buhay-buhay
Friday, November 30, 2007
  Ratatouille

Oh cmon.. dahil sa wala namang pasok kanina at dahil "Bonifacio day" ngaun, nakaramdam ako ng extra drive para gawing makabuluhan ang araw na ito. Ang solusyon - bumili ng pirated dvd.

Weh.. bago nyo sabihing walang kabuluhan ang naisip ko, hayaan nyo munang isa-isahin ko kung anong natutunan ko. Actually natutuwa ako kasi Ratatouille ang napili kong bilihin kanina. Ang hirap din kasing magdesisyon kung ano ang magandang bilhing movie e. Ang pinagpilian ko "Ratatouille" at "Tom and Jerry". (Di naman ako mahilig sa daga! Nyahahah!)

Ok, let's move on. :charing:

Ang Ratatouille ay tungkol sa isang daga (Remy) na gustong maging chef sa Paris. O di ba ang galeng! 'Yan ang mga type kong movie e, yung may pagkachallenging ang mga roles. At sa isang kamalasan o swerte, napadpad sya sa restaurant ni Gusteau sa Paris. Si Gusteau ay isang sikat ng chef na namatay dahil sa sobrang pagdaramdam noong mabasa ang write up ng isang critic (Si Ego) tungkol sa kanyang restaurant. Si Ego ay isang food critic na kilala sa paggagawa ng nakamamatay ng comments. Don nakilala nya si Linguini, isang garbage boy na hindi marunong magluto pero dahil sa pagkakataon ay napilitang magluto.

Well, don umikot ang istorya. Kung paano nagkatulungan si Remy at si Linguini para matupad pareho ang pangarap nila. At kung paano nakumbinsi ni Remy ang pamilya nya na suportahan sya.

After kong mapanood ang movie, narealize ko na marami pala akong matututunan sa daga particular na ke Remy.

Tinuro nya sa akin na hindi madali ang buhay kahit pa nga talented ka. Na minsan kelangan mo talagang lumaban against all odds para marating ang impossible dream na hindi naman talaga impossible. (Parang videoke lang a. Wahahahah!)

Na may mga pagkakataon na hindi natin kayang mag-isa pero may pamilya tayo at mga kaibigan na susuporta sa atin.

Na kaya mong baguhin ang nature kasi sabi nga nya "Change is nature." Wag kang makontento sa status quo.

Na kahit pa gaanong kawirdo ng pangarap mo, basta nakita ng pamilya mo na mahalaga un sayo ay susuportahan ka pa rin nila. Kailangan mo lang maging humble.

Na hindi tulad ng mga hayop, tayong mga tao ay may utak hindi para lang magsurvive. Kundi para magcreate at dumiscover.

Pero alam mo kung anong pinakapinag-isipan ko sa movie? Ung sinabi ni Ego sa review nya.

"In many ways, the work of a critic is easy. We risk very little yet enjoy a position over those who offer up their work and their selves to our judgment. We thrive on negative criticism, which is fun to write and to read. But the bitter truth we critics must face is that, in the grand scheme of things, the average piece of junk is more meaningful than our criticism designating it so. But there are times when a critic truly risks something, and that is in the discovery and defense of the new. Last night, I experienced something new, an extraordinary meal from a singularly unexpected source. To say that both the meal and its maker have challenged my preconceptions is a gross understatement. They have rocked me to my core. In the past, I have made no secret of my disdain for Chef Gusteau's famous motto: Anyone can cook. But I realize that only now do I truly understand what he meant. Not everyone can become a great artist, but a great artist can come from anywhere. It is difficult to imagine more humble origins than those of the genius now cooking at Gusteau's, who is, in this critic's opinion, nothing less than the finest chef in France. I will be returning to Gusteau's soon, hungry for more. "

Oh di ba, ang haba! kaya malamang yan ang pinakamagandang line don sa movie. Wahahahahahahah!

Seryoso, pinapakita lang nyan na di mawawalan ng kritiko sa mundo. Sabi nga, un ang masarap isulat at basahin. Pero syempre, dapat positive pa rin ang tining mo sa buhay. Dahil gaining the respect of your critics is one of the best successes ever.

Kaya sige lang! laban lang ng laban! Sabay kanta ng "I will survive! heheyyyyyy!"



 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]