buhay-buhay
Saturday, July 28, 2007
  'Tol! Walang sisihan!

Kanina lang mayroong ikinuwento ang nanay ko sa 'kin. Mayroon daw nagpakamatay na estudyante sa malapit sa bayan namin. Sa katulad kong nakatira sa isang liblib na lugar, isang malaking balita 'yan. Kahit naman saan, isang malaking balita ang pagpapakamatay.

Ang balita, nagbigti daw ang bata dahil napagalitan ng magulang. Unwanted child daw kasi. Naglayas na daw dati 'yung batang iyon. Naging repeater na sa school. Nag-adik. Napabarkada. Nag-aral ng mabuti.. ng bisyo. Naging laman ng kalye.

Kakalungkot. Pero marami ding nangyayari na ganyan na ginagawa para makaganti sa magulang. Dalawa lang naman ang choices mo e.

Una, tadtarin mo ng hikaw ang tenga mo, ilong, dila at pusod pagkatapos ay magpatattoo ka ng buong katawan mo. Kulayan mo ang buhok mo o kung gusto mo magpakalbo ka pa. Mag-adik ka. Magnakaw. Magbasag ulo. Magpatubo ka ng bigote kahit babae ka. Mag-drop out. Wag kang maligo ng tatlong taon. Kumain ka ng buhay na manok at kung anu-ano pang kabulastugan sa sarili hanggang maramdaman mo na sawa ka na at maisipan mong tapusin ang pesteng buhay mo sa pamamagitan ng pagkain ng dalawampung kilo ng pako upang kapag tumalon ka sa ilog ay di ka na makakalutang hanggang sa malunod ka na ng tuluyan. At umasa ka na lang namakokonsensya sila sa pagsira mo sa buhay mo.

O pangalawa, magsikap na mag-aral, magtrabaho, maging huwaran, bumuo ng pamilya at pangarapin na darating din ang araw na masasabi mo sa iyong sarili na: "O ano kayo ngayon?! E di gustong gusto nyong tawagin akong "anak ko yan" ngayong successful na ako!" Malay mo, maayos din ang pamilyang inaasam-asam mong ayusin dahil sa pagsisikap mo.

Alin ba mas masakit? Pareho lang siguro. Masakit sa parte mo, ang kumain ng pako, magpatatoo at magpahikaw kung saan saan. At masakit naman sa parte ng magulang na hindi ka nila maipagmalaki dahil minsan ka na nilang inayawan.

Parehong motivated ng paghihiganti? Oo.. pero magkaiba ng result. Ang paghihiganti or galit ay para ding apoy. Kaaway kung gagamitin mong pangsunog ng bahay nyo pero kaibigan kapag ginamit mong pangsunog sa kapitbahay.. heheheh! joke! Kaibigan ang apoy kung gagamitin mo sa pagluluto ng pagkain na ihahain mo sa mahal mo sa buhay. Eto ang tama.

Basta ang alam ko, hindi mo pwedeng isisi ang mga pangyayari ng buhay mo sa mga taong nakapalibot sayo. Hindi mo pwedeng ikatwiran na kaya mo ginawa iyon ay dahil nya o nino pa man. Dahil una sa lahat, ginawa mo 'yon dahil iyon ang pinili mo. Kung ano pa man ang pinili mo, ikaw ang aani sa huli.

Kaya kung ako lang ang nasa ganoong sitwasyon, alam nyo na kung anong pipiliin ko? Takot ako sa karayom.

Sana kayo din.



 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]