Bong-ga ka Day!
Well.. tutal mainit ang ulo kahapon dahil ke Malu Fernandez, itutuloy-tuloy ko na ngayon.
Eto panoodin nyo para mahawa kayo ng init ng ulo.
Huwaw! Grabe! Ang galing nyang manabunot!
Sumikat si Bong Alvarez sa basketball noong 90's. 'Yun ang panahong mabaliw-baliw din ako sa PBA kaya medyo pamilyar sa akin kung paano sya maglaro. 'Ung mga pasimpleng siko, batok e normal na scene na 'un sa basketball. Basketball is a physical game. Pero.. nadala ata ni Bong Alvarez ang pagiging basketbolista kahit sa labas ng court.
Isa-isahin natin ang excuses ni Bong.
1. Ayaw nyang magpainterview kasi dalawa ang anak nyang babae at nakakahiya.
Kailan pa nya natutunan ang salitang "nakakahiya"? Baket hindi nya naisip na nakakahiya sa mga anak nya habang nambubugbog sya ng taxi driver? At lalo na noong nakipagsabunutan sya?
2. Nagsabi na nya na ayaw nyang magpainterview pero nagpumilit pa din si Gretchen.
Pinagbigyan na syang hindi kuhanan ng camera pero pinapalayas nya ang mga tao sa presinto. At kelan pa naging bawal magbalita ng totoo lalo na kung trabaho nya ang pagiging reporter? Kung ayaw nya ng media, wag syang gumawa ng bagay na dapat lang ibalita.
3. Nabigla lang sya at unang nanuntok ang taxi driver.
Ganon? Ang laki nyang un, papatulan sya ng driver. To think na nasa likod sya. Maabot ba sya ng driver para suntukin sya? Oh c'mon..
4. Di sinasadya ang siko?
Oh c'mon.. kitang-kita sa video! Antangkad nyang un pero ganon na lang sya kung pumatol sa babae. Katapat ng siko nya ang mukha ni Gretchen. Ganon ang height advantage nya ke Gretchen pero pinatulan pa din nya. At patraydor pa ang siko ha! At nanabunot!
Haay.. kalaking bakla! Mas bakla pa sya sa totoong bakla. Kahit mga bakla, ikahihiyang tawagin syang "sister"! Pasensya na sa mga bading at pati sila e nadadamay dito.
Grabe! Dapat pinag one on one na lang un e. Siguradong may kalalagyan din si Bong Alvarez. E black belter si Gretchen e! Kita mo ung suntok? Anlutong! Hahahahahaha!
Ang maganda lang sigurong nangyari dito, at least marami pa ding lalaki ang kampi sa babae at galit sa mga "lalake kuno" na nananakit ng babae. Haay naku! Ipadrug test yan at ikulong sa mental!