buhay-buhay
Thursday, August 16, 2007
  Life is Unfair

Sa tinagal-tagal ko na sa mundo, lagi ko na lang nababasa na life is unfair. Lagi na lang.. "It's unfair! Life is sooo unfair!!!" sabay laslas ng pulso gamit ang toothbrush. Ano ba yang ampeyr, ampeyr na yan?! : m a d :

Pero unfair nga ba?

Tingnan mo ‘ung ulan, hindi lang ang magagandang bulaklak at matatayog ng puno ang dinidilig nya. Pati 'ung damo. Kahit nga lason e. Walang inietsapwera. Lahat binibiyayaan ng langit.

'Ung pupu ko, tulad din ng ke Kris Aquino. Kahit gaano sya kachochal, I know and I'm sure (with confidence ha), mabaho din ung sa kanya.

Si Bill Gates, pagkumain ng panis na lomi, tulad ko sasakit din ang tyan nya. Hindi matatakot ang sakit sa dami ng pera nya.

Si Catherine Zeta-Jones, pareho ko lang din na humihinga ng oxygen sa hangin yan. And it doesn't mean na dahil mas maganda sya sa 'kin ng 10% e mas marami din ng 10% ang hinihinga nya! Ang totoo, baka nga mas marami pa akong nacoconsume na hangin sa kanya kasi mas malaki ang butas ng ilong ko. 'Un ang dahilan kung bakit ako mahangin! : r o l l :

At tulad din ni Lex Luthor at kung sino mang pinakamasamang kriminal sa mundo, pag pareho kaming nagdrayb ng nakapikit sa kalsada e malamang na maaksidente kami. Hindi matatakot ang disgrasya sa halang nilang bituka. Or hindi ito iiwas dahil mabait ako. : c h a r i n g :

Pero teka, andami ding injustice sa mundo weh. Ung masasama, sila ang sinuswerte. 'Ung mabubuti sila ang minamalas. 'Ung inosente, sila ang napapagbintangan. 'Ung mga may kasalanan, sila ang malaya.

Ok payn.

Maraming injustices sa mundo pero hindi ibig sabihin non na life is unfair. People can be unfair – un pa ang paniniwalaan ko. Me mga bagay sa mundo natin na ang nakakaimpluwensya e ung tao sa paligid natin. At depende sa kanila kung gusto nila ng injustice or justice.

But the absolute of it is -- God is fair.

God will bring every deed into judgment, including every hidden thing, whether it is good or evil (Eccl. 12:14).

Ok na 'ko sa assurance ng Diyos na 'yan. Wala akong objection! : l o l :

Hindi pa ba fair un? Hindi ba ganon ang meaning ng fairness? Na lahat tayo e expose sa parehong risks at parehong opportunity? Na lahat tayo binigyan ng Diyos ng kakayanang mag-isip at pumili ng lalandasin natin? At lahat tayo may pananagutan? At lahat tyo ay may pagkakataong tumawag sa Kanya?

Sa akin, it is fair. Very fair.

: a n g e l :

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]