buhay-buhay
Tuesday, July 10, 2007
  X

Una kong nakilala ang "x" sa salitang "x-ray". Na hanggang ngaun e di ko pa din alam bakit "x" un. E anlayo naman ng electronic radiations sa letter "x". Pero sabagay, kelangan nilang "x"-ray ang itawag don para me maidrawing sila sa children's book na representative ng letter "x" bukod sa "xylophone" na naiisip ko din na mas tama sigurong ispell na lang na "sylophone" kasi ganon naman ang pronunciation niya kaya lang mawawalan na talaga ng representative ang letter "x" sa alphabet. Simula non, di na naging malaking impact sa buhay ko ang letter "x" at sa totoo lang, kung tatanungin nyo ako ngaun kung anong words ang alam kong nagsisimula sa letter "x", x-ray at xylophone pa din ang isasagot ko. Ganon ako kawalang amor sa letter "x". Ni hindi ako nainteresado na dagdagan ang diksyonaryo ko ng mga salitang nagsisimula sa kanya.

Kapag nakakagat ko ang dila ko at nanghingi ako ng number sa'yo, wag na wag mong isasagot sa kin ang number 24! Talagang sasaktan kita! Pahihirapan mo pa 'kong mag isip kung sinong nakaalala sa 'kin na letter "x" nagsisimula ang pangalan! E ang kilala ko lang na "x" e si Professor "X" ng x-men at 'ung asong si "xavier"! At sa kasalukuyan, di kami nagpapansinan ng mga yan!

"X" sa test papers ko! di na bago un pero tanda ko nung una akong nakatikim ng "x" sa exams! Pulang-pula at parang proud pa talagang ipagsigawan ang presence nya sa papel ko. at in fairness, hindi sya malungkot kasi hindi sya nag-iisa! As a matter of fact, andami nila! At nagmistulang decoration sila sa testpaper kong walang laman. 'Un nga lang, ansama nyang dekorasyon!

Una akong pinahirapan ng "x" na yan sa algebra. Ang : p u s a n g i n a : "x" na 'yan ang laging pinahuhulaan! Dati kasi, kelangan mong magbayad ng bente-singko kapag na zezero ka sa exams. Wag kayong magtaka kung bakit big deal sa 'kin 'yang bente-singko na 'yan! Nayntin porgaten pa ko naghi-skul kaya me halaga pa ang bente-singko non. At op kors! nakailang bente-singko din akong contribution sa pambili ng floorwax kabobokya ko sa lenshak na "x" na yan. Halos maubos ang baon ko! At hanggang ngaun, pinapahanap pa din kung anong value ba talaga ng "x" na 'yan! Walang kamatayang "x" sa algebra!

Tapos eto pa ha, nagfit ako ng shirt kahapon at pag tingin ko sa tag, "XL" ang nakalagay! Lenshak talaga 'yang "x" na yan! Ayaw akong tantanan! Oo na! Antaba ko na! Di mo na kelangang iprint pa sa tag na extra large na ang size ko ngaun!

Kamalayan ko bang 'yang : p u s a n g i n a : x din na 'yan ang magpapaiyak sa 'kin.

Susme! Kakawindang talaga ang layp lalo na ang lablayp! Nyahahahah!

Punong puno ng irony.

Ngayon, may pangalan na kong maiiassociate sa number 24 at sino pa e di 'ung "x" ko! : m a d :

At biruin mo nga naman! Pati ako nadamay! Asensado na talaga 'yang "x" na yan, kasi kahit ako isang lihitimong "x" na din ngaun. Lenshak! I'm an "x".

: p u s a n g i n a :

Pero kahit kelan, magiging malaking misteryo sa 'kin 'yang "x" na 'yan. Hindi lang 'ung "x" sa algebra kundi pati na 'ung "x" ng buhay ko... ang hirap isolve. : c r y :

Pero sabi ng kaibigan ko; kapag daw natanggap mo na sa sarili mo na isa ka ng "x", start na 'yon para makamove on!

Kaya heto! I'm an X.


"i don't want to be just another girl.
i don't want to be just another x!"

~jolens in i luv new york : c h a r i n g :



 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]