buhay-buhay
Thursday, October 25, 2007
  Indelible Imprint

May classmate ako ‘nung elementary na nagpupu sa skirt nya. Ngayon, instructor na siya sa isang respected university and under her belt is a master’s degree. Pero tuwing napapag-usapan sya, di nawawala ‘yung topic na nagtae siya sa klase. May classmate ako ‘nung elementary na nagpupu sa skirt nya. Ngayon, instructor na siya sa isa sa respected university and in her belt is a master’s degree. Pero tuwing napapag-usapan sya, di nawawala ‘yung topic na nagtae siya sa klase. : l o l :

‘Yung isang teacher ko sa values education class, syempre dalaga ‘yon like most of the teachers sa school. Sobrang hinhin. Di tumatawa ng malakas. Kumbaga, bahagya na maka-ngiyaw sa klase. Pero pagnaaalala ko sya, ung minsan na pumasok sya sa klase na merong band-aid sa leeg ang nagreregister sa utak ko. Me chikinini pala ang loka. : l o l : pootek!

‘Yung kacombine naman namin sa retreat. Grabeng kawalang-hiya! As in, hindi lang estudyante ang pinaiiyak, pati teacher. Teacher’s enemy talaga. Pero ‘nung sharing na (binasa namin letter naman sa magulang namin), lahat ng attendees umiyak sa sulat nya. Pati teacher at ‘yung seminarista, nilapitan sya para i-comfort. I will always remember him that way, a boy inside a man. : )

‘Yung nanay ko (tama bang isama ko ang nanay ko dito? : p u k p o k : ) Sa dinami-daming beses na kong pinagalitan at pinalo. Sabi ko nga sa officemates ko kapag nasesermunan e, well-trained na ko ni nanay sa sermon kaya hindi na ko naaapektuhan. : l o l : Pero di ko malilimutan ‘nung pinalo nya ako tapos nakatulugan ko na pag-iyak. Nagising ako, kiniss ako ni nanay sa noo. Haaay… Di ko na alam kung anong kinagalit nya (kaya siguro ako lagging sinasabihan ni nanay na hindi marunong magtanda. : h m m : )basta ang alam ko mahal ako ng nanay ko. : ) Ganon ko lagi sya maaalala. : h u g :

Tabula rasa 1)A young mind not yet affected by experience (according to John Locke). 2) An opportunity to start over without prejudice.

Hmmm… When we least expected, we are creating our indelible imprint (‘yun nabanggit din ang taytol sa wakas!: l o l : ) sa mga taong nakapaligid sa ‘tin… sa mga taong mahal natin… sa magulang natin… sa kapatid… sa anak natin… kasama sa trabaho.. lahat-lahat. Hindi man tayo nasa limelight ng showbusiness, ‘yung mga taong nakapaligid sa ‘tin look up to us and put as on spot light. Ikaw ang bida sa buhay nya. So be careful of what you are going to imprint in their minds. The worst is, you imprinted the sad part of life.

Pero at isa pang pero! Wag mawalan ng pag-asa.. Kasi ‘yung second definition is also for all of us. An opportunity to start over without prejudice. It is never too late to show something you should be remembered by. And un e para sa lahat, uulitin ko lang. No one can take that opportunity from anyone.

So, how would you like to be remembered? However it is, sana it includes the beauty of life and living.

: )

 

My Photo
Name:
Location: malvar, batangas, Philippines

tumatanda pero nananatiling bata.

Archives
September 2005 / October 2005 / November 2005 / June 2007 / July 2007 / August 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / January 2008 / February 2008 / September 2008 / November 2008 / December 2008 / January 2009 / February 2009 / March 2009 / April 2009 / May 2009 / July 2009 / September 2009 / January 2010 / June 2010 / September 2010 / January 2011 / June 2011 / November 2016 / March 2018 / February 2019 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]