It makes sense
Kanina habang nasa byahe napaisip ako, baket wala tayong kontrol sa tenga natin para pwede nating piliin ang pinapakinggan natin. Un ang pinagkaiba nya sa bibig natin at mata. Tenga lang ang hindi mo pwedeng kontrolin (pwera na lang kay chiquito na kayang pagalawin ang tenga).
Ang bibig natin, pwedeng itikom. Pwedeng patahimikin. Pwedeng itaas ang boses. Pwedeng ibaba. Pwedeng pabulong. Pwedeng pasigaw.
Ang mata, pwedeng ipikit (oo. Kahit kasing laki ng mata ko, kaya pa rin ipikit.) Pwedeng imulat. Pwedeng ititig. Pwedeng iiwas ang tingin.
Sabi ng nanay ko, ang sense of hearing daw ang huling nawawala sa taong namamatay. Kaya kahit di na nakakaresponse ung mamamatay, nakakarinig pa sila.
Kapag daw mahina ang pandinig ng isang tao, mahina din ang sense of balance nya.
Ang galing ano? Parang may super power ang tenga and sense of hearing.
Pero baket nga?
Sana kung nace-censore lang natin ang naririnig natin e di sana nababawasan ang "noise" sa paligid. Sana di mo maririnig yung mga bagay na makakasakit lang naman sayo.
Sabi Man is designed by God kaya ibig sabihin non, He made the ears, eyes and mouth that way for a purpose.
Hindi kaya way 'yun ang pagsasabi ni Lord na dapat marinig mo lahat ng sides? Di mo pwedeng piliin kung alin ang mas malakas dapat ang dating sa pandinig mo at alin ang mas mahina. Kelangan parehas lang. Lalong hindi pwedeng isarado ang tenga mo para sa isang bagay. Hindi katulad ng mata na pwede mong ifocus at kontrolin. Pwede mong ipikit. O katulad ng bibig na pwede mong ilakas o ihina ang boses o kaya ay pwede mong itahimik.
O siguro analogy un ni Lord na gamitin ang tenga para balansehin ang mga bagay-bagay.
O siguro dahil dapat walang sawa dapat tayong makinig. Ang tengang walang pahinga.
Kung anuman ang dahilan, isa lang ang sigurado ko. Ginawa ang tenga para marinig natin ang lahat. Ang bibig ginawang ganyan para pwedeng itikom at masala ang sasabihin mo. Ang mata ginawang ganyan para pwede mong ifocus ang paningin mo sa mga bagay na dapat titigan. Pero ang tenga, hindi namimili.
Kung bibigyan lang sana natin ng importansya ang design ng Diyos, siguro mababawasan ang noise sa mundo. Sana parang cellphone ang pagtingin natin sa design ng Diyos sa atin. May special features na sadyang inilagay dyan para gamitin. Hindi nagkataon lang ang lahat. May purpose. Features na nilagay dyan para mas madali ang buhay. Dahil sa huli, it makes sense.