na sasagutin mo naman ng "E di sa'yo!"11. Kapag me naman me napulot ka lagi mong sinasabi na "Tibs! Walang habol! Lakdaw buwan! Walang bawian! Himod tae baboy!"12. Dalawang klase lang ang notebook na pagbibilian mo. 'Ung puro bulaklak ang cover o 'ung puro artista. Pinakamabentang artista non si Romnick Sarmienta at Manilyn Reynes. Naiinis ka ke Sheryl Cruz at alam mo ang "Iloveyou" sign na ginagawa nya kapag kumakanta.13. Nanonood ka ng That's entertainment lalo na kung sabado. Paborito mo ang Thursday group kasi ang gagaling ng production nila. Si Romnick, Sheryl at Jennifer Sevilla at Harlene Bautista ang love square non. Si Janno at Manilyn pa at pangontra lang si Bing. Si Tina Paner at Chris Villanueva. 14. Paborito mo ang Batibot. Kilala mo sina Kuya Bodgie, Ate Shena (na akala mo ay mag asawa), si Kiko Matsing, Pong Pagong, Ningning, Ging-ging, Manang bola at pati na din sina Sitsiritsit at Alibang-bang.15. Alam mo ang kantang "Alin-alin ang naiba?", "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo", "Tinapang bangus tinapang bangus masarap ang tinapang bangus" "Isda, isda, isda (na puro isda isda lang naman ang lyrics)" at "Iskargu! Isda karne at gulay". At di mo makakalimutan ang kwento ng planetang pakaskas at Pamilya Ismid ng batibot.16. Sikat na sikat si Debbie Gibson, Expose, Tifanny, Richard Marx, Phil Collins, Bangles at etc. Ginagamit mong cover ng libro o notebook ang centerfold ng songhits dati.17. Nagpapagalingan kayo ng mga kaklase mong sauluhin ang "We didn't start the fire".18. Sumikat si Andrew E. sa kanta nyang "Humanap ka ng panget" na tinapatan naman ni Michael V. ng "Maganda ang piliin mo." Payat pa si Michael V. non.20. Kung ngaun ay ayaw mong makamukha ang ina ni Jaya, si Sorayda naman ang exact picture ng panget non. Malas mo kapag Sorayda ang pangalan mo.21. Alam mo ang "Ula ang batang gubat", "Pandakekoks" at "Takeshi Castle". Sumikat din ang Shaider, Bioman, Maskman, Ultra-man, Mega-man, Mask Rider. Kilala mo rin si "Ukirampa" at malimit kayong magpustahan kung alin sa mga sumusunod ang sasabihin nya pagkatapos nyang palakihin ang kalaban: "O kayo naman!", "Nakakapanghina." O "Makaalis na nga."22. Sikat ang "Gwapings" na binubuo nina Eric Fructuso, Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez. Si Eric Fructuso ang pinakasinisigawan non. At si Jomari ang pinakamahina ang followers.23. Alam mo ang daylight saving time nung panahon ni Cory. At pangkaraniwan na ang 3 oras na brownout.24. Malakas ang Alaska Milk men sa PBA non. Si Jolas ang tinaguriang 4th quarterman. Merong konting namumuong tension sa kanila ni Alvin Patrimonio. Kung maka-Alaska ka na tulad ko, kilala mo si Sean Chambers.25. Ang mga pelikulang pinoy non ay parang variety show na din. Laging may kasamang kantahan at sayawan. Ngayon, hindi na sya variety show. MTV style na. 'Ung tipong may background music habang nag-eemote ang bida.26. Uso ang maluluwang na t-shirt na me padding sa balikat at maong na hapit sa hita. Kailangan naka-tack in ka. Wapakels na kung magmistula kang mukhang lampshade sa malayo sa sobrang luwang ng t-shirt mo at sobrang hapit ng pantalon mo.27. Hindi takong ang nakakapagpadagdag ng height kundi buhok. Tease lang ang katapat nyan at isang can ng spray net. 28. Nabalita na me anak na ahas ang may ari ng Robinsons at hinabol si Alice Dixon sa may fitting room. Baka SM lang ang nagkalat ng balitang ito. =)29. Kilala mo si Lindsay Custodio, Jan Marini, Cheska Garcia dahil adik ka sa 4:30 na! Ang TV na! At nagulat ka na lang na naging si Victor Neri pala at Jolina Magdangal minsan isang panahon.30. Napanood mo din ang Cedie, Princess Sarah, Julio at Julia at Nelo. Si Tom Taus ang gumanap na Cedie sa pelikula at si Camille Prats naman si Princess Sarah.Haay.. andami pa pero tama na ang 30 para relate na relate. Minsan nakakapagtaka na pakiramdam mo pagkakagising mo ng umaga, wala naman nababago pero when you look back. Andami na din palang nangyari. Nakakatuwang isipin na masasayang alala naman pala ang natanim sa isip ko. Sa mga ka-batch ko! Umamin na kyo! nakakareleyt din kayo! Hahahahahah!
30 years old
Isang oras na lang at tutungtong na ako sa line of "3" ng buhay ko. Syempre naman.. papalampasin ko ba naman ang pagkakataon na sumulat tungkol don? Hindi noh! Journal entry 'yan sigurado.
Ano ba talaga pagkakaiba kapag 30 ka na? Bakit parang big deal na malapit ka ng mawala sa kalendaryo? Last day ng pagiging 29 ko ngaun at pamaya lang 30 na ako pero feeling ko wala namang maiiba. Buti pa dati, at least pagtumatanda ka nararamdaman mo na tumatangkad ka naman. Ngaun, ung marka ng height ko sa me pintuan namin e sa awa naman ng Diyos e 10 years na atang hindi nagbabago.
Ito na ata ung difference ng "growing" saka "maturing". Oo, maturing pa din. Di kasi ako naniniwala na me taong matured enough to stop maturing. Kaya nga life is a continous learning process e. Saka kaya nga kahit 'yung uugod-ugod na nasasabihan pa din ng "Napaka-immature mo naman!" O kahit nga magulang na, nasasabihan pa ng "Hirap talagang magpalaki ng magulang."
Kung babalikan ko ang buhay ko at ikokompare ko ang isip ko ngayon sa isip ko dati, masasabi ko na I have done fairly well sa 30 years na inilagi ko dito sa mundo. At hindi ako masasabihan ng (pahiram muna ng linya ni Bea) "Act your age!" kasi naman I'm acting my age. Teka, e pano ba ang tamang act ng 30 years old? Wala din yata akong malinaw na maisasagot.
Basta ang alam ko nagmamature ako. Hindi lang dahil naggagain na ako ng weight ngaun kahit panay ang diet ko, o dahil halata na laugh lines ko, o madalas ng sumasakit ang likod ko, o kaya hindi na ako tinatanong na "Miss, estudyante?" ng konduktor sa bus. Masasabi ko na nagmamature ako kasi iba na pananaw ko ngayon compared dati.
Noong 10 years old ako (grade 4 'yon), kauna-unahan akong nagkaroon ng line of 7 sa report card. Oo, 75%. Alam nyo kung saan? Sa character. Pero hindi ako ganong kaapekted. Ang mas inalala ko kung paano ko sasabihin sa nanay. Natatandaan ko pa, naglalaba si nanay noon sa me likod ng bahay namin. Syempre, diretso ako sa kanya para ipakita ang card ko. Sabi ko "Nay, di ako honor. 75 ako sa character pero mataas naman ako sa iba." Syempre kailangang sabihin ko na mataas ako sa ibang subjects para naman alam ni nanay na nag-aaral ako ng mabuti. Pero nagkamali ako. Lalo akong napalo. Di ko makakalimutan ang sabi ni Nanay. Sabi nya, "Mabuti pang sa ibang subjects ka naging 75 kesa naman sa character."
Di ko pa naintindihan 'yan dati. Kasi naman ang alam ko sa Character ay pagiging tahimik lang sa school. Kasi 'yong mga kakaklase kong tahimik 90% sa character e. Pero nung tumanda ako naisip ko na tama si nanay. Buti pa nga sana kung sa Math or Science or History ako naging 75. At least 'yon nakukuha sa pagrereview. Pero ang character, nagsisimula 'yan sa pagpapalaki ng magulang. At ang character pala e hindi lang 'yung hindi ka napapalista na maingay. Part pala 'yon ng pagdisiplina. Pakikibagay sa teacher. Sa kaklase. Ambabaw ko pala na isiping High character = laging naka-sit up straight.
Noong 20 naman ako (4th year college), halos hilahin ko ang oras para sa mga pangarap ko. Gusto ko ng grumaduate. Magtrabaho. Makabili ng kotse. Mabuhay mag-isa. Mag-asawa. Magkaanak. At lahat ng 'yan ay kailangan kong magawa bago ako tumuntong ng 24. Ang galing noh? Kala ko parang magic lang pero hindi pala. Iba na kapag nasa labas ka na ng eskwelahan. Doon mo mararanasan na hindi pala sapat ang diploma para makakuha ka ng trabaho na gusto mo. At kalimitan, magsisimula ka sa pinakamababa ng organization at bibilang ng taon at maraming swerte para maikonsidera ka para mapromote. Hindi din sapat ang sweldo mong makabili ng kotse at lahat ng luho sa buhay. Kasama ka pa nga sa mga taong ayaw magpadagdag ng singkwenta sentimos sa pasahe sa jeep e. At lalong hindi ganon kadaling mag-asawa. Iniisip ko, sa batch ko ng highschool at college kung may sa tingin ko ngayon e "husband/father material". Wala. Kahit 'yung crush ko dati hindi pa rin papasa e. Iba na talaga ang gusto ko. Nag-iiba talaga ang preference ng tao kapag "nagmamature". Kita mo nga, di ako kumakain ng ampalaya dati pero ngayon paborito ko na ang ampalaya con carne. Ganon din siguro ang preferences. Di ko na gusto 'ung mga pasweet at patweetums. Gusto ko na 'ung makakasama sa buhay, hindi lang sa gimikan. At 'yon nga mahirap maghanap ng ganon ngayon.
E anong pagkakaiba ng 20 years old sa 30? Di ko din alam, di pa nga ako 30 e. Basta ang alam ko kapag nalalapit ka na sa 30 nagiging lapitin ka na ng insurance. Parang gusto nilang sabihin na "Hoy! Malapit ka ng madedo. Mag-iwan ka naman ng something!" At concious ka na sa mga reunion nyo. Kelangan me maipagmalaki ka man lang na nabili mo sa 9 na taon mong pagpapaalipin sa corporation. At may makita naman silang picture ng napuntahan mo sa friendster mo. At sa mga taong katulad kong walang asawa, humanda ka na sa tanong na "Kelan ka mag-aasawa?" Sila na ang nagmamadali para sayo. Wagi na ang 30 years old na me masayang pamilya, nakapunta sa europa, me kotse at sariling bahay. Pero di naman ibig sabihin non na talunan na kaming mga wala nyan. Kakainggit no? Pero syempre may ibang sukatan din naman ng pagiging winner. Tulad ng ilan na ba nagtiwala sa'yo na maging pangalawang ina/ama ng anak nila? Ilang staff mo na ang napaimprove mo ang buhay? Ilan sa kanila ang pinapakilala ka sa pamilya nila? Ilan na humingi ng payo syo at nagpasalamat? Ilang sikreto na ba ang pinagkatiwala syo? Ilang beses mong naramdaman na proud ang magulang mo sayo? Ilang beses kang kinonsulta ng magulang mo sa isang malaking desisyon? Ilang beses kang naging inspirasyon? Ilang kaibigan ang itinuturing kang kapatid? Gaano karami ang kwento mong nakaka-touch ng ibang tao?
Korni man pero yaman din 'yan. Parang 'yung story ng sa isang race. Na nadapa ang isang contestant tapos me tumulong sa kanyang isa pang contestant. Kahit hindi nakuha nung tumulong na contestant ang trophy, winner pa din sya. Ganyan ko na lang gugugulin ang next years of my life.
Lampas na pala ng alas dose! 30 years old na ako! Di ko man lang namalayan.
Happy Birthday to me!
Mahaba? Natural! Almost kalahati ng life expectancy ng tao ang ikinukwento ko e tapos mag-eexpect kayo ng maiksi?!?!?! Grow up! Will you!
Jollibee
Kung meron mang lugar na hindi ko makakalimutan, isa na ang Jollibee, lipa downtown sa listahan ko. Hindi dahil sa paborito ko itong tambayan o dahil me nagdate sa 'kin dito o dahil me nakaaway ako. Kundi dahil Jollibee lipa downtown ang naging inspirasyon ko para magtrabaho ng husto.
Weird? Hindi naman gaano. May katwiran din naman ako kung baket Jollibee lipa ang naging inspirasyon ko. Nangyari kasi 'yon nung mga panahon na nagsisimula pa lang akong magtrabaho. Si kuya ay nasa Korea ng mga panahong 'yon. 'Yung bunso naman namin ay nasa kolehiyo pa lang. Si tatay ay isang welder sa talyer at ang nanay ko ay isang may bahay. Ako naman ay simpleng clerk slash muse lang sa opisina.
Ugali na sa bahay na pagkakarating galing sa school, trabaho, or kahit saan ay nagkkwento sa magulang. Parang reporting. Doon sa lamesa kung san kami kumakain. Don kami madalas magtawanan. Mas malimit nga kami don kesa sa sala e.
Nagkataon na 'nung araw na iyon ay kararating lang nina nanay galing ospital. Ang natatandaan ko, nagpacheck up ng tuhod nya si tatay kasi may rayuma. Kaya sa mga bihirang pagkakataon, sila naman ang magkukwento at ako naman ang makikinig. Kami pa lang ang tao sa bahay.
Sinimulan ni nanay ang kwento sa kung anong sabi ng doktor. Kung anong bawal. Kung anong mga gamot at kasabay na non na pagalitan nya si tatay sa sobrang katigasan ng ulo at paggawa ng bawal. At syempre, ako naman ang taga-segunda. Pinapagalitan ko din ang tatay ko. Normal na 'yon sa bahay.
Tapos sabi ko, "kumain ba kayo sa lipa?"
Oo naman daw sabi ng nanay ko. Sa me tagumpay mini-mart. Don kami kumakain non simula nung masunog ang palengke ng lipa nung third year highschool ako. Parang canteen lang sa taas ng isang supermarket.
"Halo-halo na naman? Hehehehehe!" sabi ko uli. Alam ko kasing un lang ang mejo "masarap" na pagkain don.
Oo daw sabi ng nanay ko. Sana daw ay sa Jollibee sila kakain. May pera naman daw sila. Kaya lang ay hindi sila marunong umorder. Baka mapahiya pa sila at magmukhang tanga. Nasa me harapan na sila ng Jollibee nung naisipan nilang don na lang sa alam nilang kainan kumain- sa tagumpay nga.
Ewan ko kung emosyonal lang ako. Pero nung marinig ko ang kwento ng nanay, nanikip ang dibdib ko. Parang lumulunok ako ng pingpong balls ng pagkakataon na 'yon. Ang hirap talagang maging mahirap. Jollibee lang hindi ko pa madala ang magulang ko.
Kaya simula non, tuwing suweldo ko ay ginagawaan ko talaga ng paraan na mai-date sila nanay. Kahit pa nga hirap akong magbudget. Okay lang un. Mas gusto ko 'yon kaysa naman lumunok uli ako ng pingpong balls.
Ngayon, marami-rami na din akong napagdalhan kila nanay. Marami na din kaming nakainan. Pero syempre nagsimula ang lahat sa Jollibee lipa downtown.
Kahapon, kumain uli kami sa Jollibee Santo Tomas naman. Si nanay na ang umorder. Value meals lang syempre. Pero sabi ng nanay ko; "Mayaman pa din ang pakiramdam ko kapag kumakain sa Jollibee."
Para pa din akong lumulunok ng pingpong balls pero mas masarap na pingpong balls na.
