buhay-buhay
Monday, August 20, 2007
  Panda life

National Geographic Channel. Kakatuwa lang ung napanood ko kanina about sa mga Panda. Lalo na sa female panda.

Anlalaki nila tapos napakagentle pala. kala ko pa naman, dahil bear sila e katulad din sila ng ibang bears na nang aaway. Pero kabaliktadan pala. Actually, di sila nakikipagchochalan sa kapwa nila hayop. At mas madalas, mas gusto nilang mag-isa. Sa laki nilang un, akalain mong sa taas pa ng puno nila mas prefer matulog para hindi maistorbo ng ibang hayup. Kung tutuusin, dito sa mundo where the rule of "suvival of the fittest" applies, mahirap hindi ipagmalaki ang pagiging malaki. : pero ung panda, pinakita pa din nya na pwede pa ding maging humble and still maging bida sa national geo. :

Pinakita din don kung paano name-mate ang mga panda. Unlike ng tao, may mating season ang mga Panda (usually April). May mating season din naman ang tao, araw araw nga lang. : Balik na lang tayo sa panda kesa naman tao ang pag usapan natin, chismis lang mangyayari non! bwahahahahha! So un nga, pag mating season, nagsesend ng signal ang mga female panda sa male panda. Ni-rurub nila (female panda) ang sarili nila sa puno para ung scent nila e madala ng hangin within the forest at makarating sa fafable sa panda. Kelangan magmadali ang male panda kasi few weeks lang fertile ang female panda, kung walang mangyayari.. see you next april na lang uli. :

Ang mga male panda naman nag aaway para lang sa isang female pero syempre kung sinong makauna, di na pwedeng umextra ung iba. Heheheh! Pero wag nyong isipin na kung wala ng karapatang pumili ang Female panda ha. Jan ako nagkamali! Kala ko kasi dahil nga few weeks lang syang fertile e susunggaban na nya ang unang male panda na dadating. Tutal naman magkakamukha lang sila! nyahahahahah! Mas mahaba pala ang hair ng female panda kesa inakala ko. Very choosy pa pala itong hitad ng female panda! Bwahahahah! Akalain mong paghindi nya type ung male panda e aawayin nya hanggang umalis na ito. Kahit na pa nakipag away sa ibang male pandas para lang mauna sa kanya! Tarush ng female panda a! Ang inisip kasi ng female panda, 8 times lang sya pwedeng mabuntis sa lifetime nya kaya dapat ung tatay ng anak nya e ung gusto nya ang genes di ba? Honga naman! Di kami desperada no! (Isali ko ba daw ang sarili ko! nyahahahahah!) :

May pinakita din na bagong anak na panda. Anliit nung baby panda! Parang tuta lang! Kakapagtaka kasi lumalaki silang ng malaking malaki e bamboo lang naman ang kinakain nila. 3 months bago matutong kumain ng bamboo ang baby panda. Kaya very dependent pa sila sa mommy nila. At dahil nga gentle ang mga panda, kakatuwa silang mag alaga ng anak. 1 baby panda lang kalimitan ang pinagbubuntis ng panda. Kung mag kakatwins man, napahirap daw na mabuhay pareho ng walang human intervention. Tutok na tutok sa pag aalaga ang mader panda sa baby nya. Sa buong araw, 3-4 hours lang sya umaalis sa tabi ng baby nya at un e para lang i-replenish nya ang sarili nya para makakadede ang baby nya. Takot kasi silang ma-harm sa baby nila. Kasi nga ang liit lang tapos bulag pa at hindi nakakalakad kaya inviting prey talaga sila sa mga eagle, dogs, at kung anu-ano pa. Kaya isang tawag lang ng anak nila, balik agad sila don sa place. Or kung feeling nya na me panganib, lipat sila ng bahay. Sigurado ako, me malaking malaking puso ang mother panda. :

Pero one time nung more than three months na ung panda, iniwan sya ng nanay nya. At dahil gutom na, tumawag nga ung baby panda. Tagal nyang tumatawag. Parang naiinis na nga e. Malapit lang naman ung nanay nya kaya lang takot pa ung baby panda. Sanay kasi sya sa dilim e. Takot pa sa liwanag. Tawag sya ng tawag, pero di talaga sya pinapansin. At ang ginawa nung nanay nya, lalong nagpasaway. Lalo pang umakyat sa puno. Nyahahahahah! Susme! Bingi-bingihan! Nyahahaahahha! Sa inis nong baby panda, lumabas sya ng bahay nila tapos umakyat din sa puno. Ayun, saka lang sya nilapitan ng nanay nya. Nyahahahahah!

Ganon naman talaga, pag minsan at di ka pinapansin ng nanay mo, tatay mo, kapatid mo, kaibigan mo, katrabaho mo, kaklase mo, boyfriend mo, girlfriend mo, at kung sino sino pang character sa buhay mo; malamang may gusto lang silang ituro. Try mong umalis sa dilim para maliwanagan ka.
:

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]