buhay-buhay
Sunday, June 06, 2010
  It isn't
I hate what fb has turned us into. There are those who signed in just to brag about things. There are those who signed in to make "pa-cute". elohw poh. kuhmustah poh keo? But for me, the worst are those who pick up English quotations, make it their own and presume that they know the turns and twists of life.

Life is not just about “spend it the way you like it because you will only live once” nor “grab every adventure because life’s an adventure itself” nor “don’t give up! keep fighting! Conquer every battle”. Those are just ear-candies. Life is not that simple.



It is always about spending it the way that will give you honor during the time of death – not necessarily the way you want it but it is the way it suppose to be as we are bounded with responsibilities to everyone and to God.



It is always about knowing what adventure to grab. It is the calculated moves of adventure that makes life an adventure. The puzzle of choosing the right adventure to conquer makes life an adventure.



It is always about fighting but being humble of accepting defeat when you know you loss the battle.



Don’t make life simple because it isn’t.



Choose your fight.



Choose your battle.



Know your strengths.



Know your limits.



But also know what you can improve.



Know when to fight things.



Know when to accept things.



Know when to put your guards up.



Know when to accept defeat.



Life is an adventure of complications.



Do not dare make it just a plain adventure.



It isn’t.


char! char!
 
  Iniwan na naman ako
Oo. Kelangan kong lagyan ng salitang "na naman" kasi hindi naman miminsan nangyari. At katulad ng dati, parehong mga tanong pa din ang gumugulo sa isip ko.

Baket? Nagkulang ba ako? Hindi na ba sya masaya? Wala ba syang nakitang effort mula sa akin? Masyado ko ba syang diniktahan? Napagod? Nagsawa? Na-bored? Wala na ba syang nakitang patutunguhan kasama ako? Meron kayang iba? Ung mas magiging masaya sya. Mas matutupad nya ang mga pangarap nya. Mas magbibigay sa kanya ng pag-asa. Mas makakatugon sa mga pangangailangan nya?

Ako? Paano ako? Makakabawi pa kaya ako? Makakakita pa kaya ako ng katulad nya? Makakaya ko ba habang wala sya? May magagawa pa ba ako para di sya umalis? May maibibigay pa ba ako? Kaya ko pa kayang pigilan sya o kahit bilhin na lang sya, wag lang nya akong iwan? Tama ba na maiwan na naman ako? Baka kasi dapat ako naman ang mang-iwan... ako naman ang dapat kumalas.

Nakakapagod. Nakakasawa. Wala na akong gaanong emosyon tulad noong una akong iniwan. Wala na akong ganoong karaming luha tulad noong una. Sa dinami-dami siguro ng pagkakataon na naiwan at iniwan ako, nasanay na din ang puso ko. Dahil mula noong una akong iwan, pinaniwala ko na ang sarili ko na wala talagang salitang "forever" sa kinalalagyan ko. Na sa likod ng isip ko, laging merong bumubulong sa akin na iiwan at iiwan din ako pagdating ng panahon. Minsan para sa "mas" kumpara sa akin at minsan naman dahil hindi na lang sya masaya.

Manhid na ako sa paulit-ulit na routine na ito. At tulad ng ibang manhid, para na lamang akong robot na nag-iisip kung paano ko muling paiikutin ang paligid ko nang walang gaanong nakapapansin na muli ay iniwan na naman ako. Paulit-ulit din akong hahanap ng ibang pupuno sa mga puwang na mababakante. Paulit-ulit din akong magtatanong at mag iisip kung paano ba ang dapat kong gawin para di na ako muli iwan. At paulit-ulit din akong mag-iisip kung kelan naman darating ang pag kakataon na ako naman ang mang iiwan.

Nakakapagod. Nakakasawa. Nakaka-depress...

Ang routine ng hiring... eheh!
 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]