Bakit ba ang hirap ng mga pangalan ngaun? Dati andali-dali lang e. Kalimitan kapag sa "A" nagtatapos ang pangalan, babae un (pwera na lang ke aga mulach). pero kapag sa "O", lalake un (pwera na lang ke Rio Locsin at Socorro). Ngaun, pakomplikado na ng pakomplikado. Halimbawa:
Ako: Hello?
Sa kabilang linya: Yes?
Ako: May I speak with Mr. Rannie?
Sa kabilang linya: Yes?
Ako: Ma'am pwede pong makisuyo kay Mr. Rannie? Pakisabi po from (company) po ako.
Sa kabilang linya: Yes!
Ako: Ma'am sa (company na tinatawagan ko) po ba ito?
Sa kabilang linya: Yes! Ako si Rannie!
Anak naman ng kamote! Mapapataena ka kapag ganon e! Haaay...
Sabagay cool ang dating di ba? Ung tipong, with patweetums voice: "Hi! My name is Gabby and this is my sister, Alex. Can we have our hair done?"
O di ba? Ang cool!!!!!
Compared naman sa with patweetums voice: "Hi! My name is Maria Leonora Teresa and this is my sister, Maria Azuncion . Can we have our hair done?" Waaaahhhh! parang panahon pa ng Sampaguita pictures a! Wahahahaha!
At dahil nga equal na daw ang babae at lalake, dapat pwede na ding magpangalan ng pambabae ang mga lalake.
Halimbawa: Sa pamachong boses: "Hello! I'm Jennelyn and this is my buddy Susan. Can we take you out and we'll have a hell of a party in our place?" Ewwww! kadiri! Mukhang mga Chiksilog (babaeng may balls) Wahahahah!
Haayyy! Wala lang. Ang hirap lang talaga magpatawa. Nyahahhahaah!
P.S. Don sa makakabasa nito na Maria Asuncion o Maria Leonora Teresa o kaya Jennelyn o kaya Susan na lalake ang pangalan, Dude wag ka naman magalit oh. Blog ko naman ito e kaya walang pakelaman pwede? Ha? Ha?
tumatanda pero nananatiling bata.
Subscribe to
Posts [Atom]