buhay-buhay
Wednesday, November 09, 2016
  Tristancafe ameshu na!
Wala akong magawa kaya hinanap ko ang tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay.  Alam ko naman na wala ng tcaf kaya lang.. baka lang naman.  Bigla nabuhay na pala uli e kaya lang mali ang akala ko.

Syempre kagaya ng mabubuting researchers,  ginoogle ko ang tristancafe.  Wala.  Tcaf.  Wala.  Yung username ko nung natambay pa ako sa tcaf.  Wala.  Kakalungkot din.  Dati-dati kapag may hinahanap akong artic ko, isang google ko lang at lalabas na un don.  Pero ngayon, wala na e.  Hindi na kilala ng google ang tcaf.  Di na rin nya kilala ang username ko dati.  Haysssttt..

Kakamiss din ung mga nababasang mong mukhang tanga sa category ng love.  Yung mga helowz poh ang datingan - mukhang tanga lang. hahahha!  nakaka miss din ung mga magagandang tula don.  Saka ung mga random thoughts na mapapaisip ka din naman.  Nakakamiss na may kakulitan.  Ung palipas oras at puyatan na kulitan lang naman e.  Ung may nagiging kaibigan ka din naman kahit online lang.  Nakakamiss din ung may nakakaaway hahahah!  Oo!  Nasumpa din ako sa tcaf.  Parang tanga lang na affected ako kahit di ko naman nameet personally ung sumumpa sa akin.  Nakakamiss din ung mag celebrate ng anniversary sa tcaf.  wala lang.  nakailang taon din naman nga ako don.  Pambihira ang tagal na pala nun. 

Hayssssttt!  Nakakamiss lang kapag ganitong hanggang 7pm pa ako sa office kasi coding nga tapos wala namang magawa kundi trabaho. nyahahah!  wala man lang matambayan para sa mga walang magawa sa buhay pero busy.  Nyahahah! 
 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]