buhay-buhay
Sunday, November 02, 2008
  ako, si boss, at ang eton city

Tagal ko na din na hindi nagblog. Gusto ko sanang bonggang-bongga ang pagbabalik ko sa mundo ng blogerspherya e kaso mo, wala talaga. wala na akong maisip na kabonggahan. ung tipong pansinin nyo ako kasi "im fabulous! charing!".

anyways, ung ikkwento ko e nangyari last week.

Mga characters:

Si boss - isang japanese national na nakapunta na dito sa pinas nung early 90's pa. tapos nagtayo ng kumpanya last 1998 sa pinas. nagstay dito from 1998 - 2002. bumalik uli 2007.

ang alalay - ako ito. isang sariwa, kaakit-akit at intelihenteng empleyado. fabulous din pala.

driver - e di driver. wala syang dialogue pero kelangan sya para maging makatotohan ang istorya.

scenario:

Sa loob ng kotse, sa may backseat magkatabi kami ni boss. papunta kaming laguna from makati.

sa totoo lang, nakakainip kasama sa byahe si boss. malimit nga na hindi ako tumatabi sa kanya at mas pinili kong umupo na lang sa tabi ng driver. dinadahilan ko na lang na nahihilo ako kapag sa likod ako nakasakay kaya kung pwede e sa tabi na lang ako ng driver maupo (di kaya nahihilo ako sa amoy nya? di naman siguro. sanay na ako e. hahah!)

Bukod kasi sa hindi dyaheng matulog kapag ang driver ang katabi mo, mas nakakaiwas ako sa mga tanong nya na di ko feel sagutin-- tulad ng tungkol sa trabaho, plano sa department, sa kumpanya, at kahit na nga plano kong mag-aasawa. Oo! may talent din ang mga hapon na magtanong kung may plano bang mag asawa with matching payo na parang tatay. haays! ganon talaga ata kapag single ka sa edad ko. lalo na nga kung fabulous kang tulad ko. talagang maraming magtataka at magtatanong. oh well, tanggap ko naman na kasama sa kapalaran ko ang maging isang malaking palaisipan sa kanila.

Kaya lang, nagkataon naman na late ako ng dating sa opisina ng araw na un. kaya sa halip na nakapagdiscuss pa kami kung paano i-aaproach ang client bago umalis ng opisina, mapipilitan tuloy akong tumabi sa kanya para don sya kausapin.

Un na nga. pagkaupong-pagkaupo namin sa kotse, nagdiscuss na kami ng presentation. ano bang possible na tanong at pano ba sasagutin? saglit lang namin un. pagkatapos non... katahimikan. Eto na, tumatalab na ang pampatulog na kasama ata sa hangin na ibinubuga ng aircon.

Putek naman! trapik pa!

Si boss siguro tinamaan din ng inip.

Boss: Did you know that I was here 15 years ago to attend to the inauguration of ______ (a client company)?

Alalay: Really? (Wenonaman ngaun? *antok antok*)

Boss: It was my bestfriend who put up that company that is why, I was invited. I was telling him.. "Are you are foolish to put up a company this far away from Manila?" Tatawa-tawa sya.

Alalay: (Ininahan ko sya sa punch line. KJ ako e) Then 5 years after, you went back here to put up a company which is much farther from Manila. (Batangas sya nagtayo ng company)

Tawa si boss. Oo nga naman, sino bang mag-aakala na madedevelop ang Laguna at Batangas ng ganon kabilis sa loob lang ng 15 years. Eto nga, ginagawa na ang South Luzon Expressway (SLEX). Dati, halos 4 hours ang byahe pero ngaun, kaya na ng 2 hours kahit pa nga 1.5 hour lang e.

Nagkkwento sya. Noong una daw puro rice fields ang makikita sa SLEX pero ngayon, binura na ang palayan. Di na daw sya nagtataka kung baket si Henry Sy ang pinakamayaman sa pilipinas.

Sumang-ayon ako. Mahilig kasi ang pinoy sa shopping. Mga one time millionaire. Pagkakasweldo, sa mall ang tuloy. Wala na nga kakong business ang bangko ngaun na savings, puro pagpapautang na lang at credit card. Kung dati ang hirap kumuha ng credit card, ngayon naman ang hirap tumanggi sa credit cards.

Sabi nya, paraiso daw ang pilipinas para sa kanilang mga hapon lalo na doon sa isang kakilala nyang Hapon na napa-assign sa Iraq ng 3 years baka nare-assign sa pilipinas. Buhay mayaman sila dito. Nasa hotel, pakotse, may driver, mura ang alak, maraming golf courses, maraming japanese resto at marami pang iba mura (kasama kaya sa marami pang iba 'ung mura din ang babae sa pilipinas? malay natin)

Natapat kami sa Eton City. Isang 100 hectare property na binili ng Ayala para idevelop as "Makati of the South" sa Sta. Rosa, Laguna. Dating palayan.

Alalay: Here will rise Eton City. I will miss the rice fields. (May pagkasentimental kong sabi). Anyway, it will create more work hopefully.

Boss: Yeah.. I remember. I had fun travelling from Makati to south because I love seeing rice fields. Maybe, this is one of the reasons why the Philippines keeps on importing rice from Vietnam. You can't supply your people with rice.

Alalay: Yes. We even trained them how to plant rice. And now, we are buying from them. Ironic but true.

Boss: Yes. Japan government sent students to Laguna also to learn rice technology. Now, we can supply our people of rice. 100%. We also import but of other agricultural crops. Not rice. We can supply to our people. Our government was thinking that if war will come, our people will not go hungry.

Alalay: (Iba talaga mag-isip ang hapon. Laging at least 10 years ahead. Saka war? Wag naman sana) I just hope our government will realize that before it is too late. Maybe should strengthen the regulations of declaring agricultural land to commercial.

Boss: Yes... _____ (where our company is located) is also an agricultural land before.

Alalay: Oh well.. i just hope there is balance.

Boss: I do hope so too.

Katahimikan uli. Malapit na kami sa kliyente. Mabuti naman.

Feedback sa radio ni mamang driver: "Joc-joc bolante, dumating na uli ng bansa."

O anong masasabi ko... Irony.. irony... irony..

nga pala, magbabakal ung bibisitahin naming kliyente. Isa pang irony. hahahah!

They paved paradise and put up a parkin' lot
With a pink hotel, a boutique, and a swingin' hot spot
Don't it always seem to go
That you don't know what you got till it's gone
They paved paradise and put up a parkin' lot.. ummm.. bop! bop! bop!

Counting Crows - Big Yellow Taxi

 
Comments:
galing. okey na okey ang kuwento mo ms ces.

:)
 
haytz.
galing mare

napanood ko rin yung two weeks notice

with the big yellow taxi as ost

kudos sa blog

<----naiinip sa karagdagan pang entries.lol
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]