Late ako nakapasok ng office ngayon kasi alas tres na ako ng umaga nakarating nga bahay.
Di ako naglakwatsa. Ang aga ko nga umalis ng opisina kahapon e. 4pm e tumakas na ako ng makati pero 3 am na ako nakarating sa bahay. Hinde! Hindi naman ako lumipat ng Bicol. Doon pa din ako nakatira sa bahay namin sa Malvar. Pero punyeta! Baket inabot ng 11 hours ang byahe ko?!?!?!
E kasi po nabili na yata ng INC ung main road sa tapat ng Ashton at ginawang parking.
A... hindi nga pala ako dapat magreklamo kasi syempre respect natin ung religion ng mga kapitbahay natin at baka hindi pa ako makapasok sa langit. Kaya lang... sana nirespeto din ung karapatan namin na gumamit ng kalsada. Pareho lang namang karapatan yun e.
Masaya kayang magcelebrate habang ung kapitbahay mo e alam mong masakit na ang pwet sa haba ng byahe.. este trapik pala? Masaya kayang magcelebrate habang ung kapitbahay mo e hindi makatulog sa paghihintay ng mga kasama nya sa bahay? Masaya kayang magcelebrate habang ung kapitbahay mo e gutom na gutom sa sasakyan? Masaya kayang magcelebrate kung kahit ung sakay ng ambulansya ay hindi maisugod sa ospital dahil sa nakaharang kayo sa daan? Masaya kayang magcelebrate kahit alam mong sobra mong naaabala ang kapitbahay mo?
Aba e kung oo ang sagot..... Ang masasabi ko lang... ang sarap mong paliguan ng dinuguan.