buhay-buhay
Tuesday, July 10, 2007
  Noon at Ngayon

Kung dati may game and watch at atarri , ngayon may gameboy at PS2.

Dati manikang gawa sa carton ng sigarilyo at mga damit na gawa sa papel, ngayon andami ng barbie at kung anu-anong klaseng manikang gawa sa synthetic rubber at plastic.

Dati may bahay-bahayan na gawa sa karton at mga unan na pinagpatong-patong, ngayon daming doll houses.

turumpo, merong beyblade ngayon

baril-barilang gawa sa kahoy, mga modelong baril naman na pwedeng gamiting pang-hold-up ang meron ngaun,

tirador na gawa sa sanga ng puno, meron din namang plastic nyan ngaun.

dati ang uso ay collection ng stationeries, mababangong kisses (na nanganganak daw at dumadami pag binalot mo sa cotton ), balat ng kendi at lollipop, ngaun bala ng PS2, cd, dvd ang kinokolekta.

kung dati patpat ang espada mo, ngaun mga magagarang espada na umiilaw pa.

kung dati kelangan mong kumain ng maraming-maraming "baltik" para makafree ka ng rubber band na pwedeng gawing jumping rope, ngaun me mga jumping rope na tulad ng sa mga boksingero.

Kung dati "pendong-kalbo" lang ang pwede mong paglibangan kapag bumabyahe, ngaun me selfone na slash video game slash camera slash mp3 pa.

Hay naku! lahat na nga ng "noon" ay may katumbas na "ngayon".

Isa na lang ang hindi napapalitan, ung KALARO.

Dati kasi parang hindi ka pwedeng maglaro ng walang kasama. Kung wala kang kalaro, pano ka maglalaro ng patintero, tumbang-preso, teleber-telebers, habulan, habulang-lakad, taguan, langit-lupa, bending (ung sa tsinelas at balian ng buto), chinese garter, espada-espadahan, saksak-puso, lislisan (hahahah! nauso talaga 'to sa skul namin promise!), at habulang-gahasa? (ay hindi na nauso 'yan! joke lang yan!)

Dapat syempre anjan si bestfriend para me aawayin ka. Di masaya pag walang umiiyak pagtapos na maglaro... kapag wala kang aasarin at kakantahan ng "nyenyenyenyenye! may balat ka naman sa pwet!" .

Pero ngaun, ok lang kahit walang kalaro, ang mahalaga may laruan.

Anjan naman ang ever reliable mong computer. Nakakapag-isip din. At malimit, natatalo ka pa nga sa laro. Un nga lang, di ka mag-aamoy araw, di ka magagalusan, walang iiyak kapag natatalo, o nagiging putot, at walang away-bata.

Napapaisip tuloy ako, ano kayang ikukwento ng pamangkin ko sa magiging apo nya pagdating ng araw? Na natalo nya si son-goku sa level 5 ng dragon-ball z? O na-unlock nya ung ibang kotse sa Need 4 Speed Underground? O mas tama atang itanong ko kung, paano ba sya magkukwento sa apo nya? Baka by email na lang or halogram (wow! parang ke superman), o baka mas hi-tech pa jan.

Ewan ko din lang kung magiging mas masayang pakinggan un kaysa sa kwentong nahulog ako sa puno ng atis, o nagnakaw kami ng sisiw ng kapitbahay, o hinabol ako ng nanay ng pamalo kasi inubos ko ang pera ko pambili ng timbura (cornbits)?

Haaaaay! Tumatanda na talaga ako. Di na ko makahabol sa "technological innovations".

Pano kaya sa susunod? Makaimbento na rin kaya ng computer na pwede kang samahan pag gusto mo mag-unwind? 'Ung tipong, sasamahan kang mag-inom pag heartbroken ka at gusto mong makalimot, o nagpapalakas ka ng loob para ligawan ang isang babae, o pag gusto mong umiyak at maglabas ng sama ng loob, o pag gusto mong magkwento tungkol sa trabaho?

Kakatawa pero hindi malayong mangyari.

Pero sana lang, wag naman... Ayaw ko pa ding abusuhin ang technology or abusuhin ako ng technology. Tama na sa akin 'ung ginagawang convenient ang buhay ko pero 'ung ireplace ang mahal ko sa buhay (nang di ko namamalayan), haaay... mas pipiliin ko pang maging makaluma.

Mas gusto ko pa din si bestfriend kaysa sa laruan.

Teka nga, text ko na lang 'ung lukaret na 'yon. Makapag-unwind muna kami mamaya.

Don't it always seem to go
That you don't know what you got 'til it's gone
They paved paradise and put up a parking lot

- Big yellow taxi by Counting Crows

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]