buhay-buhay
Wednesday, August 29, 2007
  Ows? Ows? weeeehhh
May bagong scam na naman ang wowowee. At syempre, huli na ako sa balita. Wahahahahahha! Pero gusto ko pa ding maggawa ng blog, walang pakelaman.

Eto ang video ng scam:




Given them the benefit of the doubt, pwede ngang totoo ung explanation kaya lang ang problema, maaari naman talagang imanipulate kung ano ang laman nung circle. Sa isang game show where people trust on luck and fair play, is it correct to give more weight on economical reasons than eliminating any chance of suspiscion and manipulation?

Well, ewan ko lang kung iimbestigahan 'yang insidente na yan. Pangatlo na ata yan ng wowowee e (1. stampede 2. ung inside job ng pagpili ng contestant 3. eto na nga).

Pero un, di pa din natututo ang pinoy. Kasi pansin ko lang, sobra nang umasa ang pinoy sa games of chance. Kaya nga mabenta ang deal or no deal, text games, kahit na nga sabong, lotto, loteng.. etc. etc.

Isipin mo, nawawala ang pride ng pinoy kapag napapasali sa wowowee? Kahit ung mga matatanda, pinasasayaw pa nila. Un ang ginagawa nilang katatawanan. Ang kapalit pera. Magsisinungaling ka lang na ang pogi ni Willie, may pera ka na. Kung tutuusin, hindi na tama. Laro pa ba? O hanapbuhay na? Artista pa ba? O diyos na na magbibigay ng pag-asa? Salamat sa Diyos pa ba? O salamat Papi Willie na?

Ewan ko.

Ano kaya kung may tv station din ang Diyos pero ang ibinibigay nya ay peace of mind, kalusugan, kagalingan, talino etc. at ang way para makamit mo 'ung prizes na un ay hindi chance kundi ang taos pusong pagtanggap sa Diyos tapos pareho sya ng timeslot ng eat bulaga at wowowee na nagbibigay ng kotse, bahay, lupa, jeep, pera, tindihan etc. etc.

San ka kaya pipila?

Ano kayang pinakasikat na station?

At sino kaya ang mas paniwalaan mo?

Hindi kaya mas madaming pang magduda sa Diyos?

Hala ewan... Isa lang sigurong insidente yan as usual - na hindi dapat pag-isipan.
 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]