Nung Monday ko pang trip na trip mag google ng funny komiks. Ewan ko ba kung baket feel ko na namang bumalik sa mga uso nung kabataan ko. Ewwww! Talagang tumatanda na ako kaya siguro gusto kong matime warp sa dekada 80’s at 90’s.
Funny komiks ang uso non. Komiks hindi libro. Pero ung isang kaklase ko nung grade 5, pina-hard bind nya ung collection nya ng funny komiks. Naitago kaya nya un? O tinapon na? Pinagbili kaya?
Naalala ko pa si Niknok, Mang Ke, si Bardagul, pero di ko maisip kung ano bang moral lesson ang natutunan ko sa funny komiks. Wala ata. Basta tumatak ung character nila sa akin kahit wala talaga akong maalalang naituro nila sa akin pwera na lang ang tumawa kahit maraming assignments. Natatandaan ko non, periodic exams na pero instead na mag review, pagbabasa ng funny komiks ang inaatupag ko.
Nadala ko siguro ung ugali na un hanggang ngayon. Eto nga, tambak ang trabaho ko ngayon (weh bawal magre-act ang mga hindi naniniwala na me trabaho ako! Nyahahahah!) pero inuuna ko ang pagsusulat ng walang kakwenta-kwentang blog kahit alam ko namang di nyo inabot ang Funny Komiks dahil nung mga panahong un e adik na adik na kayo sa Liwayway! Nyahahahahah!
Hindi ko alam kung mabuti ba un o hindi pero ok na din. At least hindi ako sobrang seryoso sa buhay. Mahirap naman kasing seryosohin ang buhay e dahil ang buhay ay mapagbiro. :charing: Nyahahahah!
O e anong pinupunto ko? Wala naman. Ayaw ko lang sumimangot at maging matanda. Mas gugustuhin kong maging bata, sariwa at masaya kahit timewarp lang un. O sige na nga, pwede ding matandang masaya na lang.
Kaya ang lesson ditto, ung may mga clippings dyan ng xerex aba e ipabook bind nyo un para hindi masira! At kung meron kayo nung issue number 8025 ng xerex na pinamagatang “Tipitipitim Tipitim”, aba e pakiscan kasi yan ang kulang sa koleksyon ko! Nyahahaahaah!
Eto pala ang sampol ng nakita ko sa net! I love you google talaga! Wahahahah!
Welcome back sa akin sa pagbblog! Wahahahaha!
tumatanda pero nananatiling bata.
Subscribe to
Posts [Atom]