buhay-buhay
Thursday, July 12, 2007
  Bawal na gamot

Masakit ang ulo ko ngayon kaya humingi ako ng advil sa admin namin. Sya nga pala, Anabelle ang pangalan ng may hawak ng supply namin ng gamot. Nabanggit ko lang kasi si Annabelle Rama ang model ng advil e.

'Yun nga, humingi ako ng advil. Kaya lang medyo matagal din nyang naibigay kasi ang gulo ng lalagyan nya at halos pare-pareho ang korte ng gamot. O mainipin lang ako talaga. Kasi nga masakit ang ulo ko. Di ba nga sinabi ko ng masakit ang ulo ko!!!! Nakakaintindi ba kyo?!?!? Joke lang.. kerid away lang ng konti.

Naisip ko tuloy, baket ba pare-pareho ang korte ng gamot. Sana magkaroon ng innovations sa shapes ng gamot. Ibig kong sabihin, sana korteng mukha ng tao ung gamot para sa sakit sa ulo. Tapos korteng tiyan ng tao 'yung gamot sa tyan. Tapos korteng ilong 'yung para sa sipon. Korteng puso 'yung para sa puso. Korteng mata ang para sa mata. Tenga ang para sa tenga. 'Yung midol at viagra ay korteng....... napkin at kama. Kala nyo kung anong korte ano? Wholesome ang blog ko! At kung paano iinumin ang korteng kama, abah wapakels na ako sa inyo! Di ko na problema 'yun! Wag nyong pasakitin ang ulo ko!

Ang advantage nyan bukod sa madaling hanapin ay di mo na kailangang malaman kung anong pangalan ng gamot na bibilhin mo. Instead, pwede mong sabihin sa botica na pabili ng korteng ulong gamot. Wala ng mga genegeneric at name ng gamot na kailangang tandaan. Ang hirap din tandaan ng pangalan ng gamot ha.

Second, mababawasan 'ung mga insidente ng pagbibigay ng maling gamot. Naalala ko, minsan nagkamali ng bigay ng gamot sa 'kin ang ospital. Buti na lang nagbabasa ako. Kung uso na ang iba't ibang korte ng gamot e di sana ganito ang pagrereklamo ko "Baket korteng ilong itong pinapainom mo sa 'kin e di ba dapat korteng arinola??!!"

Third, kahit mga bulag ay pwedeng kumuha ng gamot nila. Kakapain lang nila at voila! Alam na nila kung anong gamot ang para sa kanila.

Fourth, wala ng malalason tulad nung sa tv na unti-unting pinapatay ang mayamang matanda para kamkamin ang lupa at kayamanan ng traidor na kasama sa bahay. Syempre naman. Di na sya maloloko. Kasi magkaiba ng ang korte di ba? Ipinopropose ko din na gawing korteng daga ang lason sa daga, lamok ang lason sa lamok, langaw ang para sa langaw, etc. etc. Mababawasan ang drama sa tv.

Haay.. sumasakit ang puso ko sa mga naiisip ko. Sana mayroon ding maimbento na tablet para sa CPR para iinom na lang ako ngayon kung sakaling hihimatayin ako. At alam nyo kung anong korte.... syempre korteng lips to lips. lol!

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]