buhay-buhay
Tuesday, January 01, 2008
  Sinong makulit?

Gusto kong iintroduce ang dalawang kapatid sa inyo. Una, ang pinakagwapo sa aming magkakapatid - si kuya henry. At ung bunso naman, ang pinakamaganda kong kapatid - si Liby. Kung akala nyo na makulit ako, well... babaguhin ko ang pananaw nyo.

Scenario: Usapang pang-intektwal tungkol ke saddam hussein.

Kuya: Napanood nyo ba 'ung pag-hang ke saddam?

Ako: Patay na si saddam?!?!?!?!?!?

Kuya: Matagal na!

Liby: Honga.. Patay na. Wala kang kaalam-alam e............ Kelan pa sya namatay? Nyahahah!

Kuya: Dec. 2006 pa. Sus! Un naman pala e namamatay hindi sa suffocation e. Namamatay dahil napuputol ung spine nya kapag ini-hang na nga sya.

Ako: Aa.... parang sa medieval period? Ung magbubukas ung platform para mahulog sya.

Kuya: Oo. Ung brother in law nya, binitay din. E mataba un. Akalain mong bumigay ang katawan. Humiwalay!!

Liby: E namatay?

Kami ni kuya: Huh?!?!?!?!?!?!?!? (sabay titig ke liby)

Kuya: Hinde.... nakatakas. Nagtatakbo ung katawan e.

Liby: A e ung ulo, nandudura? nyahahahahah! Teka, seryoso... e nahuli na ba ung katawan? Hahahahah!

Kuya: Hinde pa. walang makapagsabi kung anong hitsura e.

Ako: Nyahahahaha!

Langya! taga-tawa na lang talaga ako noong dalawa.

O sino ang makulit ngaun! sino! sinoooooooo!!!!????????

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]