Peryahan
Ang main event: Pagtawid ni Bakekang sa alambre. Announcer: Mga taong bayan! Konting katahimikan lang. Kailangan ng konsentrasyon sa susunod na stunt. Panoorin natin si Bakekang na tumawid sa alambre sakay ng bisekleta!
At dahan-dahan ngang tumulay ang babaeng sirkera. Maingat na maingat. Pero halatang praktisado ang ginagawa. Tahimik ang lahat. Nag-aabang. At ang iba'y tumutulo ang laway .... sa pagkamangha.
At sa wakas! Nakatawid si Bakekang!
Palakpakan ang lahat!



More! More! More!
At pinagbigyan naman ng babae! Tumawid sya muli sa alambre pero ngaun naka-pikit ang mata nya! At ang galing! Nagawa niya!


At isang beses pa, pero ngaun ay kaangkas na nya ang isa pang sirkero. At nagawa uli nya!
Ilang beses pang inulit ng babae ang stunt na 'un! Chicken lang sa kanya! Walang kahirap-hirap!
"Mga taong bayan! Naniniwala ba kayo na kya ko muling tumawid sa alambre habang sakay sa bisekleta?!?!?", sigaw ni Bakekang. Taong bayan: Oo! Oo!
"Naniniwala ba kayong kayang kaya ko ang ginagawa ko at hindi ako magkakamali!?", sigaw uli ni Bakekang. Taong bayan: Oo! Go! Bakekang!
"Puwes! Kung naniniwala kayo, sinong gustong umangkas sa bisekleta ko?!?!?!?!" At 'yon, natahimik ang lahat. Walang nagtaas ng kamay. Nyahahahaha!
Kasi walang may gustong ipagkatiwala ang buhay nya kay Bakekang.
Ganyan ang difference ng "A person who believes" and "A person of faith".
Tandaan mo, kahit si Satanas ay naniniwala na me Diyos.
Ikaw ba? Aangkas ka bah?