Sign
Kagabi lang binalita ni nanay sa akin na ung pinsan namin na 14 years old e nakabuntis. Nakakalungkot at nakakagulat. Nakakagulat na ang isang 14 years old e nakakaisip ng gumawa ng bata. Noong nayntinporgaten kasi na 14 years old ako, ang pinagkakaabalahan ko e brickgame lang at pag-aaral. Paminsan minsan e naaabala din ako ng pagsali-sali sa byoti kontes! lol!
Pinag uusapan naming mag ina kung ano kaya magiging buhay noong dalawa. At pano kaya nila bubuhayin ang anak nila. Ako e nag iisip pa lang pero nahihirapan na. Lalo na siguro ung me katawan.
Nagkataon naman na ang palabas sa tv e ung "Sign" na movie ni Mel Gibson. Kung di mo pa napapanood ung movie na un, panoodin mo kasi sayang naman kung ikukwento ko lang. Basta ang pinaka-conclusion ko don e ung "Everything works together for good for those who love him."
Sabi don, dalawang group lang ang tao. Ung first group, kapag nakasalubong ng problema iisipin na higit pa ito sa luck, sa coincidence. Na merong someone na nagpplano ng lahat. Isang miracle. Ung second group, iniisip nila na pwedeng panget, pwedeng maganda. Nakakaduda. Pero deep down, alam nila na sila na bahala sa sarili nila. Wala syang maasahan.
Kung irerelate ko sa sitwasyon ng pinsan ko ngaun ung sinabi sa movie, pipilitin ko na lang isipin na merong plano ang Diyos kung baket nangyari un. Pero siguro at the same time, dapat ko ding isipin na although nadiyan lang Sya lagi to fix things, hindi ko Siya dapat abusuhin. Hindi man nagsasawa ang Diyos, hindi katwiran un para gawin ko ang bagay na alam kong mali.
Pero ang totoong tanong...
Nagkataon lang kaya na un ang palabas sa tv kagabi o isa syang sign. :-)
Goodbye FB
Kahapon lang naisipan ng IT namin na iblock ang Facebook sa office. Actually matagal ko na nirerequest na iblock na lang ang fb kasi may mga kaopisina ako na nasosobrahan sa fb. Ung tipong halos yaman na ng kumpanya ang ipusta sa pakikipag-poker o kaya naman e pag log in ko pa lang sa fb sa umaga makikita mo na na nakapag upload na agad ng dalawang album ng pictures pero mga kailangan naming docs sa kanila e wala pa o kaya naman, ung mga puro reklamo lang sa trabaho ang nilalagay sa status nila. Kakabanas kasi kaya maganda pa nga nai-block. dagdagan pa ng networking na kulang na lang e ipangalandakan na walang patutunguhan ang pagiging empleyado at ang networking ang tanging daan sa pagyaman.
Babad din naman ako sa fb pero tingin ko, di naman ako abusado. kahit pa nga malimit kong ipangalandakan na ol ako kapag oras ng trabaho pero lahat un e pagbabasa lang ng update sa gmanews o kaya chat ng tungkol din naman sa trabaho. Ni hindi nga ako naglalaro. Walang gaanong status. Walang gaanong comments sa iba. Oo! Tama ka. Jinujustify ko lang ang pag-o-online ko lagi. Syempre naman.
Maganda na rin siguro kasi baka sakaling makabalik na uli ako sa pagbblog. Halos patayin na din kasi ng twitter at fb ang blog e. Since then puro pagkopya na lang ng quotes ang nauso hindi tulad nung panahon na usong uso ang blog - puro mga kwentong mahahabang walang kwenta tulad nito ang mababasa mo.
Anyway, mamimiss ko kaya ang fb?? Baka hindi din.... kasi ini-unblock na uli ng IT kaninang umaga e. Di ko lang alam kung dahil sa request ng admin un. h c'mon! O e di halata na kung sino talagang fan ng fb. Oh well!