buhay-buhay
Monday, January 26, 2009
  Krisis

Kakalungkot na kasama sa pagtanda ang pagiging nerbyosa. Oo. Ngaun lang ako ninerbyos ng ganito. Umabot sa punto na ipinagpapalit ko ang oras kong ipanonood ko sana ng phineas and ferb sa panonood ng balita. Umabot sa punto na kahit hindi ako umiinom ng kape ay may normal na nerbyos na nananalantay sa aking ugat. At umabot sa punto na pumasok ako ng maaga at iwasang ma-late dahil sa takot na kung sakaling magkaka-leegan sa trabaho e hindi naman ako ang mauuna. Umabot sa punto na natuto akong manermon sa mga tao ko at maghigpit - in short maging "boss-boss-san".

E talaga namang nakakanerbyos ngaun. Kahit saan ang maririnig mo e tanggalan sa trabaho. Parang kahapon lang ang lakas-lakas ng kumpanya tapos eto ngaun, 27th day pa lamang nga 2009 pero usong-uso ang "mass lay-off". Mga kumpanya na nakatayo na ng matagal na panahon sa Pilipinas (pag sinabi kong matagal, ibig sabihin non e mas matanda pa sa akin) pero biglang "poop!" sarado.

Parang sakit na nakakahawa. Epidemia. Ambilis kumalat. Kung ang kumpanyang katabi nyo ay nagbabawas ng tao, malamang next week mahahawa na ung opisina nyo at makikisabay sa uso. Hindi naman nakakapagtaka. Kung may isang kumpanya na nagbawas ng tao, sigurado apektado din ang suppliers ng kumpanya na yan. At wala namang kumpanya na "stand-alone". Lahat yan e may inia-outsource na serbisyo o materyales.

Hindi lang un. Apektado din ang mga boarding house, kainan, laundry at kahit na nga malls e mejo lumuluwag na. Ang humahaba lang talaga e pila sa lotto at pila sa simbahan. Ganon naman talaga. Sa panahon ng krisis, dalawa lang ang malimit takbuhan ng pinoy - ang Diyos at ang "sugal". Ay sya nga pala, sigurado dadami din ang nakawan ngayon. Kahit naman hindi panahon ng krisis e marami na talagang magnanakaw sa pilipinas.

Ang tanong.. anong naghihintay sa atin? sa akin? Pork barrel?!?!?!?! Wahahah!

Ewan ko. Hindi ko din alam e. Sa totoo lang, kahit ako e walang assurance sa trabaho ko. "U can never can tell" sabi nga ni Melanie. Buti na lang at hindi naman nagbibigay ng false hope ung kumpanya namin. At least transparent sila sa information. Gusto ko pa un kesa naman mabubulaga na lang ako na may termination paper sa la mesa ko.

Sa ngayon, ang dapat kong gawin ay manalangin at i-refresh ang pagmamahal ko sa trabaho. Dapat maging masipag, concern at maalaga sa trabaho - ang mga positive descriptions ng pagiging "sip-sip". Dahil sa panahon ngaun, masasabi mo na "pasalamat ka kapag busy ka kasi ibig sabihin non ay may trabaho ka." E teka.... bat hindi ako busy?!?!?!? waaaaaahhhahahahah!

Tae na yan! nakakanerbyos talaga! nyahahaha!


 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]