buhay-buhay
Tuesday, May 26, 2009
  News Flash! Hayden Kho nagsuicide!
Sa gitna ng mga scandals ay winakasan na ng kontrobersyal na doktor ang kanyang buhay....


wala akong masabi kundi........






sumalawit nawa...



 
Monday, May 18, 2009
  Dora the Explorer


Hola! My name is Dora and your name is Boots. lol! Mga unggoy!
Haay... siguro naman kilala nyo 'yang nasa picture. Siya si Dora. Hindi sya ang batang She-ra kasi si adora un e. Siya ung madalas na panoorin namin ngaun sa bahay. Nakakatuwa ang pamangkin ko kapag nanonood ng Dora. Parang nasa harapan lang nya si Dora at kausap nya. Sumasagot sya kapag tinatanong ni Dora. Sinasabayan nyang kumanta sa Dora. Sumasayaw. Nagsasabi ng "Swiper no swiping!" Ako naman ang taga sabi ng "oh men!".
Madaming adventures si Dora. Meron syang goal na kelangang puntahan every episode. At paulit-ulit nyang kinakanta ang daan papunta dito. Halimbawa: "Forest - River - Tallest Mountain". Lagi nyang tinatanong si map kung pano ba makapunta sa isang lugar. Nakakatuwa kasi tulad ng buhay, malimit din na kailangan nating paulit-ulitin sa sarili natin kung san ba tayo dapat dumaan para marating ang goal natin. Yun nga lang di tulad ni Dora, andami-daming mapa na pwede nating kunsultahin. Nakakalito na minsan kung san ba talaga ang tamang daan para yumaman. hahahah!

Ang masaklap pa nga, kalimitan hindi natin alam ang goal natin sa buhay. Ewan kung dumating na kayo don sa punto na feeling nyo routinary na lang ang buhay. At nabubuhay lang kayo today pero wala kayong pinaghahandaang bukas. Kung hindi nyo aaminin na dumaan na kayo sa pagkakataon na un, aba e hindi ko din aaminin!
May kalaban din si Dora - Si Swiper the Fox. Ang panglaban ni Dora? -- sama samang pray over ng "Swiper no Swiping! Swiper no Swiping! Swiper no Swiping!" Minsan iniisip ko na sana ganon lang kadali ang buhay. Kapag may kaaway ka e ippray over mo lang sya at automatic babait na sya sa'yo. Kapag merong magnanakaw sa kanto e oorasyunan mo lang sya at tatakbo na sya palayo sayo. Hindi ko minamaliit ang kakayanan ng panalangin pero mahirap maniwala na kaya ng pray over na pagbaguhin ang isip ng isang holdaper. Malamang na instead na sya ang tumakbo e ako ang kumaripas ng takbo.
Meron ding ever realiable back pack si Dora. Kahit anong kelangan mo, meron sa backpack ni Dora. Payong, boots, rope, stars, bola - lahat! Magic bag yata un e. Sana ganon na lang ang buhay, ung iisipin mo lang kung anong kailangan mo at voila! pagdukot mo sa bag, meron na. Pero hindi e. Kalimitan nga, napaghanapan mo na ang lahat ng bag mo pero di mo pa din makita ang kelangan mo.
Gustong gusto ko din ung sticky tape ni Dora - syempre isa ito sa mga laman ng backpack nya. Nabutas ang hot air balloon - sticky tape. Madulas ang sapatos - sticky tape. Pati ba naman kapag naputol ang steering wheel ni Isa - sticky tape pa din?! Sana may ganong sticky tape na nabibili sa hardware store. Ung kayang pagdikitin kahit anong bagay na naputol o nabasag tulad ng puso. Ung kapag nasira ang pagkakaibigan nyo dahil lang sa walang kakwenta kwentang bagay e merong sticky tape na magbabalik ng lahat sa dati. Ung kapag nagkalamat ang matagal na samahan dahil lang sa isang padalos dalos na desisyon e ok lang dahil meron namang sticky tape.
Minsan naiisip ko, ang sarap maging si Dora. Parang ang dali dali ng buhay nya. Un nga lang, kung magiging si Dora ako kailangang ihanda ko din ang sarili ko dahil kailangan kong tanggapin na unggoy lang ang magiging bestfriend ko, tallest mountain lang ang mararating ko, hindi na liliit ang ulo ko, hanggang 10 lang ang mabibilang ko at forever na akong naka-pink-yellow-orange combination ng damit. Oh well...
 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]