buhay-buhay
Tuesday, July 10, 2007
  Usapang Kahayupan!

Isang araw sa gitna ng kagubatan ay nagtipon-tipon ang mga iba't-ibang klase ng hayop sa kanilang buwanang pagpupulong.

Attendees:

Asosana Roces, Rudy "baboy" Fernandez, Smokey Manokloto, Monkeyris Aquino, at Buwaya Torres (kung bakit buwaya torres e di ko din alam. basta yan ang naisip ko. nyahahahh!)

Monkeyris Aquino : Mga kapwa ko animals. We are here today to make discuss the kumakalat ng news and tsismis na Human are kinda comparing their sarili to us na mga hayup. I want to make kinig your opinions and I want to make salita also what I feel.

Asosana Roces: Nakarating nga din 'yang balitang 'yan sa kin. Ang kinasasama ko ng loob, bakit bitches ang tawag nila sa mga kauri nilang tao na malalandi at puta? Di naman kami ganong mga aso. Sa totoo lang, may season kami ng paghahanap ng kaulayaw. Sumusunod lang kami sa nature. Kung hindi panahon, kahit iharap nyo pa sa aming mga bitches ang pinakagwapo at simpatikong aso, walang mangyayari! Samantalang sila, kahit kelan, kahit saan, kahit patago, nakikipagsex! Napaka-unfair naman na icompare nila ang ugali nilang 'un sa amin. Baw! Wawaw! Nyahahah!

Rudy "baboy" Fernandez: Buti nga sa'yo ganyan lang weh. Samantalang kami, lahat ng matatakaw at matataba ang kino-compare nila sa amin. 3 times lang kaya kaming kumakain! Hindi tulad nila, maya't maya! Busog na pero sige pa rin ang nguya! Oh c'mon.. unfair naman un! At isa pa, lahat ng madumi ang pagkakagawa o masamang ugali e iniaasociate sa amin. Sa mga rapist, sasabihin nila mga baboy! Pag pangit ang pagkakagawa ng isang bagay, sasabihin binaboy! Lagi na lang baboy! Baboy! Patayin na lang nila ako kaysa tapakan nila dignidad ko! Oink!

Smokey Manokloto: Ako din! Pero hindi naman kasing laki ng sa inyo ang paratang nila sa akin. 'Ung sulat nila, pag pangit sasabihin kinaykay ng manok. E ako pa nga ang secretary ng group na ito di ba? At maayos akong magkaykay! May count un.. 1...2...3... tapos saka tutuka. Organized kumbaga. Tapos sasabihin nila, isang kahig, isang tuka. Di kami ganyan kainipin. Kaming manok mga kahit 6 na kahig na at wala pang natutuka, cge pa din kami! At 'ung duwag, bakit chicken ang tawag nila! 'Ung mga inahin nga nmin e, pag ninakawan mo ng sisiw, nagiging panabong! Bukbukbukak!

Buwaya Torres: Kayo lang ba? Kami nga e, makailang beses ng kinutya ng mga taong yan! 'Ung pulis na malaki ang tyan, buwaya daw! 'Ung politikong kurakot, buwaya din. 'Ung taga customs, buwaya pa din. Pati ba naman 'ung basketball player na madaya, buwaya pa din! E sa totoo lang, di kami masiba no! Hindi manyapa't malaki ang bibig namin e, di na kami marunong mabusog. Pagbusog na kami, tama na un! Di kami gahaman! Aaargg! (Di ko alam ang tunog ng buwaya! Nyahahah!)

Monkeyris Aquino: Ok payn! I heard na your complaints. Kaya lang wala pa ring tatalo sa super pag-aalipusta ng mga tao sa uri namin. You know, they have this business named "monkey business" and it's all make loko their kapwa. And also, when people make gago other people, they call it "ungguyan". And you know ang worst, they keep on proving na galing daw sila sa angkan naming mga unggoy! It's a lie! That is too much for us! Kaming mga unggoy, we make alaga our young and even make sacrifice our lives for them. Pero sila, wala lang.. they make tapon their babies sa trashcan. And often, they make paabort pa! Gross di ba? ong.. ga! ong..ga!

We are kawawa di ba? And lahat ng kawalanghiyan nila is kahayupan ang tawag nila! Ambad nila! Buti na lang hayup tayo!

Humabol si Islaw Kalabaw: Honnnngaaaaa.....!

At jan nagtatapos ang pagpupulong!


Kaya ikaw? Kundi mo kayang magpakatao, magpakahayop ka man lang. di bah? : e v i l :

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]