Survivor Philippines Part 1
Naging isa akong taga subaybay ng survivor philippines. kakalungkot nga lang at nung mga last episodes e hindi na ako nakapanood dahil..... tinatamad na ako. lol! Sisihin nyo ang spoiler! Nyahaha!
Anyway, naging maganda naman ang experience ko at may mga natutunan naman ako weh. Kaya nga magbblog e, para maisulat kung anong mga natutunan. Heheheh!
SP Lesson no. 1 - My Life is unfair syndrome
May mga tao pala talaga na kahit ilagay mo sa isang environment na pantay-pantay lang kayo sa lahat ng aspeto ng buhay e pilit na gagawing unfair ang buhay para sa kanya. Oo. Tama naman na minsan talaga unfair ang mga bagay-bagay pero minsan, tayo ang gumagawa ng dahilan para maging unfair ito para sa sarili mo.
Sa larong survivor, inilalagay ang mga manlalaro sa isang sitwasyon na pantay pantay lang ang kalagayan nila. Limitado pagkain. Walang matutulugan. Limitado ang damit. Lahat ay haharap sa mga challenges. Lahat ay may equal chances na makuha ang premyo. Ang sitwasyon sa buhay (kung nakararangya ba o mahirap lang) sa labas ng laro ay hindi kinokonsidera. Lahat sila ay pantay pantay sa isla.
Pero may isang katulad ni nanay zita. Isang labandera sa totoong buhay. Pagpasok nya sa laro, wala pa din syang ginawa kundi magpa "alila". Kahit pwede naman syang "magreyna-reynahan" tulad ng ibang kalaro. Pagkakataon na nya un para mag buhay pensyonada.
May pumilit ba sa kanya? - wala
Yon ang tinatawag na kusang-palo. Pero ang masama non, nagkusa syang maging biktima ng sikat na linya na "Life is unfair". Sya ang naglagay sa sarili nya sa sitwasyon na maging unfair ang buhay na sa paniniwala ko e pwede naman sana nyang naiwasan kung hindi nya pinaasa sa kanya ang lahat ng kalaro nya ng 38 days.
Si nanay Zita ay hindi nanalo. Ibinoto din sya ng iba nyang kalaro dahil isa syang malaking threat na makakuha ng boto ng jury kung makakasama sya sa final 2. Biktima sya ng "life is unfair" na sya mismo ang gumawa.
Minsan ganon tayo e. Boluntaryo tayo nagpapabiktima dahil inaasahan natin na "habag" at "pagmamahal" lang ang dapat isukli sa pagiging "biktima" natin. "The world owes me bigtime" ang drama natin. At kapag hindi un ang natanggap nating kapalit, sisigaw tayo ng "Foul! Life is unfair!"
Nanay Zita -A volunteer victim of "life is unfair" syndrome.
Sana kung gusto nating magpautang sa mundo, open din tayo sa posibilidad na hindi tayo mabayaran. Tandaan, nagkalat ang mga manunuba. Believe me! I know it for a fact. lol!
Ibalik ang Integridad ng PI 2
Me gaya-gaya post ako dito sa multiply na "Ibalik ang Integridad ng PI" galing kay Mr. D. At dahil usong-uso na naman ang P.I. as in Put tang in the bowl talaga e eto na naman tayo. Pasisikatin na naman natin ang kunaunahang tagalog word na natutunan ng mga dayuhan dito sa atin - ang Putang Ina!
Gaya ng unang naipost na, iba na talaga ang panahon ngayon. Nawawalan na ng bagsik ng "Putang Ina mo!" Ngayon, normal na lang ang magmurahan. Parang "Tang-ina Tol! ang galing ng mo a!" O kaya naman "Putang Ina! Ang gwapo mo ngaun a." O kaya naman.. "Putang Ina! Isa pa nga!" Sabay kurot sa tagiliran.
Dati kasi kapag minura ka ng "Putang Ina", ang kasunod na don ay suntukan at minsan nga saksakan pa e. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.
Pero ngayon, parang lambing na lang ung "Putang Ina". Nawala ang saysay nito. Wala na ang integridad. Wala na ang bangis. Kaya nararapat lang na ibalik talaga ang integridad ng Putang Ina.
Noong Friday nga, nagmura si Mar Roxas sa speech nya sa anti-cha-cha. Link.
Aba ay putang ina! Akalain mong pati senador ngayon ay ginagamit na ang "Putang Ina" para maging popular lang! At putang ina talaga, mukhang positive ang feedback kay Mar Roxas a. Que barbaridad! Nagmura sa speech and he received applause! Que horror! Mi ultimo adios con dora the explorer si abre lata! (Hanu daw? hahaha!)
Ganon na lang ba ang gamit ng "Putang Ina" ngaun? -To catch attention
Kung ganon na para makakuha lang pala ng atensyon ang pagmumura... wala akong masabi kundi...
Putang Ina! Ang sarap magmura! Isa pa nga, Putang Ina! Hahahah!
P.S.
Sa batangas naman... "Buwakanang Ina mong hayop ka! Hindi ka pa nautas! lol!" Kerid away ako!
P.S. pa din
Ang daming mura sa putang inang post na ito!
P.S. uli
Isa pa nga.. Putang ina! Wahahahah!