buhay-buhay
Wednesday, July 18, 2007
  Kape at Pag-ibig

Dahil kanina pa akong walang ginagawa dito sa office at grabeng lakas ng ulan dito sa Batangas, nainggit ako sa mga kaopisina ko na nagkakape. Nakikape na din ako kahit di naman talaga ako nagkakape. Instant coffee lang naman. Pampalipas ng oras.

Masarap din palang magkape. Read my lips, 'yung magkape ang masarap, hindi ang kape.

Baket ba ako nasasarapan magkape? Ihahalintulad ko na lang sa pag-ibig 'yan para maraming makarelate. Naks! Masarap magkape katulad ng sarap umibig.

Unang-una katulad ng pag-ibig, mahalaga din sa'yo ang tasa na paglalagyan ng kape mo. Ibig sabihin, alam mo din naman kung ano ang pagkakaiba ng tasa at tabo. At syempre, masarap magkape sa tasa. Kung maari nga lang sa pinakamagandang tasa ang gusto mong inuman e kahit pa nga pare-pareho din naman ang timpla ng instant coffee. Syempre, iba pa din ung presentable naman. Kung hindi man napakagwapong tasa, aba e sana naman mukhang tasa at hindi mukhang tabo. Ikaw kaya ang uminom sa tabo, di mo kaya maisip na kahilera din 'yun ng inyodoro sa banyo?

Pangalawa katulad ng pag-ibig, nakakarelax at nakakanerbiyos ang pagkakape. 'Yung mga nag-iisip na pampanerbiyos lang ang kape, mali 'yun! Pamparelax din 'yun kaya nga inoofferan natin ng kape ang bisita natin e. 'Wag nyong sabihin na gusto nyo silang nerbyosin. Saka di ba nakakapag-exercise ka din ng breathe in breathe out sa pagkakape. Ganon din ang pag-ibig. Kaya nga nagtetext ka kapag pagod ka na sa work e. 'Yung tipong "Ney, pagod na bebeh mo. Masahe naman 'jan... lav u!" Ewww! Korni! Pero ganon talaga e. Korni talaga ang ma-inlove at minsan kakornihan na din lag ang magkape tulad ng ginagawa ko ngaun kasi gusto ko lag maging "in" sa pagkakape kahit di naman nga ako nagkakape. At sabi ko nga nakakanerbyos din ang pag-ibig. 'Yung tipong di lang makapagtext sa'yo ng umaga maiisip mo na agad na baka kinidnap na ng mga alien ang boyfriend mo. O kaya hinuli sya ng mga scientists dahil napagkamalan syang "missing link" para mapatunayan ang Darwin's evolution.

Pangatlo, tulad ng kape nakakaadik din ang pag-ibig. 'Yung tipong feeling mo, ikamamatay mo kapag wala kang lovelife. O kaya ung feeling na gusto mong maya't maya ka magkape. Meron nga akong katrabaho e, hindi makapagtrabaho ng walang kape sa tabi e. Pero tulad ng pagkaadik, masama din ang masobrahan ng kape Minsan nagkakanervous breakdown o kaya nagiging dependent sa kape. Parang pag-ibig din. Distractive din kapag nasobrahan.

Pang-apat tulad ng pag-ibig, may kanya-kanya tayong panlasa sa sarap ng kape. 'Ung masarap sa kin, pwedeng kakasuka para sa'yo. 'Ung masarap naman sa'yo, ang di ko naman matake. Iba-iba tayo pero iisa lang ang layunin. Ang magkape dahil wala lang. Masarap lang talaga magkape e.

Pero kung may pagkakapareho din ang kape at pag-ibig, meron din naman pagkakaiba. Love is blind daw. Ang kape naman may mata. Kaya nga may "Ice cofee" e. Kung di mo nagets, magkape ka. Baka tulog pa ang braincells mo. Lolz!

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]