Havaianas
Brazilian Portuguese: ah-vai-YAH-nas
Americans : hah-vee-ah-naz
Filipinos: Oh-my-God-Ha-ba-ya-nas
Brand: Brazilian (also known as Flip-flops or thongs)
Price: Php 600 - Php 2,000 or 1 pair of havaianas = 50 pairs of beachwalk
Havaianas' design is inspired by the Japanese rice straw and wood zori sandals used with kimono. They employ a simple, functional design, sometimes featuring a small symbol such as the Brazilian flag on the strap. The name Havaianas, is Portuguese for Hawaiians.
In short, gomang tsinelas!
E baket nga ba ang mahal mahal ng havaianas? E gomang tsinelas lang naman yan. Di ko talaga magets. At oo! nao-OA-yan ako sa presyo nya. at kadalasan.. nao-OA-yan din ako sa mga nalululong o kahit na nga hindi lulong kundi napapagustong bumili nyang gintong tsinelas na yan lalo na ung wala naman sa budget nila.
Unang-una, binago nyang lahat ang pananaw ko sa tsinelas. Dati gustong gusto ko ung linya tungkol sa tsinelas don sa movie ni regine at richard na "Ikaw lamang, Hanggang ngayon" ata ang title non. Sabi don:
"ang babaeng minamahal ng tunay ay parang tsinelas. kase naaakit tayo ng mga bagong sapatos - dahil sa balat o dahil sa bagong style, pero kahit gaano kaganda yang sapatos na yan, pagdating natin sa bahay, sabik na sabik tayong magtsinelas. kaya yang si nikka, si lizzie at yang mga etc etc mo, mga sapatos lang yan. hindi mo pa nakikita ang tsinelas ng buhay mo."
Totoo 'yan... dati! Noong hindi pa nauuso ang havaianas. Pero ngaun, anak naman ng putakte! mas mahal pa ang tsinelas na 'yan sa sapatos na suot ko ngaun! At isa pang anak ng tinapa, e mas maraming addict jan sa havaianas na yan kesa sa sapatos.
Ano nga bang meron 'jan sa havaianas na yan? Ayaw ko namang maging biased kaya ienumerate ko kung anong advantage ng havaianas.
Plus points:
- Pwede isuot sa loob ng starbucks.
- Nakakaganda ng kuko. 'Ung tipong di mapapansin ng mga tao ang patay na kuko mo sa paa kasi sobra silang amazed na nakahavaianas ka.
- Konyo ka! In! Cool! Chochal!
Minus points:
- Nakahinayang ipampatay ng ipis.
- Nakakahinayang ilusong sa baha.
- Nakakahinayang gamitin sa tumbang preso.
- Nakakahinayang gamitin sa bending.
- Nakakahinayang ipambato sa bunga ng puno.
- Nakakahinayang iwan sa tabi ng beach.
- Nakakahinayang!
- Nakakahinayang!
- Nakakahinayang!
- Mahal!
- Mahal!
- Mahal!
- Sobrang mahal!
Haaay! Naku! Hindi ko talaga maintindihan. Panalo pa din ang beachwalk para sa akin. Pero baket nga ba andaming nahuhumaling sa havaianas? Kala ko ba naghihirap na tayo weh? O natural lang sa pinoy ang pagiging "mayabang". 'Un bang kung anong uso e go lang ng go para "in". Para hindi napapag-iwanan.
O baka naiinggit lang ako? Pero hindi din. Di naman ako hiyang sa gomang tsinelas e. At isa pa uli, ampanget ng paa ko kaya kahit nakahavaianas ako e parang naka-beachwalk din lang ako. Nyahahahah!
Noong bata pa ako, masaya ang pasko. Kasi sa aming magpipinsan, kami lang ang pinupuntahan ni Santa. Di kami naghahanda ng pagkain pero laging may regalo si Santa sa aming magkakapatid.
Ang natatandaan ko na natanggap ko e tsinelas at sando (pareho kami nung bunsong kong kapatid.) Me picture pa nga kami nila tatay na magkakatabi sa upuan e pero di na pasko un. Graduation ng kinder ko un. Pudpod na ung tsinelas ko, kita na kasi ung hinlalaki ko e. Wahahaha! Si kuya naman, tinatakot ni tatay na pamalo daw ung bigay ni santa kasi mahaba e. 'Un pala raketa ng badminton.
Sabi ng mga kill-joy kong pinsan, sila nanay at tatay lang daw ang nagbibigay ng regalo at hindi si santa. abah! matagal na panahon din bago ko natanggap ang katotohanan na yan.
Dahil sa ang kapitbahay namin e mga kapatid ni nanay at halos magpipinsan kaming lahat don sa isang hilera, tuwing noche buena ay naging kaugalian na, na magbahay-bahay at pumunta don sa pinakamatandang kapatid nila, dalahin ang pagkain don at don kumain. Pero kami, nagtutulog-tulugan kami nila nanay. Kala ko laro lang 'ung pagtutulog-tulugan namin. O hindi naririnig nila nanay ang katok sa pintuan namin. Pero ngayon na malalaki na kami, malimit ikwento ni nanay na di talaga sya bumabangon para pagbuksan sila. Wala daw kasi kaming isshare na pagkain kasi nga inuuna nila ni tatay ang pagkukunwari me regalo si santa. Tutal naman, di kami mareklamo sa pagkain. Madalas daw, umiiyak sya kapag nakaalis ang ung mga kumakatok. Siguro sa awa sa sarili.
Oo nga naman. E kasi naman tatlo kaming pumapasok sa school e samantalang ung mga kapatid ni nanay, paisa-isa pa lang ang pinapapasok. Ung iba, binata pa. Kaya halos lahat sa pagpapaaral napapaukol.
Dati kapag christmas party sa school at pwedeng mag-ordinary ng suot e hindi pa din ako nag-oordinary. Pero meron pang isang option - nagjajacket na lang kami ng kapatid ko. Me malapit kasi sa amin na pwedeng kuhanan ng pasadyang jogging pants at sweater - si Ka Felly. At dahil sobrang lamig dito sa Lipa noon aba e lagi kaming ikinukuha ng nanay ng sweater lalo na kung malapit na ang pasko.
At kapag bring your own baon sa christmas party, pinapayagan ako ni nanay na lumalabas ng school kapag lunch time. Kasama ko ung bestfriend ko noong elementary- si Jean. Pumupunta kami sa Burger Joint sa me tapat ng Lipa Cathedral. Don lang nakakabili ng burger. At pang special na okasyon lang ang burger non. Kumbaga, talagang dapat paglaanan.
Noong bata ako, hindi kami pinapayagan ni nanay na mamasko. Siguro dahil alam nyang di naman kami kinatutuwaan ng mga kapatid nya. Di din kasi close si nanay sa pamilya nya dati partikular na sa panganay nila at sa tatay nya. E nagkataon na ung dalawang un ang pinaka-nagmamatanda sa lahat sa kanila. Kaya dalawa lang ang pagpipilian mo, ang magpasakop ka sa dalawang un o maging masama ka na lang sa paningin nila. Si nanay, pinili na lang ung pangalawang option. Kaya kaming mga anak nya, damay.
Kaya ang ginagawa nila, don kami sa lola sa ilaya pumupunta (nanay ng tatay ko.) Don e superstar kaming tatlong magkakapatid kasi nga minsan lang kami pumunta don. At isa pa, paborito kami ni lola pero secret lang. heheheh! Paborito ni lola ang nanay ko sa lahat ng mga napangasawa ng 7 anak nyang lalaki. Sabi nga ni nanay, mas naramdaman pa nya ang pagmamahal ng magulang sa lola ilaya kesa sarili nyang magulang. Nakakamiss ang lola ilaya. Nakakamiss mamasko sa kanya.
Kung meron mang isinabuhay ang kasabihan na "Ang pasko ay para sa mga bata", sila nanay at tatay na iyon. Kasi kahit mahirap ang buhay, masaya ang mga alaala ko ng pasko ko dahil sa kanila.
Kaya ngayon, ako naman ang babawi. Papausuhin ko na "Ang pasko ay para din sa mga magulang." At kami namang magkakapatid si santa.
Makiuso na kayo. Panahon na para tayo naman ang magpasaya ng pasko nila.
tumatanda pero nananatiling bata.
Subscribe to
Posts [Atom]