Survivor Philippines Part 1
Naging isa akong taga subaybay ng survivor philippines. kakalungkot nga lang at nung mga last episodes e hindi na ako nakapanood dahil..... tinatamad na ako. lol! Sisihin nyo ang spoiler! Nyahaha!
Anyway, naging maganda naman ang experience ko at may mga natutunan naman ako weh. Kaya nga magbblog e, para maisulat kung anong mga natutunan. Heheheh!
SP Lesson no. 1 - My Life is unfair syndrome
May mga tao pala talaga na kahit ilagay mo sa isang environment na pantay-pantay lang kayo sa lahat ng aspeto ng buhay e pilit na gagawing unfair ang buhay para sa kanya. Oo. Tama naman na minsan talaga unfair ang mga bagay-bagay pero minsan, tayo ang gumagawa ng dahilan para maging unfair ito para sa sarili mo.
Sa larong survivor, inilalagay ang mga manlalaro sa isang sitwasyon na pantay pantay lang ang kalagayan nila. Limitado pagkain. Walang matutulugan. Limitado ang damit. Lahat ay haharap sa mga challenges. Lahat ay may equal chances na makuha ang premyo. Ang sitwasyon sa buhay (kung nakararangya ba o mahirap lang) sa labas ng laro ay hindi kinokonsidera. Lahat sila ay pantay pantay sa isla.
Pero may isang katulad ni nanay zita. Isang labandera sa totoong buhay. Pagpasok nya sa laro, wala pa din syang ginawa kundi magpa "alila". Kahit pwede naman syang "magreyna-reynahan" tulad ng ibang kalaro. Pagkakataon na nya un para mag buhay pensyonada.
May pumilit ba sa kanya? - wala
Yon ang tinatawag na kusang-palo. Pero ang masama non, nagkusa syang maging biktima ng sikat na linya na "Life is unfair". Sya ang naglagay sa sarili nya sa sitwasyon na maging unfair ang buhay na sa paniniwala ko e pwede naman sana nyang naiwasan kung hindi nya pinaasa sa kanya ang lahat ng kalaro nya ng 38 days.
Si nanay Zita ay hindi nanalo. Ibinoto din sya ng iba nyang kalaro dahil isa syang malaking threat na makakuha ng boto ng jury kung makakasama sya sa final 2. Biktima sya ng "life is unfair" na sya mismo ang gumawa.
Minsan ganon tayo e. Boluntaryo tayo nagpapabiktima dahil inaasahan natin na "habag" at "pagmamahal" lang ang dapat isukli sa pagiging "biktima" natin. "The world owes me bigtime" ang drama natin. At kapag hindi un ang natanggap nating kapalit, sisigaw tayo ng "Foul! Life is unfair!"
Nanay Zita -A volunteer victim of "life is unfair" syndrome.
Sana kung gusto nating magpautang sa mundo, open din tayo sa posibilidad na hindi tayo mabayaran. Tandaan, nagkalat ang mga manunuba. Believe me! I know it for a fact. lol!