buhay-buhay
Monday, March 26, 2018
  Mahal na Araw
Natuwa lang ako sobra sa naging misa kahapon.  Start na kasi ng Mahal na Araw.  Oo, eto na uli yung pinakahihintay naming mga nasa empleyo... you know, ito yung pinakamahabang bakasyon na mararanasan mo sa Pilipinas.   After ng Holyweek alam nyo na.... kayod na uli.. hehe..

Pero yun nga.  Gusto ko lang i-share.. este.. i-document pala ung misa kahapon.  Hindi pala dapat na i-share kasi wala namang nababasa ng blog na ito hakhakhak... 

Ang misa kasi kahapon e Mark 27:17.  Eto yung pagpili ng mga tao kay Barabas instead na kay Jesus.  Sabi ni Father, mahirap maparusahan pero meron pang mas masakit dito.   Yun ay ang mapurasahan sa isang pagkakamali na hindi mo ginawa.  Tama naman.  Baket nga ba mas masakit ang palo kapag ganun?  Or mas nakakabingi ang mura sa mga ganoong sitwasyon.   Baket nga ba may masasamang bagay ang nangyayari sa mabubuting tao?  Why do bad things happen to good people?  Si Hesus na wala namang ginawang mali ay pinarusahan.  Pero baket hindi nya nga niligtas ang sarili nya.  Baket Niya hinayaan na mahirapan Siya?  Baket kelangang mangyari ang masamang bagay sa isang kasing buti Niya? 

Ako din.  Malimit ko din tanungin, baket kaya ang hirap pero naging mabuti naman ako. O malimit sa ibang tao, naiisip ko baket sya pinapahirapan e naging mabuti naman sya. 

Kahapon nasagot na ung tanong ko na yun.   Kasi... may plano ang Diyos.  It is not the end result.  Cliche mang sabihin pero totoo na kelangan i-trust mo lang si Lord na may plano Siyang mas higit sa paghihirap mo ngayon.  Marami na akong nabasa na ganito dati pero ngayon ko lang natanggap.  Oo nga.  Bad things happen to good people but it does not mean that God isn't there.  Andon pa din Sya. Kelangan mo lang talaga pagdaanan yung panget na parte na yun para makarating ka sa magandang plano ni Lord para sayo.   Tulad ni Hesus, may mas malaki at mas magandang dahilan ang paghihirap mo ngayon.

Ang isa pang sinabi ni Father e baket daw Mahal na Araw ang tawag sa Holyweek?  E dapat daw e Banal na Araw.  Semana Santa.  Banal din.  Pero maganda daw ang translation ng Filipino na gawaing Mahal na Araw yun instead na Banal.  Kasi bukod sa Mahal na Love na pinapaalala ng Mahal na Araw.  Ngayon din ang Mahal na expensive na araw.  Kasi eto dapat ang magremind sa atin na Mahal masyado kasalanan natin.  Sa sobrang mahal nito, kulang ang buhay natin para tubusin natin.  Sa sobrang mahal nito, no less than Jesus died to bail us out. Oo nga naman.  Ang galing ng explanation.  Lagi kong iisipin yun.  Na hindi ko kayang tubusin ang sarili ko.  Salamat sa Diyos!  Salamat kay Hesus at tinubos Niya ako!.

 
 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]