buhay-buhay
Searching
May hinahanap ako sa buhay ko na hindi kayang sagutin ni google. Kakainis kasi hindi ko mapinpoint kung ano ba talaga ang hinahanap ko. Kung ano ba ang wala. Kung ano bang gusto ko talaga. arrrrggggghhhhhhh!
Mahal na Araw
Natuwa lang ako sobra sa naging misa kahapon. Start na kasi ng Mahal na Araw. Oo, eto na uli yung pinakahihintay naming mga nasa empleyo... you know, ito yung pinakamahabang bakasyon na mararanasan mo sa Pilipinas. After ng Holyweek alam nyo na.... kayod na uli.. hehe..
Pero yun nga. Gusto ko lang i-share.. este.. i-document pala ung misa kahapon. Hindi pala dapat na i-share kasi wala namang nababasa ng blog na ito hakhakhak...
Ang misa kasi kahapon e Mark 27:17. Eto yung pagpili ng mga tao kay Barabas instead na kay Jesus. Sabi ni Father, mahirap maparusahan pero meron pang mas masakit dito. Yun ay ang mapurasahan sa isang pagkakamali na hindi mo ginawa. Tama naman. Baket nga ba mas masakit ang palo kapag ganun? Or mas nakakabingi ang mura sa mga ganoong sitwasyon. Baket nga ba may masasamang bagay ang nangyayari sa mabubuting tao? Why do bad things happen to good people? Si Hesus na wala namang ginawang mali ay pinarusahan. Pero baket hindi nya nga niligtas ang sarili nya. Baket Niya hinayaan na mahirapan Siya? Baket kelangang mangyari ang masamang bagay sa isang kasing buti Niya?
Ako din. Malimit ko din tanungin, baket kaya ang hirap pero naging mabuti naman ako. O malimit sa ibang tao, naiisip ko baket sya pinapahirapan e naging mabuti naman sya.
Kahapon nasagot na ung tanong ko na yun. Kasi... may plano ang Diyos. It is not the end result. Cliche mang sabihin pero totoo na kelangan i-trust mo lang si Lord na may plano Siyang mas higit sa paghihirap mo ngayon. Marami na akong nabasa na ganito dati pero ngayon ko lang natanggap. Oo nga. Bad things happen to good people but it does not mean that God isn't there. Andon pa din Sya. Kelangan mo lang talaga pagdaanan yung panget na parte na yun para makarating ka sa magandang plano ni Lord para sayo. Tulad ni Hesus, may mas malaki at mas magandang dahilan ang paghihirap mo ngayon.
Ang isa pang sinabi ni Father e baket daw Mahal na Araw ang tawag sa Holyweek? E dapat daw e Banal na Araw. Semana Santa. Banal din. Pero maganda daw ang translation ng Filipino na gawaing Mahal na Araw yun instead na Banal. Kasi bukod sa Mahal na Love na pinapaalala ng Mahal na Araw. Ngayon din ang Mahal na expensive na araw. Kasi eto dapat ang magremind sa atin na Mahal masyado kasalanan natin. Sa sobrang mahal nito, kulang ang buhay natin para tubusin natin. Sa sobrang mahal nito, no less than Jesus died to bail us out. Oo nga naman. Ang galing ng explanation. Lagi kong iisipin yun. Na hindi ko kayang tubusin ang sarili ko. Salamat sa Diyos! Salamat kay Hesus at tinubos Niya ako!.
Tristancafe ameshu na!
Wala akong magawa kaya hinanap ko ang tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay. Alam ko naman na wala ng tcaf kaya lang.. baka lang naman. Bigla nabuhay na pala uli e kaya lang mali ang akala ko.
Syempre kagaya ng mabubuting researchers, ginoogle ko ang tristancafe. Wala. Tcaf. Wala. Yung username ko nung natambay pa ako sa tcaf. Wala. Kakalungkot din. Dati-dati kapag may hinahanap akong artic ko, isang google ko lang at lalabas na un don. Pero ngayon, wala na e. Hindi na kilala ng google ang tcaf. Di na rin nya kilala ang username ko dati. Haysssttt..
Kakamiss din ung mga nababasang mong mukhang tanga sa category ng love. Yung mga helowz poh ang datingan - mukhang tanga lang. hahahha! nakaka miss din ung mga magagandang tula don. Saka ung mga random thoughts na mapapaisip ka din naman. Nakakamiss na may kakulitan. Ung palipas oras at puyatan na kulitan lang naman e. Ung may nagiging kaibigan ka din naman kahit online lang. Nakakamiss din ung may nakakaaway hahahah! Oo! Nasumpa din ako sa tcaf. Parang tanga lang na affected ako kahit di ko naman nameet personally ung sumumpa sa akin. Nakakamiss din ung mag celebrate ng anniversary sa tcaf. wala lang. nakailang taon din naman nga ako don. Pambihira ang tagal na pala nun.
Hayssssttt! Nakakamiss lang kapag ganitong hanggang 7pm pa ako sa office kasi coding nga tapos wala namang magawa kundi trabaho. nyahahah! wala man lang matambayan para sa mga walang magawa sa buhay pero busy. Nyahahah!
Adik
Sa lahat ng insekto, gamu-gamo na siguro ang pinaka-adik. Gusto naman pala kasi sa liwanag pero lalabas kapag gabi. Kung hindi ba naman adik.
Sa lahat ng hayop, balyena na ang pinakaadik. Hindi naman pala isda pero pagpipilitan ang sarili nya sa dagat. Kung hindi ba naman adik.
Sa lahat naman ng tao, ikaw na siguro ang pinakaadik. Oo. Ikaw. Ikaw lang kasi ang kumakain ng taong isinuka mo na. Haist talaga! O sya sige. Masarap ba? Buti nga sayo. hahahah!
Sign
Kagabi lang binalita ni nanay sa akin na ung pinsan namin na 14 years old e nakabuntis. Nakakalungkot at nakakagulat. Nakakagulat na ang isang 14 years old e nakakaisip ng gumawa ng bata. Noong nayntinporgaten kasi na 14 years old ako, ang pinagkakaabalahan ko e brickgame lang at pag-aaral. Paminsan minsan e naaabala din ako ng pagsali-sali sa byoti kontes! lol!
Pinag uusapan naming mag ina kung ano kaya magiging buhay noong dalawa. At pano kaya nila bubuhayin ang anak nila. Ako e nag iisip pa lang pero nahihirapan na. Lalo na siguro ung me katawan.
Nagkataon naman na ang palabas sa tv e ung "Sign" na movie ni Mel Gibson. Kung di mo pa napapanood ung movie na un, panoodin mo kasi sayang naman kung ikukwento ko lang. Basta ang pinaka-conclusion ko don e ung "Everything works together for good for those who love him."
Sabi don, dalawang group lang ang tao. Ung first group, kapag nakasalubong ng problema iisipin na higit pa ito sa luck, sa coincidence. Na merong someone na nagpplano ng lahat. Isang miracle. Ung second group, iniisip nila na pwedeng panget, pwedeng maganda. Nakakaduda. Pero deep down, alam nila na sila na bahala sa sarili nila. Wala syang maasahan.
Kung irerelate ko sa sitwasyon ng pinsan ko ngaun ung sinabi sa movie, pipilitin ko na lang isipin na merong plano ang Diyos kung baket nangyari un. Pero siguro at the same time, dapat ko ding isipin na although nadiyan lang Sya lagi to fix things, hindi ko Siya dapat abusuhin. Hindi man nagsasawa ang Diyos, hindi katwiran un para gawin ko ang bagay na alam kong mali.
Pero ang totoong tanong...
Nagkataon lang kaya na un ang palabas sa tv kagabi o isa syang sign. :-)
Goodbye FB
Kahapon lang naisipan ng IT namin na iblock ang Facebook sa office. Actually matagal ko na nirerequest na iblock na lang ang fb kasi may mga kaopisina ako na nasosobrahan sa fb. Ung tipong halos yaman na ng kumpanya ang ipusta sa pakikipag-poker o kaya naman e pag log in ko pa lang sa fb sa umaga makikita mo na na nakapag upload na agad ng dalawang album ng pictures pero mga kailangan naming docs sa kanila e wala pa o kaya naman, ung mga puro reklamo lang sa trabaho ang nilalagay sa status nila. Kakabanas kasi kaya maganda pa nga nai-block. dagdagan pa ng networking na kulang na lang e ipangalandakan na walang patutunguhan ang pagiging empleyado at ang networking ang tanging daan sa pagyaman.
Babad din naman ako sa fb pero tingin ko, di naman ako abusado. kahit pa nga malimit kong ipangalandakan na ol ako kapag oras ng trabaho pero lahat un e pagbabasa lang ng update sa gmanews o kaya chat ng tungkol din naman sa trabaho. Ni hindi nga ako naglalaro. Walang gaanong status. Walang gaanong comments sa iba. Oo! Tama ka. Jinujustify ko lang ang pag-o-online ko lagi. Syempre naman.
Maganda na rin siguro kasi baka sakaling makabalik na uli ako sa pagbblog. Halos patayin na din kasi ng twitter at fb ang blog e. Since then puro pagkopya na lang ng quotes ang nauso hindi tulad nung panahon na usong uso ang blog - puro mga kwentong mahahabang walang kwenta tulad nito ang mababasa mo.
Anyway, mamimiss ko kaya ang fb?? Baka hindi din.... kasi ini-unblock na uli ng IT kaninang umaga e. Di ko lang alam kung dahil sa request ng admin un. h c'mon! O e di halata na kung sino talagang fan ng fb. Oh well!