buhay-buhay
Wednesday, January 02, 2008
  2007

Tapos na ang 2007 (huli na naman ako sa balita). Wala lang, gusto ko lang na kapag binalikan ko itong multiply ko after ng 10 years e maaalala ko pa din kung anong meron ba noong 2007.

1. Sumikat ang kantang "Papaya", "Itaktak mo", "Kagat-labi". Kung last 2005 at 2006 e halos mapaos na ang videoke kakanta ng "Pinoy ako", ngaung 2007 naman e mabentang mabenta sa Christmas Party ang tatlong kantang 'yan. Kung di mo alam ang steps ng papaya na parang naglalaba kaliwa't kanan sabay turo sa taas at baba at pabulabulate ang hintuturo pataas, aba e hindi ka in! baka walang tv sa inyo.

2. Taon ng revival. Sabagay, hindi lang naman 2007 ang taon ng revival e pero mas lalo atang marami ang nirevive ng 2007. Lahat na lang ng kanta ng Apo e nirevive. Lahat na lang ng singer e nagrevive ng kanta. Simula ke Toni Gonzaga, Nina, MYMP (Kelangan pa bang imemorize yan e talaga namang puro revival lang ang alam nila), Bamboo, Christian Bautista, at kahit etong year ender na nga, humabol pa si Jaya ng "Is it over?" Nauubusan na talaga ng kanta na original.

3. Taon ng mga bisaya. Di ako sure kung bisaya nga un o ilokano or whateveerrrrr! Me laging kinakanta ngaun na di ko naman maintindihan ang lyrics. Ung parang "Dudung charing! Kahirap ko nabuki!" wahahahhaha! basta yan! Meron pang isa na halos ganon din ang kanta e. Pero infernez, kahit di ko maintindihan e natatawa ako kapag napapakinig ko un sa bus. Sana lang, talagang nakakatawa ung kanta dahil kung senti pala ang interpretation non e sorry na lang.

4. Taon ni Inday. Ngaun sumikat si inday, ang chochal na katulong. Ang mahilig magpadugo ng ilong ng amo nya. At ang katulong na may "K" na makipagtagisan ng english ke Kris Aquino. (Teka bisaya din ba si Inday?)

5. Taon ng scam (sa channel chew). Sinong makakalimot sa chew milyon at tsero milyon? At ngaun nga me praktis pang kumakalat sa youtube e. Dami ding na-adik sa kasusubaybay sa eat bulaga at wowowee dahil sa alitan ni joey at willie na yan. At kahit nga abo ni pepsi paloma e nahalungkat pa ng scam na yan. Well.. ang masasabi ko lang.... "Hindi namin estilo ang mandaya!" Go mga kapuso! Wahahahah!

6. Taon ng kadramahan sa trabaho. Oh cmon.. kelangan pa bang imemorize yan? Sept 2007 ang isa sa pinakamemorableng buwan ng pagttrabaho ko.

7. Taon ng laban at bawi. Year 2007 din na convict at nabigyan ng parol si erap. Ang bilis ng mga pangyayari.

8. Action at drama. 2007 din noong parang nakapanood ng live na action movie ang mga pinoy. Kulang na lang popcorn habang manghang-mangha ang mga tao na pinapanood ang tangke na wasakin at main entrance ng Manila Pen. Tapos parang dramatic pictorial ng mga media habang tinataas ang kamay nila na nakatali ng plastic. At lahat yan ay dahil sa sumpong ni Trillanes. Marami nga ang nagrerequest e, next time motel daw naman ang pagpasukin ni Trillanes. Maiba naman. Dagdag na din ang senate at glorietta bombings.

9. Pagkakaisa ng mga pinoy laban ke Malu Fernandez at away Bong Alvarez at ABS-CBN. Saang litsunan na ba ngaun si Malu?

10. Lumakas ang piso at Php 41/USD pero bumaba ang buying power ng pinoy. Ang mahal na ng bilihin poootek!

11. Nauso ang linya na "May 200 ka dito" at "Back off!" dahil sa ZTE.

12. Lumipat si Angel Locsin sa channel chew at biglang sikat naman si Marian Rivera.

13. Di ako sure pero 2007 din ba umamin si Ogie at Regine? Hu cares! wahahahah!

14. Nauso ang nokia Nseries. Di ako sigurado pero hu cares uli! nyahahahah!

15. Wala na akong maisip. Hu cares! Hu cares!

Haay.. naku! dami ding nangyari. Ang lablayp ko lang at bank account ang walang pinagbabago e. Pareho pa ding zero balance. Isang malaking Hu cares!

Welcome 2008! weeeehhhhhhhhhh!

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]