buhay-buhay
Sunday, August 05, 2007
  A-maze-ing Grace

Galing kami ng family ko nung sat sa Bluroze Lipa. Wala lang.. Pasyal-pasyal lang. Maganda din naman kasi don at isa pa mura. Parang people's park, lipa version nga lang. Pero wala pa silang mga kabayo... mga mukhang kabayo pa lang. Nyahahahahah!

Aside sa malawak na park, may mga iba't ibang hayop, puno at halaman din doon. Total escape from urban life kumbaga kahit di nga pala ako taga-urban. Basta parang bumalik ka don sa panahon na hindi pa sementado ang bakuran nyo kaya pwede ka pang humiga sa damuhan at ang duyan e sa puno pa nakatali at hindi sa bakal.

May isang facility ang Bluroze - Ang Bluroze maze. Mejo malaki din. Isa lang ang entrance at ang exit. Kapag pumasok ka don may mga hangging bridge, mini swamp, at ung pinaka-division ng maze ay wires na pinaginapangan ng mga halaman. Parang 'ung sa harry potter kaya lang di ganon kakapal ang halaman. Pero definitely di mo kayang sirain ang division kapag naligaw ka na at gusto mong gumawa ng sarili mong exit.

Di ko naman first time sa Bluroze pero noong Saturday lang ako pumasok ng Maze. Kasi nga wala din naman akong sense of direction. At natatakot akong maligaw-ligaw sa loob at don na magcelebrate ng 60th birthday ko. Pero nakumbinsi ako ng pinsan kong ubod ng yabang na sumama sa kanya sa loob ng maze dahil naka-dalawang beses na syang pasok sa maze at dalawang beses din syang nakalabas ng buhay.

Oh c'mon.. e di sama nga naman ako pero para makasigurado nagdala ako ng tinapay at tubig para kung sakaling abutin kami ng taon sa loob ay di naman ako basta-basta magugutom.

Ok... enter the maze. lakad.. kain.. lakad... kain.. lingon.. Ok pa ako. Tanda ko pa ang pabalik. lakad uli.. kain.. lakad.. liko.. kaliwa.. kanan.. kaliwa.. kaliwa.. kanan.. Oh c'mon.. nawawala na ako. Wahahahahaha! May naisip akong idea! Pinirapiraso ko ang natitira kong tinapay para ihulog sa dadaanan namin. Nabasa ko ito sa libro ni Hansel at Grethel. Kaya lang mas nanaig ang kalam ng sikmura ko kaya di ko na ipinagpatuloy.

Teka hinto muna. "Hoy! di ko na alam ang pabalik!"

"Sus! wala pa tayo sa gitna e! Lakad ka lang."

Sa isip-isip ko, ang yabang talaga ng pinsan ko. Kamag-anak ko talaga sya. Nyahahahahah! O sige, e di lakad.

Bigla syang kumanan. "Teka di ba kaliwa dapat? Parang sa palayo na tayo e." kinakabahan na ako. Gusto ko na sumigaw ng saklolo.

"Hindi. Kanan talaga. Pagkumaliwa ka, mapapalayo tayo."

Baket ganon? Parang feeling ko talaga na kaliwang turn dapat kami.

"Hindi ka naniniwala? Tumingala ka." sabi ni yabang. "Kita mo ung puno na mataas? Jan tayo pumasok e. Yan 'ung palatandaan para makarating tayo palabas."

Huwaawww! Ganon pala un! Honga naman. Bakit ko ba tatandaan kung san ako nanggaling e malilito ako sa ikot-ikot, e di tandaan ko na lang 'ung puno sa labas ng maze kasi di naman sila nag iiba ng pwesto - di sila umiikot.

Kasi naman feeling ko, nagsasagot lang ako ng maze e. Naka-birds eyeview. Wahahahahaha!

Naisip ko tuloy, dalawang way lang talaga ang magsolve ng maze. Kapag di ka kasama sa maze, mas madali kung tutungo ka na lang dahil kita mo ang mapa ng buong maze. Pero kapag kasama ka naman sa maze, mas mabuting tumingala ka kasi nadoon ang sagot. Tandaan mo, may nakatungo na sa atin. At syempre, mas madaling magsolve ang may birds eyeview.

Ang tanong nakalabas pa kaya kami? Syempre naman! Nakapag blog pa nga e!

When we can't piece together the puzzle of our own lives, remember the best view of a puzzle is from above. Let Him help put you together. ~Amethyst Snow-Rivers

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]