SpongeBob SquarePants Matagal-tagal ko na din naman kilala si SpongeBob sa katunayan me t-shirt pa ako na sya ang design. Pareho kami nung pamangkin kong 6 years old.
Si Spongebob ay nakatira sa Bikini Bottom sa Pacific Ocean sa loob ng isang pineapple. Kasama nya sa bahay si Gary, ang alaga nyang snail na nakaka-meow na parang pusa. Patrick is his bestfriend na sobrang makakalimutin pero lagi namang handang tumulong sa kanya. Un nga lang, kalimitan palpak. Nyahahahah! Nagwowork si SpongeBob sa krusty Krab as a cook at ang boss nya e si Mr. Krabs. Si Mr. Krabs e may kakaibang phobia. (Or hindi naman ata kakaiba, marami din sa atin ang may kaparehong phobia.) Takot si Mr. Krabs na mahulugan ng kahit isang coin. Masyadong importante ang pera para sa kanya. Nag-iisang cook si Spongebob sa krusty Krab kaya noong minsan na maiisipan ni Mr. Krabs na mag-24 hour operations, e syempre nagstraight shift din si Spongebob. Pero enjoy naman sya. Feeling nya bagong experience ung mag prito ng patties pag gabi. Nyahahahah! Di ko lang alam kung bayad ang overtime ni Spongebob. Kasama nya sa work si Squidward as a cashier. Na me inis sa kanila ni Patrick. Me isa pa silang kaibigan, si Sandy na isang squirrel na nakasuot ng diving suit at helmet para hindi malunod. Ang ultimate kontrabida nila si Plankton na gustong nakawin ang recipe ng Krusty Patty.
Haaay.. hirap din ng buhay ni Spongebob. Unang una, salt water un at sa pineapple sya nakatira. Bakit di na lang sya ginawan ng maayos ng bahay ng cartoonist. Ung kompleto sa lahat. Wala na syang hahanapin pa. Tapos me alaga sya, snail naman. Kung sakaling manakawan si spongebob, paano hahabulin ng alaga nya ang kriminal. Ung bestfriend nya, palpak naman. Ung boss nya, mukhang pera. Ung co-worker nya, pang asar. At kung me isa pa syang kaibigan, hindi naman talaga taga-dagat nagpupumilit lang don. Anytime pwedeng umalis. Me kontrabida pang magnanakaw. Nyahahahah! Parang nakakareleyt na ako ke Spongebob a. Alisin nyo ako sa Pilipinas!
Pero saya pa din ni Spongebob. Pag nalulungkot sya, bubbles lang ok na. Siguro kasi mas nakikita nya ung magagandang bagay kay Gary, kay Patrick, kay Squidward, kay Mr. Krabs, kay Sandy, khit ke Plankton at sa Bikini Bottom.
Gayahin ko na lang si SpongeBob. Tutal hindi ko naman makukuha lahat ng gusto ko. Kaya I will just make the best out of it.