buhay-buhay
Tuesday, February 26, 2008
  Hindi ko Hero si Lozada
Ewan ko kung ako lang ang naiirita sa ka-OA-yan sa ZTE scam at hearing sa senate. Minsan lang naman ako nakapakinig dahil malimit ay nasa trabaho ako kapag me hearing pero isa lang ang masasabi ko.. Hindi ko HERO si Lozada.

Hindi ko sya Hero dahil inamin nya na nangurakot din sya habang presidente sya ng Phil. Forest Corp. Ang katwiran nya, hindi sya santo pero hindi naman kasing laki ng ZTE ang kinukurakot nya. Malay ko ba kung magkano ba talaga ang nakurakot nya. Baka nga hindi kasing laki ng kurakutan sa ZTE pero un ay dahil hindi ganon kalaki ang oportunidad na lumalapit para kurakutin nya. Isa lang ang alam ko, ung nagnakaw ng limang piso at ng limang daan at pareho lang magnanakaw.

Expert syang fixer. Ang sabi nya, sinabihan daw sya na moderate their greed. Nagkoment sya na bubukol un (pertaining sa laki ng kurakot.) Nagbigay pa sya ng amount na katanggap-tanggap sa pananaw nya bilang komisyon. Aba e malinaw na expert nga na fixer sya. Sya ang nakakapagsabi kung labis o tama lang ang komisyon. Sya ang may alam kung kelan tama lang ang "greed" o sumosobra na. Sya ang may alam kung kelan bubukol ang komisyon at kung kelan lulusot. Di kaya praktisado na sya matagal na? Malamang.. Heheheh!

"Para sa bayan". Naiinis ako don sa linya nyan. Naman! E sya na ang me sabi na kung hindi lang sya sinerve ng subpoena ay hindi sya pupunta sa senate a. Di lang nya alam kung paano makakalusot kaya napilitan syang magsalita. "Para sa bayan" - kapag inuulit-ulit mo na, nahahalata ng plastik ang pagiging makabayan mo. Para din sa bayan ang pagsusulat ko. Wahahahah!

Drama. Kakainis na ginagawa nyang issue ang pagsusuot nya ng plain shirt at pagiging probinsyano para magmukha syang masa kumpara sa kalaban nya. If I know, sa Hongkong nya pa binili ang plain shirt nya. Nakakainis na me nakukuha syang simpatya sa mga kwento nyang me nakausap syang magsasaka at 'yun ang nagpaliwanag ng isip nya. Nakakainis na ginagamit nya ang simbahan at nagpapagamit naman ang simbahan.

"Piso para kaya Lozada". Andami-daming pwedeng ipag-charity work na mahihirap e baket si Lozada pa. Si Lozada na may membership sa wak-wak, na kabilang sa mayayaman ng pilipinas at pumapasok ang anak sa La Salle. Ganon ba talaga?

Hindi sya katulad ni Clarissa Ocampo. Si Clarissa Ocampo, ang starwitness ng Jose Velarde account, ay hindi tulad ni Lozada na me kinuhang pera ng gobyerno. Nagttrabaho sya ng tapat hindi tulad ni Lozada. Higit sa lahat, walang naging pera si Clarissa Ocampo sa Jose Velarde account.

Nakakainis isipin na parang automatic na nagiging totoo ang sinasabi ni Lozada. Hindi ko sinasabi na nagsisinungaling sya. Ang sa akin lang, hindi dahil sa sinabi ni Lozada na "over budget" ang ZTE e lahat na lang tayong Pilipino ay tatango at magsasabi na "Oo nga..Over budget nga." E ano bang expertise ni Lozada para sabihin nyang over budget. Dapat kina-qualify din ang sinasabi nya.

Nakakainis na navi-vindicate si Lozada sa corruption dahil nagturo sya ng mas malaking isda.

Nakakainis isipin na sa panahon ngaun, ang depinisyon na ng "Hero" ay "whistle blower" tulad ni Chavit at Lozada.

Nakakainis isipin na baka dumating na ang araw na ang makikita na nating mukha sa piso ay mukha ni Lozada habang umiiyak at nakasuot ng puting kamiseta.

Nakakainis isipin na maraming maiinis sa post na ito. Oh well..

 
Wednesday, February 13, 2008
  Sinaksak mo ang puso ko

Kelangan pa bang imemorize yan???

Wala lang gusto ko lang magsulat ngaung araw ng mga puso. Bukod kasi sa feeling ko isang mahabang araw nanaman ito (actually audit ng ISO namin ngaun at bukas weh) e madadagdagan pa ang "asar" ko dahil araw nga ng mga puso!

Well, ano bang nakakaasar sa araw ng mga puso para sa isang single na katulad ko??

1. Nakakaasar na ang unang magtetext sayo ng "Happy Valentine's day" ay ung kaopisina mo na matandang dalaga. Pootek naman! Para kasing me deeper meaning na "Hoy, lola! Happy Valentine's day. Wag ka worry... Wala din akong date at ang isang daang myembro pa ng Soltera Club of 2008."

2. Nakakaasar 'ung dadating ka sa office mo na ang makikita mo sa table mo e leave form ng staff mo instead na bulaklak at chocolate. Pang-asar talaga! Waaahhhhh! Anong gusto nyo?!?!?! Ha?!? Ha?!?!? Kaming mga soltera.. este mga singles na lang ang magtrabaho kapag February 14????

3. Nakakainis na ikaw pa ang tatanungin ng kakilala mo kung san ba magandang magdate! Heloooerrr! San pa??? E di sa luneta! Wahahahahahah!

at ang pinakanakakainis sa lahat ngaung Feb. 14....

4. Ung picture sa profile ng contact mo dito sa multiply e ung mga naghahalikan! Nang-aasar ba talaga kyo?!?!?! Ha?!?!? Away na lang! Gusto nyo?!?!? Ha!?!?!? Ibblock ko muna kayo ngaun Feb. 14!

Well.. well.. well... di ako maiinggit sa inyo dahil marami namang bagong imbensyon ngaun na design para sa mga katulad ko....

At anong itinatawa tawa mong lalake ka ha?!?!?!?!?!? Meron din kayo at mas bongga pa!!!!!! Wahahahah!

Owenonaman! Bat ka nagtatawa!?!?!? Gusto mo bumili??? Wahahahahah!

HAPPY PUSO SA LAHAT!

 
Wednesday, February 06, 2008
  Adeeekkk!

Symbicort - ang gamot ng mga taong me hika.. Actually hindi sya gamot kundi pang preventive lang.. Maintenance na sya para macontrol ang asthma attacks..

pero isang araw, habang dumadaan sa calabarzon... biglang nagcomment ang 6 year!s old kong pamangkin.....

"Ayun ang gamot ni ninang!"

Syempre, tiningnan namin lahat ng itinuturo nya... at ang nakita namin.....

....

....

....

....

Nyahahahahahahah! addeeeeekkkkkk!

 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]