buhay-buhay
Wednesday, February 13, 2008
  Sinaksak mo ang puso ko

Kelangan pa bang imemorize yan???

Wala lang gusto ko lang magsulat ngaung araw ng mga puso. Bukod kasi sa feeling ko isang mahabang araw nanaman ito (actually audit ng ISO namin ngaun at bukas weh) e madadagdagan pa ang "asar" ko dahil araw nga ng mga puso!

Well, ano bang nakakaasar sa araw ng mga puso para sa isang single na katulad ko??

1. Nakakaasar na ang unang magtetext sayo ng "Happy Valentine's day" ay ung kaopisina mo na matandang dalaga. Pootek naman! Para kasing me deeper meaning na "Hoy, lola! Happy Valentine's day. Wag ka worry... Wala din akong date at ang isang daang myembro pa ng Soltera Club of 2008."

2. Nakakaasar 'ung dadating ka sa office mo na ang makikita mo sa table mo e leave form ng staff mo instead na bulaklak at chocolate. Pang-asar talaga! Waaahhhhh! Anong gusto nyo?!?!?! Ha?!? Ha?!?!? Kaming mga soltera.. este mga singles na lang ang magtrabaho kapag February 14????

3. Nakakainis na ikaw pa ang tatanungin ng kakilala mo kung san ba magandang magdate! Heloooerrr! San pa??? E di sa luneta! Wahahahahahah!

at ang pinakanakakainis sa lahat ngaung Feb. 14....

4. Ung picture sa profile ng contact mo dito sa multiply e ung mga naghahalikan! Nang-aasar ba talaga kyo?!?!?! Ha?!?!? Away na lang! Gusto nyo?!?!? Ha!?!?!? Ibblock ko muna kayo ngaun Feb. 14!

Well.. well.. well... di ako maiinggit sa inyo dahil marami namang bagong imbensyon ngaun na design para sa mga katulad ko....

At anong itinatawa tawa mong lalake ka ha?!?!?!?!?!? Meron din kayo at mas bongga pa!!!!!! Wahahahah!

Owenonaman! Bat ka nagtatawa!?!?!? Gusto mo bumili??? Wahahahahah!

HAPPY PUSO SA LAHAT!

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]