buhay-buhay
Thursday, January 28, 2010
  Walang Title
Dalawang oras pa.

Ngaun lang ata ako magbblog ng hindi muna nag-isip kung anong isusulat. At ngaun din lang ako nagblog na hindi nagsimula sa title. Ibig sabihin.. wala talaga akong topic na nasa isip. Gusto ko lang talaga magpatay ng oras dito sa opisina.

Wala na akong mai-blog.

Kapag may nagtatanong sa akin kung baket ang tagal kong hindi sumulat, ang sinasagot ko ay naging busy kasi ako. weh? Hindi nga? Busy ba o uninspired?

Talaga bang kelangan mo ng inspirasyon para makapagsulat. Hindi naman siguro kasi noong binalikan ko ang mga blog ko (mga 2 hours ago), wala naman akong maisip kung anong naging inspirasyon ko. Siguro noong mga panahong un, wala lang din akong magawa. Kaya siguro talagang totoong naging busy ako. Weh? Hindi nga? Oo nga. Busy talaga ako. Busy ako sa pag iisip ng pwedeng iblog pero wala akong maisip.

Siguro, madaling magblog kung araw-araw ay meron akong pinupuntahan akong ibang lugar o kaya activity na kakaiba araw araw. O kaya naman, kung sino sinong malalaking tao ang nakakausap ko araw araw. Pero hindi kaya... sobrang busy na ako noon para makablog pa? Malamang.

E kelan nga ba nagbblog ang tao? Ang pagbblog ba e trabaho ng mga taong busy sa maraming bagay o ng mga taong walang magawa sa buhay? Siguro pareho lang. Depende sayo kung gaano mo ini-enjoy ang pagsulat ng mga walang kakwenta kwentang bagay tulad ng..... blog na ito.

10 minutes na akong nagsusulat pero parang wala pa ding sense. Ang maganda nyan, isang oras at 40 minutes na lang at time na. Kita mo nga naman ang nagagawa ng blog. Di mo mamamalayan e nakapag aksaya ka ng oras ng hindi nagmumukhang walang ginagawa sa opisina. Akala nila busy ako. Busy naman talaga ako e sa pagbblog.

Baket nga ba ako nagbblog?

Ayun nga. Parang magpatay ng oras pero hindi naman sa lahat ng panahon e un ang dahilan. Me mga blog din naman akong talagang iniagaw ko ng oras sa tulog ko. O sige na nga - Iniagaw ko ng oras sa trabaho.

Nagbblog ako kasi siguro feeling ko may magagawa akong pagbabago sa pagsulat ko. Parang Jose Rizal lang ang dating a. Pero seryoso, siguro kung ngaun nabuhay si Rizal, malamang blogger din un. Sino kaya ang mas sikat sa kanila ni Bob Ong? Para kasing habang lumalalim ang blog, nagiging boring. Kaya siguro may mga naaaliw din naman sa blog ko kasi hindi ako malalim - maganda lang.

Sabi nung isang nabasa ko sa tumblr... nagbblog daw sya para daw kapag dumating ang araw na maisipan ng boyfriend nya na i-google ang pangalan nya e may lumabas naman sa result. Pero teka.... e baket hindi nya totoong pangalan ang ginamit nyang blogger account? Adik din e ano? Pero minsan nag illusion na din ako nyan. Minsan ginu-google ko ang pangalan ko pero iba naman ang lumalabas. Ilang blogs kaya ang kelangan kong isulat para maging significant ang blog ko sa world wide web? Sa facebook, sinubukan kong isearch ang pangalan ko at iyun, ang dami ko palang kapangalan. Wala lang. In love lang talaga sa sarili. Mahaba ang hair ko e. Marami namang mahaba ang hair e. Ung iba nga, sa ilong pa e.

Nagbblog din ako kapag may gusto akong patamaan kasi hindi ko kayang sabihin ng harapan. Kapag gusto mong maglabas ng inis. Ok din kasi napapag isipan . Napipili mo ung mga salita mong gagamitin. Nakakapag isip ka kahit papaano bago mo i-click ung post button. Kaya lang... maraming nakakabasa e. After awhile, maiisip mo na panget pala kasi pwede mong balik balikan.

Nagbblog din ako dahil sa mga memories. Para mabalikan mo ung mga nangyari. Minsan natatawa na lang ako sa mga dati kong blogs.

Own retreat din ang pagbblog. Kasi in a way, kinakausap mo ang sarili mo na hindi ka nagmumukha luka luka.

Nagbblog para magpatawa. Pero ang hirap din minsan lalo na kung hindi ka naman komedyante. Kapag nasimulan mo ng magblog ng patawa, mahirap ng magseryoso. Oo nga! Nakailang bura nga ako ng "Nayahahah" dahil gusto kong iproject na seryoso ako.

5:21 na. Ang haba na ng nasulat ko pero walang laman. Pero kelan ba naging rule na dapat me nilalaman ang blog? Pwede namang..... sabaw lang e.

Hay! sabi ko pa naman babalik na ako sa pagsusulat at pagbblog ngaung taon na ito.

Kaya lang, kung kawalan ng ginagawa ang magiging katwiran ko, mauubusan sigurado ako ng mai-bblog araw araw.

Ok payn! Basta kapag hindi ako nakapag-blog.... busy ako.

 
Sunday, January 24, 2010
  Kaibigan sa panahon ng FB, FS, twitter, multiply

Nakakapagtaka.

Dahil kahit nasa panahon na tayo ng mainit na facebook, friendster, twitter, multiply, cellphone, chat, email at kung ano ano pang comfort ng komunikasyon e hindi pa din maiwasan na may “manlamig” na kaibigan.

Ung tipong kapag nagkita kayo sa kung saan e simpleng “Uy! Sige una na kami” na lang ang exchange nyo ng usapan. Wala ng “Ano Tol? Taena! Dito din pala kayo pupunta e. Sana tinext mo ko!” Tapos biglang sagot ng “Antanga mo e tinetext kita kahapon a. Di ka naman nagrereply.” Wala ung init. Parang wala lang. Wala ka ng alam sa kanya kundin natuto na syang maluto ng spitfire roasted chicken at may nakita syang uhuging pusa sa farm nya. Di ko alam kung anong definition ng acquaintance pero para sa akin, sila ung mga taong di mo kaibigan pero di mo din kaaway. Nakilala mo lang sa isang pagkakataon pero wala ka nang pakealam after. Ung mga taong walang alam sa buhay mo at keber ka din naman sa kanila (pero nakukuha mong lagyan ng abono ang tanim nilang kalabasa). In short, mga taong walang gaanong saysay sa buhay mo.

Nakakalungkot.

Dahil umaabot sa ganong punto samantalang “to keep in touch” nga ang purpose ng lahat ng networking sa internet. Sama mo pa ang cellphone. At ang masama pa, e kapag dumating ang mga pagkakataon na ‘yun kung kailan kailangang kailangan mo ng kaibigan. Kung kailan lugmok ka at naghahanap ng pang unawa. Saka ka naman nabawasan ng kaibigan at nadagdagan ng acquaintance.

Siguro kasalanan mo din kasi nung minsan na lumapit sayo ang mga kaibigan mo para magsaya e hindi ka sumama. Pero sana naintindihan nila na may dahilan na nahihirapan kang magsaya non dahil sa problema.

Alin ba nakakasama ng loob? Ung kaibigan mo na inaaya mong magsaya pero hindi sumama o ung kaibigan na sa halip na damayan ka sa problema mo e inietchapwera ka?

Kung nagkapalit kayo ng sitwasyon, eechapwera mo din kaya? Kung oo, siguro nakakita ka ng katapat mo. Pero kung hindi, siguro they don’t deserve you. At siguro, kaibigan mo na lang talaga sila hanggang sa facebook, friendster, twitter at multiply. Kung pwede nga lang i-unfriend. Pero wag na, sayang din ang neighbors.


 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]