buhay-buhay
Thursday, October 13, 2005
  Precious Lara Quigaman

Miss Philippines Precious Lara Quigaman won as Miss International 2005 last October 5 at Japan.
im not a fan of beauty pagents but she definitely touched my heart with her winning answer. i thought the question was insulting but her answer was very profound. this, i will always remember. MABUHAY!
Q: "what do you say to the people of the world who have typecasted filipinos as nannies?"
A: "i take no offence on being typecasted as a nanny. But i do take offence that the educated people of the world have somehow denegrated the true sense and meaning of what a nanny is. let me tell you what she is. she is someone who gives more than she takes. She is someone you trust to look after the very people most precious to you - your child, the elderly, yourself. she is the one who has made a living out of caring and loving other people. so to those who have typecasted us as nannies, thank you. it is a testament to the loving and caring culture of the Filipino people. and for that, i am forever proud and grateful of my roots and culture."
PROUDLY PINOY!
 
Tuesday, October 04, 2005
  Por Diyes Porsiyento
Masaya at nakakainis ang una kong salta sa pier.
Nagpunta ako upang ipasa ang isang dokumentong kailangan upang mailabas ang aming eksportasyon.
Magulo, maingay at mainit ang lugar na iyon.
Ang bagsik ng araw ang primerang kalaban mo.
Iyon ang akala ko.

Pumasok ako sa gate at doon nakita ko,
Isang mamang naka-uniporme, may hawak na baraha at nakaupo sa lilom.
Hindi ko siya pinanasin. Ako'y nagtuloy-tuloy,
Ngunit ako'y nahinto nang tawagin niya ang aking atensiyon.

"Psst…" ang sabi niya. Sukat na ako'y malingon.
"Tila bagong salta ka," sabay tingin sa aking identipikasyon.
"Aba! Magpakape ka naman. Iyon ang patakaran dito.
Kailangang magbigay ka sa akin kahit na sasampung piso."

Por diyes porsiyento.
Ako'y napilitang humugot sa pantalon ko
Sa kasamaang palad ay walang sampung piso.
Iniabot ko ang beinte sa mamang mahilig magkape,
Tamang-tama lang daw iyon. Wala daw siyang pansukli.

Ang sunod kong nakita, marahil ay nasa sisenta.
Puti na ang buhok, ang balat ay kulubot pa,
Ako ay lihim na humanga sa katapatan niya,
Naglilingkod sa gobyerno sa halip na magpahinga.

"Magandang umaga," bati ko sa kanya.
Tiningnan ako mula ulo at saka biglang tumawa.
"Tila bago kang salta," sa hinahabol na paghinga ay wika niya.
"Alam mo na ba ang tara. Dalawang daan ang bawat kaha."

Kaygaling niyang magkwenta.
Ang apat na kaha ko'y siyam na daan ang sabi niya,
Kung wala akong ibibigay ay hindi siya pipirma,
Mabibinbin ang eksportasyon. Kargamento'y 'di maikakarga.

Ako ay nailing saka dumukot sa bulsa.
Limang daan ang iniabot ko, "Boss, tawad na ang iba."
Siya ay sumandal, saka binitiwan ang pluma.
"Ano ito galunggong?" tanong niyang walang duda.

Wala akong nagawa. Baon ko'y iniabono na.
Sa loob ko'y nanalangin na sana sa kanyang pagpirma,
Ika-isang daang uod, nawa ay pumayag na,
Kung magkakaganoon, patay kang lolo ka,
Tiyak na sa'yong hukay isang daang uod ang kasama.


Sa kabilang mesa, ako'y nagpunta,
Naghulog ng sampu, ayaw kong humirit siya.
Ngunit ayaw pang pumirma, tila may hinihintay pa.
"Absent kasi si ma'am. Ako na ang kokolekta ng kanyang trenta."

Malapit nang matapos ang una kong salta.
Isang pirma na lamang at makakauwi na.
Ngunit anong malas ng aking pagpapapirma,
Ito pa ang isa't nanghihingi ng singkwenta.

"Miss, pasensiya ka na. Wala na akong singkwenta.
Hindi ko kasi alam. Ako kasi'y bagong salta.
Hayaan mo't sa susunod ay hindi ko na malilimot.
Dito pala ay may bigayan. Pasensiya.
Hayaan mo't sa sususnod.

Bigla siyang umismid na tila mananabunot.
Matama akong tiningnan. Mula sa ulo ay hinagod.
"Anong pacencia? Wala ditong pacencia,
Doon sa paninderya, magbakasakali ka."

Ako'y napabuntong hininga sabay na napakamot.
Pang-taxi ko pa sana. Ito ang huli kong dinukot
Nang-iabot ko ang trenta. Ngumiti siya hanggang tenga.
"May utang ka sa aking beinte. Sa susunod may dagdag ka."

Habang sakay sa dyip, lihim akong natawa,
Nang maalala ko ang una kong salta,
Kaydaming payaso ang aking nakilala,
Ngunit sa halip na matawa, ang tototo ako'y napika.

Por diyes porseyento! Mga payasong mukha'y walang pinta.
Hindi na nahiya! Ang kakapal ng mukha!
 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]