Mid 80's late 90's
Dahil sa feel na feel ko pa din na birthday ko ngayon ay naisipan kong sumulat uli ng blog. At syempre, kita nyo naman sa title pa lang kung anong makikita nyo dito. Mga bagay sa henerasyon ko - mga kinalakihan ko. Me mga emails kasing nakakarating sa akin pero dekada 80 naman un. Di din ako makarelate sa lahat. Buhay na ako nyan, pero di pa ako ganon natatandaan ang mga pangyayari. Kaya gusto kong gumawa ng sarili kong listahan ng mga bagay na natatandaan ko pa. 1. Usong uso ang rainbow bight, pandemonia, carebears, smurfs at smurfets. Sikat ka sa school kapag me isang libro ka ng sticker ng mga nasabing cartoons. In na in din ang relo na pwedeng gawing game 'n watch. Kalimitan stickman lang ang bida at either tennis o volleyball lang ang laro.
2. Me koleksyon ka ng Gospel at Funny komiks. Nakikipag-agawan ka sa libreng magazine ni "Lito at Lita" tungkol sa tamang pagsasabon ng kamay at paliligo.
3. Nauso din ang pocket size na piano na me kasamang tularan ng twinkle-twinkle, london bridge, etc. na nakasulat sa number. Na nung kalaunan ay ini-incorporate sa pencil case ng mga girls. Kaya kapag kasing laki ng maleta nag pencil case mo, sikat ka. Ibig sabihin non, pencil case slash piano slash sharpener slash mirror na merong isang daang bukasan ang pencil case mo at dalawang daang pindutan. Kulang na lang magtransform na robot.4. Uso ang cleaners sa school. Di ko alam kung uso pa ngaun un. Pero nung panahon ko, merong group cleaners na naka-assign everyday. Naglalaro kayo ng hilahang basahan kung san ang babae ay nakaupo sa basahan at hihilahin ang kamay nya ng lalake. Kapag huminto bigla ang lalake sa paghila samantalang me buwelo pa, sa pwet nya ang tama ng mukha mo.5. Kapag malapit ng lumabas nag honor roll, naglalaro kayo ng spirit of the ballpen ng mga kaklase mo. Kung san pinagdudugtong nyo ang ballpens nyo at kapag lumiko ito, ibig sabihin non hindi ka honor.6. Uso ang secret crush. Kung ngaun nakakahiya kapag wala kang nasabing crush mo, dati naman nakakahiya kapag me crush ka kasi lolokohin ka ng buong klase. Asahan mong may magnonominate sa'yong muse at 'ung crush mo naman ang inonominate ng escort. Sabay sabay ang klaseng magsasabi ng "Ayiiiiiiiiii!!!!" na parang me nagcocompass sa kanila.At dahil nga uso ang secret crushes, may mga ways din para malaman mo kung sinu-sino ang crush nila. Pwedeng ang slambook technique. Bibili ka lang ng notebook or slambook at papafill up-pan sa mga kaibigan mo. Andon na lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa isang tao. Kalimitang sagot sa phone number ang "phonetahan mo na lang" kasi wala pang gaanong me telepono non. Sa most embarassing moment ang "when i was born (kasi daw hubo sya nung pinanganak). Sa crush ang 8-11 (napagisipan mo kung number of letters ba sa name ng crush nya o kung pang ilang letter sa alphabeth ang initial nya.). At talagang iaanalyze mo kung sino ba nga ang tinutukoy nyang crush na parang isang malaking discovery na malaman mo un. Sa dedication naman kalimitang nilalagay ang "keep this as a simple remembrance from me to you" o kaya "stay as sweet as you are. if you will change, change for the better." o kaya "remember "m", remember "e" put them together... remember "me"" Ang jologs! lol!7. Una mong nakilala si Atom at China sa 5 and Up. At kala mo sila ang magkakatuluyan. Umiyak ka pa nung grumaduate na sila sa show.
8. "Sweet violet", "Touch the color", "Jerbase", "Get the number", "Red white and Blue", "Chinese garter", "Jack 'n stone" at "10-20" na parang walang kapaguran.9. Kung taga-lipa ka, ang pinakasikat ng burger dati 'jan ay "burger joint" na natitikman mo lang kapag christmas party. Rainbow ang kaisa-isahang sinehan. "Mama bears" ang puntahan nyo para mag-icecream.10. Kapag naiinis ka na sa kakulitan ng pagkontra ng kalaro mo, uunahan mo na lang syang magsabi ng "Period! No erase!" na sasagutin naman ng kalaro mo ng "Akin padlock! Akin susi!" na sasagutin mo naman ng "E di sa'yo!"11. Kapag me naman me napulot ka lagi mong sinasabi na "Tibs! Walang habol! Lakdaw buwan! Walang bawian! Himod tae baboy!"12. Dalawang klase lang ang notebook na pagbibilian mo. 'Ung puro bulaklak ang cover o 'ung puro artista. Pinakamabentang artista non si Romnick Sarmienta at Manilyn Reynes. Naiinis ka ke Sheryl Cruz at alam mo ang "Iloveyou" sign na ginagawa nya kapag kumakanta.13. Nanonood ka ng That's entertainment lalo na kung sabado. Paborito mo ang Thursday group kasi ang gagaling ng production nila. Si Romnick, Sheryl at Jennifer Sevilla at Harlene Bautista ang love square non. Si Janno at Manilyn pa at pangontra lang si Bing. Si Tina Paner at Chris Villanueva. 14. Paborito mo ang Batibot. Kilala mo sina Kuya Bodgie, Ate Shena (na akala mo ay mag asawa), si Kiko Matsing, Pong Pagong, Ningning, Ging-ging, Manang bola at pati na din sina Sitsiritsit at Alibang-bang.15. Alam mo ang kantang "Alin-alin ang naiba?", "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo", "Tinapang bangus tinapang bangus masarap ang tinapang bangus" "Isda, isda, isda (na puro isda isda lang naman ang lyrics)" at "Iskargu! Isda karne at gulay". At di mo makakalimutan ang kwento ng planetang pakaskas at Pamilya Ismid ng batibot.16. Sikat na sikat si Debbie Gibson, Expose, Tifanny, Richard Marx, Phil Collins, Bangles at etc. Ginagamit mong cover ng libro o notebook ang centerfold ng songhits dati.17. Nagpapagalingan kayo ng mga kaklase mong sauluhin ang "We didn't start the fire".18. Sumikat si Andrew E. sa kanta nyang "Humanap ka ng panget" na tinapatan naman ni Michael V. ng "Maganda ang piliin mo." Payat pa si Michael V. non.20. Kung ngaun ay ayaw mong makamukha ang ina ni Jaya, si Sorayda naman ang exact picture ng panget non. Malas mo kapag Sorayda ang pangalan mo.21. Alam mo ang "Ula ang batang gubat", "Pandakekoks" at "Takeshi Castle". Sumikat din ang Shaider, Bioman, Maskman, Ultra-man, Mega-man, Mask Rider. Kilala mo rin si "Ukirampa" at malimit kayong magpustahan kung alin sa mga sumusunod ang sasabihin nya pagkatapos nyang palakihin ang kalaban: "O kayo naman!", "Nakakapanghina." O "Makaalis na nga."22. Sikat ang "Gwapings" na binubuo nina Eric Fructuso, Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez. Si Eric Fructuso ang pinakasinisigawan non. At si Jomari ang pinakamahina ang followers.23. Alam mo ang daylight saving time nung panahon ni Cory. At pangkaraniwan na ang 3 oras na brownout.24. Malakas ang Alaska Milk men sa PBA non. Si Jolas ang tinaguriang 4th quarterman. Merong konting namumuong tension sa kanila ni Alvin Patrimonio. Kung maka-Alaska ka na tulad ko, kilala mo si Sean Chambers.25. Ang mga pelikulang pinoy non ay parang variety show na din. Laging may kasamang kantahan at sayawan. Ngayon, hindi na sya variety show. MTV style na. 'Ung tipong may background music habang nag-eemote ang bida.26. Uso ang maluluwang na t-shirt na me padding sa balikat at maong na hapit sa hita. Kailangan naka-tack in ka. Wapakels na kung magmistula kang mukhang lampshade sa malayo sa sobrang luwang ng t-shirt mo at sobrang hapit ng pantalon mo.27. Hindi takong ang nakakapagpadagdag ng height kundi buhok. Tease lang ang katapat nyan at isang can ng spray net. 28. Nabalita na me anak na ahas ang may ari ng Robinsons at hinabol si Alice Dixon sa may fitting room. Baka SM lang ang nagkalat ng balitang ito. =)29. Kilala mo si Lindsay Custodio, Jan Marini, Cheska Garcia dahil adik ka sa 4:30 na! Ang TV na! At nagulat ka na lang na naging si Victor Neri pala at Jolina Magdangal minsan isang panahon.30. Napanood mo din ang Cedie, Princess Sarah, Julio at Julia at Nelo. Si Tom Taus ang gumanap na Cedie sa pelikula at si Camille Prats naman si Princess Sarah.Haay.. andami pa pero tama na ang 30 para relate na relate. Minsan nakakapagtaka na pakiramdam mo pagkakagising mo ng umaga, wala naman nababago pero when you look back. Andami na din palang nangyari. Nakakatuwang isipin na masasayang alala naman pala ang natanim sa isip ko. Sa mga ka-batch ko! Umamin na kyo! nakakareleyt din kayo! Hahahahahah!