The curious case of Benjamin Button
Wala lang. Napanood ko sya sa pirated dvd. Ganon talaga! Sa panahon ngaun kelangang maging praktikal! Pirated kung pirated! May subtitle pa! Kaya shut up sa mga nagsasabi na pagnanakaw ang pagbili ng pirated! Shut up!
Parang nakailang rewind ako ng movie dahil parang me hinahanap ako talaga. Parang di ko na-feel ang connection namin ni "Benjamin". Ganon lang. Nagwapuhan lang ako kay Brad Pitt. Pero wala na sya sa league ko e. Nakalipas na kung anumang meron kami. Kumbaga nasa "I-remember-the-boy-but-I-don't-remeber-the-feeling-anymore" stage na ako. oh yeah! Timmy Cruz! nyahahah!
Parang nag-eexpect ako ng isang pagbabago sa katauhan ko pagkatapos kung mapanood ang movie. Pero wala. Buti pa ung "Magnifico" kahit ilang ulit kong noodin e nahihipo pa din ako. Pero si Benjamin, hindi man lang nya ako nahipo. Parang lahat ng magaganda nyang lines (lalo na ung payo nya sa anak nya sa last part) e hindi naman nya isinabuhay. Parang he lived and left the world alone. Walang markang iniwan kahit nga napaka-kakaiba ng circumstances ng buhay nya. All along isa lang ang naging consistent kay Benjamin - ang iwanan at mang-iwan. Ang saklap ano?
Ang mas masaklap e ung anak nya na nalaman lang ung istorya tungkol sa ama nya mula sa nanay nyang malapit ng mamatay. Bad trip di ba? E parang baket pa di ba? After mong itago sa akin ang lahat tapos kung kelan ka mamamatay na saka ka magko"confess" sa akin tungkol sa naging buhay nyo ng ama ko? Tapos biglang kang mamatay ng di pa man lang ako nakakapagtanong. Para mo lang akong ibinitin.
Natutunan ko sa movie? Meron naman. Na wag gayahin si Benjamin. Na kahit na anong gaganda pa ng "lines" at "messages" na gusto mong iparating, mas masarap pa ding pakinggan kesa sa basahin lang kapag nasa death bed mo (kahit pa nga mas madrama sana kung nasa death bed mo ipararating. Anyway, sino bang me kelangan ng drama?)
Meron pa akong natutunan - kahit panget ang script pero kilala ang bida e magaganda ang review na lalabas. Ganon naman talaga. Kahit saan applicable ung - nasa nagdadala yan. Kaya keri lang. Maganda ako! Nyahahahh!