buhay-buhay
Tuesday, September 16, 2008
  Funny Komiks

Nung Monday ko pang trip na trip mag google ng funny komiks. Ewan ko ba kung baket feel ko na namang bumalik sa mga uso nung kabataan ko. Ewwww! Talagang tumatanda na ako kaya siguro gusto kong matime warp sa dekada 80’s at 90’s. Para feeling bata na naman ako.

Funny komiks ang uso non. Komiks hindi libro. Pero ung isang kaklase ko nung grade 5, pina-hard bind nya ung collection nya ng funny komiks. Naitago kaya nya un? O tinapon na? Pinagbili kaya? Sana naman hindi para may babalikan syang funny komiks. Samantalang ako, nagtitiyaga lang mag-google. Hahahahha! Kawawa.

Naalala ko pa si Niknok, Mang Ke, si Bardagul, pero di ko maisip kung ano bang moral lesson ang natutunan ko sa funny komiks. Wala ata. Basta tumatak ung character nila sa akin kahit wala talaga akong maalalang naituro nila sa akin pwera na lang ang tumawa kahit maraming assignments. Natatandaan ko non, periodic exams na pero instead na mag review, pagbabasa ng funny komiks ang inaatupag ko.

Nadala ko siguro ung ugali na un hanggang ngayon. Eto nga, tambak ang trabaho ko ngayon (weh bawal magre-act ang mga hindi naniniwala na me trabaho ako! Nyahahahah!) pero inuuna ko ang pagsusulat ng walang kakwenta-kwentang blog kahit alam ko namang di nyo inabot ang Funny Komiks dahil nung mga panahong un e adik na adik na kayo sa Liwayway! Nyahahahahah!

Hindi ko alam kung mabuti ba un o hindi pero ok na din. At least hindi ako sobrang seryoso sa buhay. Mahirap naman kasing seryosohin ang buhay e dahil ang buhay ay mapagbiro. :charing: Nyahahahah!

O e anong pinupunto ko? Wala naman. Ayaw ko lang sumimangot at maging matanda. Mas gugustuhin kong maging bata, sariwa at masaya kahit timewarp lang un. O sige na nga, pwede ding matandang masaya na lang.

Kaya ang lesson ditto, ung may mga clippings dyan ng xerex aba e ipabook bind nyo un para hindi masira! At kung meron kayo nung issue number 8025 ng xerex na pinamagatang “Tipitipitim Tipitim”, aba e pakiscan kasi yan ang kulang sa koleksyon ko! Nyahahaahaah!

Eto pala ang sampol ng nakita ko sa net! I love you google talaga! Wahahahah!

Welcome back sa akin sa pagbblog! Wahahahaha!

 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]