VATICAN CITY (Reuters) – The Vatican's newspaper has finally forgiven John Lennon for declaring that the Beatles were more famous than Jesus Christ, calling the remark a "boast" by a young man grappling with sudden fame.
The comment by Lennon to a London newspaper in 1966 infuriated Christians, particularly in the United States, some of whom burned Beatles' albums in huge pyres.
source: http://music.yahoo.com/read/news/61898954
Ay kagrabe! 42 years!!?!?!? 42 years!?!?!?!? bago napatawad. Ang tanong.....
Ilang taon kaya bago mapapatawad si Congressman "Methuselah" Garcia for comparing President Arroyo to Christ??? Aba e malamang mahalintulad na din sya ni John Lennon....... Matagal ng namamahinga bago napatawad. Nyahahahah! Ammmbad!
Pero seryoso na.... aside from "time heals all wounds", totoo din ung linya na "napapagod din ang puso" ni Sharon sa Madrasta (Di ako sigurado sa movie buti sana kung kay Jolina yan! lol!) You can only put so much hatred in your heart talaga. May limitasyon din. Tulad na lang ng nangyaring yan di ba? Kelangang patawarin na si John Lennon...... to make room para sa hatred kay Congressman Garcia sa pagkokumpara kay Christ at kay GMA!!!! wahahahahahah! Akala ko ba seryoso na!? lol!
Tama na nga! May mas makabuluhang bagay pa akong mas dapat asikasuhin. Tulad ng... ano na nga ba balita kay Gabby, Nadia, Cristy F. at Rose F.??? Di na ako updated! Hahahahah!
Because Christmas is just in the corner na noh. And some of the empleyado, you know...? workers.. are kinda make receive na their 13th month pay and bonuses, eh I am sooo sure to the highest level that maraming feeling cono na in this time of year. kaya i would like to make share naman an email i received from one of my... u know, cono friends who happen to receive the same email from one of her cono friends din. and this email went on as in kinda make paikot-ikot in the internet like the punyetang chain mails na mega takot you if you will not forward it to your contacts within 5 seconds! pero until know, wala pang nag make claim na who is the original author of this email. I just wanna make hula na maybe this came from:
1. a game show host at kapamilya network
2. or baka naman from a thou-ter (read: daughter) of a former president of the bayan ng pilipinas
3. or an STD survivor.
well, its kinda hard to make hula talaga. so masakit sa head noh kaya eto na ang email mga kapwa ko cono.
TEN CONYO-MANDMENTS
1. Thou shall make gamit “make+pandiwa”
“Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore!”
2. Thou shall make kalat “noh”, “di ba” and “eh” in your pangungusap
“I don’t like to make lakad in the baha nga, noh? Eh di ba it’s like, so ewww, di ba?
“What ba? Stop nga being maarte noh!”
“Eh as if you want naman also, di ba?
3. When making describe a whatever, always say “It’s SO pang–uri!”
“It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga eh!”
“You’re making me inggit naman, I’ll make bili nga my own burger.”
4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude”, “tsong” or “pare”
“Dude, ENGANAL is so hirap, pare.” - (ENGANAL = Engineering Analysis in DLSU, FYI.)
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh.”
5. Thou shall know you know? I know right!
“My bag is so bigat today, you know.”
“I know, right! We have to make dala pa kase the jumbo Physics book eh!”
6. Make gawa the plural of pangalans like in English or Spanish
“I have so many tigyawats, oh!”
7. Like, when you can make kaya, always like. Like, I know right?
“Like it’s so init naman!”
“Yeah! The air–con, it’s like sira kase eh!”
8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
“Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?”
“It’s so tight nga there, eh, you know, masikip?”
9. Make gamit of plenty of abbreviations, you know, daglat?
“Like OMG! It’s like traffic sa EDSA.”
“I know, right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”
10. Make gamit the pinakamarte voice and pronunciation you have para full effect!
“I’m like, making aral at the Arrhneow!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!”
o di ba noh? after reading all the pangungusaps, u can feel na your dila is kinda need na to be rebonded. as in chochal noh! i want to make tawa na lang to all. harharharhar!
Sa ibang entry ko dito sa multiply, nabanggit ko na fan ako ni Sponge Bob at oo, marami akong natututunan sa kanya. Nakakalungkot lang na kailangan nyang lumisan sa ganitong paraan. hu! hu! hu!
Ayaw ko ng lagyan pa ng cliche ng kung anu-ano, tingnan nyo na lang ang larawan kung matatawa kayo o malulungkot (kasi ako hindi ko rin mapigilang matawa e kahit nalulungkot ako. nyahahaha!) Basta isa lang ang masasabi ko, sana lang dumami tayong mag-ala Patrick. Baka kasi marami ding sponge bob jan sa lugar nyo e.
Tagal ko na din na hindi nagblog. Gusto ko sanang bonggang-bongga ang pagbabalik ko sa mundo ng blogerspherya e kaso mo, wala talaga. wala na akong maisip na kabonggahan. ung tipong pansinin nyo ako kasi "im fabulous! charing!".
anyways, ung ikkwento ko e nangyari last week.
Mga characters:
Si boss - isang japanese national na nakapunta na dito sa pinas nung early 90's pa. tapos nagtayo ng kumpanya last 1998 sa pinas. nagstay dito from 1998 - 2002. bumalik uli 2007.
ang alalay - ako ito. isang sariwa, kaakit-akit at intelihenteng empleyado. fabulous din pala.
driver - e di driver. wala syang dialogue pero kelangan sya para maging makatotohan ang istorya.
scenario:
Sa loob ng kotse, sa may backseat magkatabi kami ni boss. papunta kaming laguna from makati.
sa totoo lang, nakakainip kasama sa byahe si boss. malimit nga na hindi ako tumatabi sa kanya at mas pinili kong umupo na lang sa tabi ng driver. dinadahilan ko na lang na nahihilo ako kapag sa likod ako nakasakay kaya kung pwede e sa tabi na lang ako ng driver maupo (di kaya nahihilo ako sa amoy nya? di naman siguro. sanay na ako e. hahah!)
Bukod kasi sa hindi dyaheng matulog kapag ang driver ang katabi mo, mas nakakaiwas ako sa mga tanong nya na di ko feel sagutin-- tulad ng tungkol sa trabaho, plano sa department, sa kumpanya, at kahit na nga plano kong mag-aasawa. Oo! may talent din ang mga hapon na magtanong kung may plano bang mag asawa with matching payo na parang tatay. haays! ganon talaga ata kapag single ka sa edad ko. lalo na nga kung fabulous kang tulad ko. talagang maraming magtataka at magtatanong. oh well, tanggap ko naman na kasama sa kapalaran ko ang maging isang malaking palaisipan sa kanila.
Kaya lang, nagkataon naman na late ako ng dating sa opisina ng araw na un. kaya sa halip na nakapagdiscuss pa kami kung paano i-aaproach ang client bago umalis ng opisina, mapipilitan tuloy akong tumabi sa kanya para don sya kausapin.
Un na nga. pagkaupong-pagkaupo namin sa kotse, nagdiscuss na kami ng presentation. ano bang possible na tanong at pano ba sasagutin? saglit lang namin un. pagkatapos non... katahimikan. Eto na, tumatalab na ang pampatulog na kasama ata sa hangin na ibinubuga ng aircon.
Putek naman! trapik pa!
Si boss siguro tinamaan din ng inip.
Boss: Did you know that I was here 15 years ago to attend to the inauguration of ______ (a client company)?
Alalay: Really? (Wenonaman ngaun? *antok antok*)
Boss: It was my bestfriend who put up that company that is why, I was invited. I was telling him.. "Are you are foolish to put up a company this far away from Manila?" Tatawa-tawa sya.
Alalay: (Ininahan ko sya sa punch line. KJ ako e) Then 5 years after, you went back here to put up a company which is much farther from Manila. (Batangas sya nagtayo ng company)
Tawa si boss. Oo nga naman, sino bang mag-aakala na madedevelop ang Laguna at Batangas ng ganon kabilis sa loob lang ng 15 years. Eto nga, ginagawa na ang South Luzon Expressway (SLEX). Dati, halos 4 hours ang byahe pero ngaun, kaya na ng 2 hours kahit pa nga 1.5 hour lang e.
Nagkkwento sya. Noong una daw puro rice fields ang makikita sa SLEX pero ngayon, binura na ang palayan. Di na daw sya nagtataka kung baket si Henry Sy ang pinakamayaman sa pilipinas.
Sumang-ayon ako. Mahilig kasi ang pinoy sa shopping. Mga one time millionaire. Pagkakasweldo, sa mall ang tuloy. Wala na nga kakong business ang bangko ngaun na savings, puro pagpapautang na lang at credit card. Kung dati ang hirap kumuha ng credit card, ngayon naman ang hirap tumanggi sa credit cards.
Sabi nya, paraiso daw ang pilipinas para sa kanilang mga hapon lalo na doon sa isang kakilala nyang Hapon na napa-assign sa Iraq ng 3 years baka nare-assign sa pilipinas. Buhay mayaman sila dito. Nasa hotel, pakotse, may driver, mura ang alak, maraming golf courses, maraming japanese resto at marami pang iba mura (kasama kaya sa marami pang iba 'ung mura din ang babae sa pilipinas? malay natin)
Natapat kami sa Eton City. Isang 100 hectare property na binili ng Ayala para idevelop as "Makati of the South" sa Sta. Rosa, Laguna. Dating palayan.
Alalay: Here will rise Eton City. I will miss the rice fields. (May pagkasentimental kong sabi). Anyway, it will create more work hopefully.
Boss: Yeah.. I remember. I had fun travelling from Makati to south because I love seeing rice fields. Maybe, this is one of the reasons why the Philippines keeps on importing rice from Vietnam. You can't supply your people with rice.
Alalay: Yes. We even trained them how to plant rice. And now, we are buying from them. Ironic but true.
Boss: Yes. Japan government sent students to Laguna also to learn rice technology. Now, we can supply our people of rice. 100%. We also import but of other agricultural crops. Not rice. We can supply to our people. Our government was thinking that if war will come, our people will not go hungry.
Alalay: (Iba talaga mag-isip ang hapon. Laging at least 10 years ahead. Saka war? Wag naman sana) I just hope our government will realize that before it is too late. Maybe should strengthen the regulations of declaring agricultural land to commercial.
Boss: Yes... _____ (where our company is located) is also an agricultural land before.
Alalay: Oh well.. i just hope there is balance.
Boss: I do hope so too.
Katahimikan uli. Malapit na kami sa kliyente. Mabuti naman.
Feedback sa radio ni mamang driver: "Joc-joc bolante, dumating na uli ng bansa."
O anong masasabi ko... Irony.. irony... irony..
nga pala, magbabakal ung bibisitahin naming kliyente. Isa pang irony. hahahah!
They paved paradise and put up a parkin' lot
With a pink hotel, a boutique, and a swingin' hot spot
Don't it always seem to go
That you don't know what you got till it's gone
They paved paradise and put up a parkin' lot.. ummm.. bop! bop! bop!
Counting Crows - Big Yellow Taxi
tumatanda pero nananatiling bata.
Subscribe to
Posts [Atom]