buhay-buhay
Tuesday, August 28, 2007
  LDR

Kung isang relasyon nga ang koneksyon natin kay Lord, masasabi ko na isang "Long Distance Relationship" ang namamagitan sa amin. Siguro dahil physically, hindi ko Sya literal na nakikita pero may assurance ako na indeed, nag eexist Siya. Siguro dahil kahit hindi ko Siay nakikita, feel na feel ko pa din ang presence Niya. Siguro dahil kahit "malayo" Sya, confident ako na mahal Niya ako. Siguro dahil kahit "malayo" Siya, alam kong malapit pa din Siya sa puso ko.. Naks!

Paano nga ba magwork out ang isang LDR? Sa mga nakakakilala sa akin, alam na nila kung san ako unang magtatanong... Hindi kay Dra. Holmes, kundi kay Pareng google.

At eto ang mga tips on how to make a Long Distance Relationship work mula sa number 1 result sa search ko: http://www.ehow.com/how_2940_make-long-distance.html

1. Keep in touch daily. If large phone bills are a concern, send e-mail, letters, cards and even faxes.

Kinakausap ko naman si Lord everyday, un nga lang kapag medyo inaantok na ako at tinatamad na akong magkwento, sinasabihan ko na lang Siya ng "Good night. Gisingin Mo ako bukas ha." Pano pa nga kaya kung may dapat pang bayarang phone bill para lang makausap Siya? Ay ayaw kong isipin, baka matagal na kaming break.

2. Plan reunions to keep both of you pleased about the relationship. If your partner needs closeness, set up plans to meet often. Having a date to look forward to can help you through the rough times.

Eto 'ung date every Sunday. Paktay na! Pangalawa pa lang bagsak na ako.

3. Reaffirm your love and commitment to one another. Try not to assume that the relationship is thriving. Listen to your partner's concerns and communicate your own before they become bigger problems.


Lagot! E 'ung commitment Niya, sa Bible makikita e! Waaaahhhhh! Pero pasado naman ako don sa communicate your own kasi reklamador ako e. Pag me problema, malamang sa hindi, nadadamay Siya sa nasisisi ko.


4. Keep your partner informed about your life. You may live separately, but sharing information about your activities and friends is still important.


Iniinform ko naman Siya lalo na kapag malungkot ako. At paminsan-minsan kapag masaya ako. Pero kapag may ginawa akong alam kong hindi Niya gusto.. Hehehehehe! No comment.


5. Trust in one another. Suspicion will only break the relationship down.


I trust in Him kahit na minsan feeling ko, hindi naman Siya nakikinig or di Niya ako tinutulungan sa paraang gusto ko. Minsan, nagdududa din pero so far naman.... napapaliwanagan naman Niya ako.


6. Keep the relationship a high priority. Avoid canceling reunions or putting off a phone call.


Hala! Hindi nga ako nagcacancel ng reunion e kasi di ako nagpplano na makipag reunion! Nyahahahahah! Baket ba kasi inulit pa ito? Ganon ba kaimportante?


7. Focus on the future. Make plans to live in the same city eventually.


Aba! Syempre naman gusto kong makasama Siya pag dating ng panahon. Pero sa ngayon, mas dapat ata akong magfocus sa relasyon namin e. Para kasing SIya lang ang nag-e-effort na mag work ito para sa amin. Bagsak ako test.

Kayo ba? Pasado?


 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]