Goodbye FB
Kahapon lang naisipan ng IT namin na iblock ang Facebook sa office. Actually matagal ko na nirerequest na iblock na lang ang fb kasi may mga kaopisina ako na nasosobrahan sa fb. Ung tipong halos yaman na ng kumpanya ang ipusta sa pakikipag-poker o kaya naman e pag log in ko pa lang sa fb sa umaga makikita mo na na nakapag upload na agad ng dalawang album ng pictures pero mga kailangan naming docs sa kanila e wala pa o kaya naman, ung mga puro reklamo lang sa trabaho ang nilalagay sa status nila. Kakabanas kasi kaya maganda pa nga nai-block. dagdagan pa ng networking na kulang na lang e ipangalandakan na walang patutunguhan ang pagiging empleyado at ang networking ang tanging daan sa pagyaman.
Babad din naman ako sa fb pero tingin ko, di naman ako abusado. kahit pa nga malimit kong ipangalandakan na ol ako kapag oras ng trabaho pero lahat un e pagbabasa lang ng update sa gmanews o kaya chat ng tungkol din naman sa trabaho. Ni hindi nga ako naglalaro. Walang gaanong status. Walang gaanong comments sa iba. Oo! Tama ka. Jinujustify ko lang ang pag-o-online ko lagi. Syempre naman.
Maganda na rin siguro kasi baka sakaling makabalik na uli ako sa pagbblog. Halos patayin na din kasi ng twitter at fb ang blog e. Since then puro pagkopya na lang ng quotes ang nauso hindi tulad nung panahon na usong uso ang blog - puro mga kwentong mahahabang walang kwenta tulad nito ang mababasa mo.
Anyway, mamimiss ko kaya ang fb?? Baka hindi din.... kasi ini-unblock na uli ng IT kaninang umaga e. Di ko lang alam kung dahil sa request ng admin un. h c'mon! O e di halata na kung sino talagang fan ng fb. Oh well!